"Joy pwede ba kitang makausap?" Agad naman tumaas ang ulo ko ng tawagin ako ni maam? Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya? Agad ko namang tinigil ang sinusulat ko at lumapit kay maam na may sasabihin yata sakin.
"Bakit po maam?" Magalang kong tanong. Alangan namang bastos diba ede binagsak nako nito. -_-
"Pwede kabang sumali sa contest?" Lalo namang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya? Ako sasali sa contest eh yun nga ang pinaka ayaw ko sa lahat dahil nakakahiya i mean dahil mahiyain ako.
"P-po?" Takang tanong ko kay maam. Nakita ko namang naglabas siya ng folder at inabot sa akin. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mga kwento na malalim.
"Sali ka sa contest magaling kang magsulat remember nung pinagawa ko kayo ng essay sayo ang pinaka nagustuhan ko." Nakangiting sabi ni maam habang nakatingin sa akin agad ko namang iniwas ang tingin ko dahil hindi ko alam kung papayag bako o hindi. Ayoko namang madissapoint sa akin si maam pero kase parang hindi ko naman yata kaya ito.
"Maam nahihiya po ako eh." Nahihiyang sabi ko habang nakayuko.
"Joy. Wag kang mahiya tsaka kapag sumali ka diyan tataasan ko pa yung grade mo. Sayang naman kase yang talent mo sa pagsusulat kung hindi mo naman magagamit diba?" Oo nagsusulat ako mahilig akong magsulat pero yung sasali sa contest mukhang hindi ko yata kaya yung mga ganun eh.
"Maam pwede po bang pag-isipan ko muna?" Nahihiyang tanong ko kay maam. Nakita ko naman ang pagkadismaya sa mukha niya pero pilit siyang ngumiti. Agad naman akong nakaramdam ng hiya.
"Sige. Pag isipan mo pero sana pumayag ka. Isa ka sa mga pambato ng section natin." Tumango nalang ako sa sinabi ni maam. Agad naman nakong umupo pagkatapos nun nilagay ko naman sa bag ko yung folder ni maam sabi niya nakalista daw dito lahat ng kasali mula Grade 4 hanggang grade 6 mamaya ko na siguro titignan.
Angel's POV
"Bryan." Sigaw ko sa pangalan ni bryan ng makita ko siyang naglalakad mag isa. Nakita ko namang napalingon siya sakin pero mabilis din niya yung binawi? Agad naman akong nanibago sa inaasta niya dati kapag nakikita niya ko ang bilis niyang lumalapit sa akin ngayun halatang iniiwasan niya na ko. Lalo ko naman binilisan ang paglalakad para maabutan ko siya ang ayoko kase sa lahat ay ang iniiwasan niya ko. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako kapag iniiwasan niya ko. Ng maabutan ko siya ay agad kong hinawakan ang braso niya nakita ko namang napatingin siya sakin bago pa siya umalma ay agad ko na siyang hinila sa gilid ng kalsada.
"Galit kaba?" Nagaalalang tanong ko sakanya. Nakita ko namang padabog niyang tinanggal ang kamay ko sa braso niya agad naman akong nakaramdam ng lungkot dahil sa ginawa niya galit nga siya sakin?
"Galit? Hindi ako galit? Bakit naman ako magagalit?" Natatawang tanong niya sakin pero wala sa akin ang paningin niya pilit ko siyang tinitignan pero iniiwas niya sa akin ang tingin niya.
"Hindi ka galit? Bakit moko iniiwasan sila Joy at rhea kinakausap mo pero ako hindi? May problema ba?" Pinipilit kong hindi mapiyok para hindi niya malaman na naiiyak nako.
"Ano sa tingin mo yung problema ko? Alam mo ba angel kung ano yung problema ko at kung sino yung problema ko?" This time nakatingin na siya sa akin. Nakita ko naman sa mata niya ang hirap at lungkot. Agad naman sumikip ang dibdib ko dahil dun.
"H-hindi ko alam bryan." Iwas na sagot ko dahil hindi ko naman talaga alam kung sino at ano ang problema niya.
"Manhid ka kase." Gulat naman akong napatingin sakanya ng sabihin niya yun sa akin Manhid?
BINABASA MO ANG
Puppy Love
Teen FictionNaranasan nyo na bang main-love. Magka-gusto? Magka-crush? Masaktan? Magpakatanga? Maloko? Umiyak? Maghabol? Yung akala mong siya na pero Hindi pala? Yung binigay mo yung best mo sa relasyon niyo pero Niloko kapadin niya? Naranas...