Chapter Twenty Two

163 23 3
                                    

Bryan's POV

Wala naman talaga akong balak na hindi siya pansinin. Hindi ko nga alam kung bakit pumasok sa isip ko yun eh. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko at sinama ko sa plano ko na hindi siya pansinin. Kanina gustong gusto kong saktan ang sarili ko ng makita ko siyang umiiyak sa harapan ko yun ang pinaka ayoko sa lahat ang makita siyang umiiyak lalo na dahil sa akin. Gusto ko siyang yakapin at sabihing nagbibiro lang ako! Pero hindi ko naman magawa. Naumpisahan ko na kaya tatapusin ko na. Sa totoo lang hindi yun kasama sa plano ko kasama lang sa plano ko ang makalimutan ang Monthsary namin ngayun pero hindi kasama sa plano ang hindi ko siya pansinin maghapon. 

Kanina habang kumakain kami gustong gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at manghingi ng sorry kaso naduduwag ako dahil baka galit siya sa akin. 

I'm Sorry Cupcake

Napabuntong hininga naman ako habang nakatitig sa binigay niyang regalo sa akin. Huminga ako ng malalim at binuksan yun. Napangiti naman ako ng buksan ko iyon isa iyong Explosion box. Nakangiti ko namang tinitignan ang mga pictures naming dalawa. Sa totoo lang hindi ako mahilig sa camera o pictures na ganyan palagi niya kong kinukulit minsan nga nagagalit siya kapag hindi ako sumasama sa picture namin. Ang arte ko daw! Aminin ko man o hindi pero kinikilig ako simpleng yakap niya lang o halik kinikilig nako! Hindi lang naman kase ang babae ang kinikilig padin din kaming mga lalaki. Hindi nga lang halata pero kinikilig kami. 

Sino ba namang hindi kikiligin kung sobrang sweet ng girlfriend mo. Minsan nga naiinis nako kapag nagagalit siya ng wala namang dahilan. Pero sa tuwing naaalala kong ginagawa niya lang yun para magpalambing napapangiti nalang ako. Sa tuwing inaaway ako ni angel nilalambing ko lang siya yun lang naman ang gusto ng mga babae. Sabihin na nating abnormal sila pero dun lang nila pinapakita ang pagmamahal nila para sa atin. Kaya kapag nagtatampo siya o kahit nilalambing ko padin siya dahil alam kong yun lang naman ang gusto niya. Kapag nag-aaway kami ng cupcake ko imbis na sumabay pako sa init ng ulo niya tumatahimik nalang ako. Imbis na dagdagan ko ang inis niya nilalambing ko nalang siya at niyayakap ng mahigpit. 

Dun lang kase sila kumukuha ng lakas. Hindi kaartehan ang tawag dun kaya kapag naabnormal ang mga girlfriend niyo lambingin niyo lang. Yun lang naman ang gusto nila. 

Wala akong nararamdamang pagsasawa tuwing nilalambing ko siya. Mas lalo ko pa siyang minamahal si angel kase yung tipo ng babae na mabilis magtampo at magalit pero sobrang bait kaya Angel ang pangalan niya kase Yung ugali at mukha niya ay para talagang isang anghel. Siya din yung tipo na girlfriend na sobrang lambing kahit nasa public kayong dalawa hindi ka niya ikakahiya. Hindi naman kase ako ganun kagwapo hindi ako katulad ng mga Idol at Crush niya na sobrang Hot at gwapo. Pero kahit hindi naman ako katulad ng mga idol niya kayang kaya ko naman silang gayahin para sakanya. I know ang corny mahal ko eh! Pag mahal mo hindi mo na iniisip ang sinasabi ng ibang tao basta masaya kayong dalawa wala na kayong pakielam sa iba. 

Walang araw na hindi kami nagaaway dalawa. Syempre siya ang nauuna palagi naman eh -_- Yung tipong hahawakan ko lang naman yung kamay niya bigla nalang magiging abnormal. Mananapak tapos sasabihin may babae ka kahit wala naman! Kaya nga sanay nako sakanya. Away bati kaming dalawa palagi. Siya yung nagumpisa ng away pero ako yung nanghihingi ng tawad. Pagdating talaga sakanya bumababa ang pride ko. Sa buong buhay ko wala pakong babaeng nilambing kung hindi siya lang. Siya lang naman palagi eh! 

Kahit abnormal yan at baliw minsan Mahal na mahal ko yan. Minsan nga iniisip ko kung ano ba yung nagustuhan ko sa babae nayun. Oo maganda siya Maputi,Matalino,Sexy,Sikat Halos lahat kilala siya pero hindi dun eh! Hindi ko nga alam kung bakit minahal ko yun siguro dahil sa ugali niyang matulungin. Siya kase yung tipo na mabilis maawa lalo na kapag nakakakita kami ng pulubi talagang pahihituin niya yung sasakyan at pupuntahan yung pulubi at bibigyan ng pagkain at pera. Ganun si angel kaya siguro lalo akong nahuhulog sa kanya. Dahil hindi lang panlabas na anyo ang maganda sakanya pati din ang ugali niya. 

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon