Joy's POV
Hanggang ngayun hindi padin ako makapaniwala sa sinabi ni charles. Yung sinabi niyang gusto niya ko? Talagang hindi ako makapaniwala hindi ko nga alam kung niloloko niya lang ako o pinagtitripan eh. Akala ko babawiin niya yung sinabi niya na gusto niya ko pero hindi dumaan pa ang mga araw na halos araw araw magka-chat kaming dalawa. Ang Awkward lang minsan kase sobrang sweet niya hindi naman ako nagiinarte kinikilig pa nga ako eh. Hindi lang talaga ako makapaniwala na magiging ganun siya sakin. Yung tipong kulang nalang langgamin nako dahil sa sobrang sweet niya. Sobrang Awkward lang kase lalo na kapag Nagsasabi siya ng mga sweet words hindi ko alam kung ano irereply ko sakanya dahil hindi naman kami diba? Ni hindi nga sya nanliligaw eh -_- Tapos magsasabi siya ng mga sweet words masyado siyang paasa eh. Nahuhulog na nga ako sakanya lalo niya pakong hinuhulog. -_- Kung dati mas gusto kong pumapasok ngayun guston ko ng umuuwi. Minsan nga ayoko ng pumasok para lang maka-chat si charles. Halos wala na nga akong magawa dahil lagi akong nakatutok sa laptop. Minsan nga nakakalimutan ko ng gumawa ng assignments at kumain. Minsan nga naiinis ako kapag ang tagal ng uwian. -_- Usapan kase namin ni charles na kapag uwian na diretso na daw sa bahay tapos mag online daw agad diba para siyang boss! Siya lagi ang nagsasabi kung ano ang gagawin ko. Daig niya pa si Mama at Papa eh.
Minsan nga natatawa sakin sila angel at bryan dahil ngumingiti daw ako mag-isa. Masisisi ba nila ako diba? Tsaka ang sarap kayang ngumiti buong araw lalo na kapag inlove ka. Ang sarap gumising sa umaga at magbukas ng facebook tapos message niya ang una mong mababasa tapos sweet message pa diba ang sarap gumising sa umaga kapag ganun. ^_^ Yung tipong ang sarap sa pakiramdam na ganun siya sayo. Yung tipong tuwing magbubukas ka ng facebook chat message kaagad ang binubuksan mo dahil alam mong may message siya para sayo. Kung dati halos isang araw lang ako mag open sa isang linggo ngayun hindi na halos araw araw nakung online. Alam niyo naman siguro kung bakit diba? Kung dati ayos lang na nakabukas ang facebook ko sa harapan nila kuya ngayun hindi na dahil natatakot ako na baka mabasa nila yung message namin sa isat-isa ni Charles. Ayoko namang mapagalitan noh -_- Tsaka kahit hindi naman kami ni charles kapag binasa mo ang conversation namin parang kami eh! Dahil sa mga sweet message na sinasabi niya. Minsan nga sinasakyan ko nalang ang mga sweet message na sinasabi niya pero sa loob loob ko gustong gusto ko yung sinasabi ko.
Nakauwi nako ngayun hinihintay ko nalang mag-online si charles maaga kase kaming pinauwi ni Maam dahil pupunta daw yata sila ng patay kaya pinauwi na kami ng maaga. Pag uwi ko ay agad akong nag-online inaasahan ko namang hindi pa naka online si Charles dahil maaga pa naman siguro nasa school pa siya ng mga oras na ito. Habang hinihintay ko siya ay binasa ko muna ang mga old conversation namin. Para naman akong tangang nakangiti habang binabasa yun. Yung ngiti ko kase abot hanggang tenga eh! -_- Tinignan ko naman kung nakakailang message na kami. Halos malaglag naman ang panga ko ng makita kong 15k nayun lahat Grabe! Sabagay hindi nako magtataka dahil halos madaling araw nga nagchachat kami lalo na kapag Saturday and sunday inaabutan na kami ng umaga pero Wapakels kaming dalawa.
Aaminin kong hindi nabubuo ang araw ko kapag hindi ko siya nakaka-chat parang may kulang. Parang wala ako sa mood kapag hindi ko siya nakakausap. Ganun na ganun yung nararamdaman ko. Parang gusto ko palagi kaming magkausap dalawa yung tipong nasa akin lang ang buong atensyon niya. Gusto ko ako lang yung babaeng kinakausap niya at sinasabihan niya ng mga sweet words gusto ko ako lang T_T Minsan nga gusto kong hingin yung account niya eh para naman makita kung ako lang ang babae niya i mean sinasabihan niya ng mga sweet message baka kase mamaya may iba pa siyang sinasabihan ng ganun eh! Aba! Magkakagulo kami kung ganun! Chos wala naman akong karapatan eh! Kase nga magkaibigan lang kami ewan ko ba naman kase sa Daga na to ayaw pang manligaw papayagan ko naman siya. -_- Hindi niya ba alam na hinihintay ko lang siyang magtanong handa naman akong sumagot eh! Hindi yung pinapaasa niya ko sa mga sweet message niya. Kainis siya ah -_- Pasalamat siya Mahal ko siya!

BINABASA MO ANG
Puppy Love
Teen FictionNaranasan nyo na bang main-love. Magka-gusto? Magka-crush? Masaktan? Magpakatanga? Maloko? Umiyak? Maghabol? Yung akala mong siya na pero Hindi pala? Yung binigay mo yung best mo sa relasyon niyo pero Niloko kapadin niya? Naranas...