Joy's POVNagsusulat kami nun. time ng filipino namin. Tahimik kami habang nagsusulat dahil medyo masungit ang teacher namin
(konti lang naman ^_^) ng matapos akong magsulat ay binigay ko ang notebook ko kay ma'am. Para ipa-check, pagkatapos kong magpacheck ay agad akong umupo sa upuan ko. Narinig ko namang naguusap ang dalawa kong babaeng kaklase na sina Juneth at Pia. Siguro tungkol nanaman sa crush nila yan. Umupo nalang ako ng maayos at kinuha ang pocket book na binabasa ng pinsan ko. Nagustuhan ko siya kaya hiniram ko habang binabasa ko ang pocket book na hiniram ko ay hindi ako makapagconcentrate dahil sa dalawa kong kaklaseng nagdadaldalan.Hindi lang kase sila basta nag-uusap. Tumitili din sila, hindi naman malakas pero sapat nayun para marinig ko sila. Tumingin naman ako sa kanila at lumapit. Tutal Hindi naman ako makapagcon centrate ng maayos sa binabasa ko makikinig nalang ako sakanila. Umupo ako sa bakanteng upuan na katabi nila at nakinig sa usapan nila. Hindi naman nila ako napapansin dahil busy sila sa pakikipagusap tungkol sa hindi ko naman kilala.
"Talaga? Nakita mo si Charles kahapon?" Agad namang napakunot ang noo ko sa narinig kong pangalan. Parang pamilyar ang pangalan niya pero hindi ko nalang pinansin nakinig nalang ulit ako sa dalawa kong kaklase na kinikilig kay Charles daw. "Sayang umuwi kase ako ng maaga kahapon. Hindi ko tuloy nasilayan ang kagwapuhan niya. Di bale mamaya naman late ako uuwi para makita ko siya." Kilig na sabi ng kaklase ko na nangangalang Pia
Seryoso ba siya? Magpapalate siya ng uwi para lang dun sa Charles . Napailing nalang ako at nakinig ulit sa usapan nila.
"Napaka gwapo niya talaga. Kaso snob eh." Nakangusong saad ni Pia habang nakatitig sa notebook niya snob? Bigla naman akong natawa dahil sa sinabi niya. Magkakagusto na nga lang sa snob pa? Nakita ko naman naapatigil sila sa pag-uusap at takang tumingin sakin.
"Bakit ka tumatawa?" Tanong sakin ni Juneth at takang tumingin kay Pia nakita ko namang umiling si Pia.
"Oo nga. Tumatawa ka diyan mag-isa." Saad sakin ni Pia.
"Wala natatawa lang ako sainyo kase patay na patay kayo dun sa Charles ba yun?" Sabi ko sakanila nakita ko namang napangiti sila dahil sa sinabi ko.
"Kilala mo si Charles. Sabagay sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang katulad niya." Kinikilig na sabi ni Juneth at pumikit pa na parang nagiimagine napailing nalang ako. Ganito pala sila magkagusto?
"Crush mo din si Charles noh!" Giit sakin ni Pia ng ikinagulat ko. Bakit ko naman magugustuhan yun panigurado naman ako na pag nakita ko yun eh, matatawa lang ako tsaka mas madami naman sigurong gwapo dito sa school kesa sakanya.
"Paano ko naman magugustuhan yun eh hindi ko pa nga nakikita yun." Saad ko at umayos ng upo. Nakita ko namang lumaki ang mga mata nilang dalawa.
"ANO? Hindi mo pa nakikita si Charles Angelo San Pedro?" Hindi ko naman mapigilang matawa ulit dahil sa apelyido nung Charles. Sa sobrang lakas kong tumawa ay nasita pako ni maam. Pero inafairness naman sakanila kabisado nila ang pangalan ni Charles na hindi ko pa naman nakikita.
"Haha! Oo hindi ko pa nakikita bakit anong masama?" Takang tanong ko pero hindi ko padin maiwasang mapangiti kapag naalala ko ang apelyido nung Charles mukhang masaya siyang pagtripan.
"Omg! Joy famous yun." Gigil na sabi sakin ni pia.
"Kung famous siya bakit hindi ko siya kilala?" Natatawang tanong ko sakanilang dalawa. Sabay naman silang tumingin ng masama sakin at sinabing..
"Alien ka kase." Ako naman ang tumingin ng masama sakanila dahil sa sinabi nila. Mga baliw hindi ko lang kilala alien na kaagad ako? Nakita ko namang nagkatinginan sila at sabay na natawa. Sila lang natawa sa Sinabi nila. -_-

BINABASA MO ANG
Puppy Love
Teen FictionNaranasan nyo na bang main-love. Magka-gusto? Magka-crush? Masaktan? Magpakatanga? Maloko? Umiyak? Maghabol? Yung akala mong siya na pero Hindi pala? Yung binigay mo yung best mo sa relasyon niyo pero Niloko kapadin niya? Naranas...