Angel's POV
"Manang Nandiyan po ba si Bryan?" Kinakabahang tanong ko kay Manang Luna kasambahay dito sa bahay nila Bryan.
"Oo. Anak nasa sala baket?" Nakita kong binuksan ni manang luna ang gate. Agad naman akong pumasok.
"Manang kakausapin ko po kase siya." Kinakabahang sabi ko.
"Ah ganun ba sige angel puntahan mo nalang sa sala. Ikaw lang ba wala ba si joy?" Tanong ni manang at nagwalis na ulit ng bakuran.
"Ako lang po." Napatingin naman siya sakin at tumango. Ngumiti naman ako ng pilit dahil kinakabahan ako.
Kagabi ko pa iniisip kung paano ako aamin kay bryan. Kagabi pako kinakabahan ng todo lalo naman ngayun na talagang haharap nako sakanya. Kinakagat ko ang kuko ko para mapakalma ko ang sarili ko dahil talagang kinakabahan ako. Ng makapasok nako sa loob ay pumunta nako ng Sala nila laking gulat ko naman ng makita ko si Bryan na may kayakap ng ibang babae. Yung yakap nila ay hindi lang basta yakap mahigpit na parang ayaw na niyang pakawalan ang babae. Nakita ko namang hinalikan niya ito sa buhok naramdaman ko namang nag-init ang sulok ng mata ko. Huli naba ako? Kung kelan handa nakong umamin ng nararamdaman ko para sa kanya? Tsaka naman siya nakahanap ng bago? Saktong pagtingin niya sa direksiyon ko ang pagbagsak ng mga luha ko. Nakita ko ang gulat sa mukha niya nakita ko namang napatingin din sa akin ang babae. Agad naman akong nakaramdaman ng inggit at selos dahil sobrang ganda nito.
"A-angel anong ginagawa mo dito?" Lalo naman akong nasaktan dahil sa tanong niya. Bakit ayaw niya bang may nangiistorbo sakanila? Napangiti naman ako ng mapait.
"S-sige mauna nako bryan. Pasensya na sa istobro." Hindi ko na hinintay na magsalita siya at dali dali nakong lumabas. Napakasakit pala sa pakiramdam na makita ang taong mahal mo na may kayakap na ibang babae. Kasalanan ko to eh kung sana umamin nadin ako sakanya ede sana hindi kami magkakaganito. Paglabas ko ay nakasalubong ko si Manang luna tinatanong niya kung ano ang nangyare pero hindi nako sumagot pa at lumabas nako sa bahay nila bryan alam kong bastos ang ginawa ko pero hindi ko na talaga kayang humarap pa sa tao gusto ko nalang umuwi ng bahay at magkulong sa kwarto siguro pupunta nalang ako kay Joy mamaya dahil siya lang naman ang kaibigan na nasasabihan ko ng problema ko.
"Angel sandali." Bigla namang kumalabog ang puso ko ng marinig kong tinatawag ako ni bryan. Nagpanggap ako na hindi ko narinig yun at nagtuloy tuloy nako sa paglalakad mas lalo ko pang binilisan para hindi niya ko maabutan.
"Angel i said wait." Nagulat ako ng hilahin niya ang braso ko at pilit na iniharap sakanya. Nagtama naman ang mata naming dalawa nahagip naman ng mata ko ang babaeng kayakap niya kanina nakasunod lang ito sa amin. Bigla namang sumikip ang dibdib ko dahil dun.
"B-bryan uuwi nako." Naiiyak na sabi ko. Nakita ko namang kumunot ang noo ni bryan. SIguro nagtataka siya sa inaasta ko.
"Angel bakit ka nandito?" Tanong ni bryan hinawakan niya ang baba ko at pilit na hinahanarap sakanya. Umiiyak naman akong tumingin sakanya. Bakas naman ang gulat sa mukha niya ng makita niya kong umiiyak. "Why are you crying?" Nagaalalang tanong ni bryan at pinunasan ang luha ko. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at pinagpapalo ko siya sa dibdib. Hindi naman siya umaalma.
"Nakakainis ka kase eh. Kung kelan aamin nadin ako sayo na Mahal din kita tapos tsaka kanaman nakahanap ng iba. Nakakaasar ka alam mo bayun nagipon pako ng lakas ng loob sa pag amin ko sayo tapos ganun lang ang maabutan ko." Umiiyak na sabi ko habang pinapalo ko ang dibdib niya. Naramdaman ko namang hinawakan niya ang kamay ko at gulat na tumingin sa akin.
"M-mahal moko?" Utal na tanong niya sa akin lalo naman akong nainis ng itanong niya yun sinabi ko na nga tinatanong pa eh!
"O-oo Grade 3 palang mahal na kita. Akala ko kase hindi moko gusto kase palagi mokong inaasar at inaaway pero kahit ganun gusto padin kita. Hindi ko magawang umamin dahil natatakot ako na baka ireject molang ako lalo na babae pako. Ginamit ko lang si enrique para pagselosin ka. Alam mo bang natutuwa ako sa tuwing nakikita kong naiirita ka kapag magkasama kaming dalawa. Kinikilig ako kapag sinasabi mong layuan ko siya at sayo lang ako lumapit. Alam mo bayun hah! Bryan." Umiiyak na sabi ko sakanya nakita ko namang napangiti siya sa sinabi ko. "Tapos ngayun nakahanap kana ng iba. Pasensya na hindi nako manggugulo sainyong dalawa." Saad ko at pinunasan ang luha ko. Akmang tatalikod nako ng bigla akong yakapin ni bryan. Agad naman ulit nangilid ang luha ko dahil sa pag yakap na ginawa niya.

BINABASA MO ANG
Puppy Love
Teen FictionNaranasan nyo na bang main-love. Magka-gusto? Magka-crush? Masaktan? Magpakatanga? Maloko? Umiyak? Maghabol? Yung akala mong siya na pero Hindi pala? Yung binigay mo yung best mo sa relasyon niyo pero Niloko kapadin niya? Naranas...