Chapter 2
Gan’on at gano’n pa din naman kami. Tambay sa fire exit pero minsan talaga kaming dalawa lang. Konting usap tapos tatahimik. Alam mo ‘yun? Parang bino-bore ko lang siya. Na napakasakit para sa akin kasi pinapamukha ko sa kaniya na hindi ako interesanteng tao.
Hanggang sa dumating ang Valentines Day. Sunday ‘yun so Monday ang celebration. Lagi namang may ginagawang program ‘yung school namin tuwing umaga para bigyan ng pagkakataon ‘yung mga gustong umamin na umamin. Sa hapon naman, magtatayo sila ng marriage at confession booths. Palakasan ng loob kung sinong pupunta doon.
Pero kahit may booths naman kami taon-taon o mga iba’t ibang pakulo, ‘yung Valentine’s, isang normal lang na araw para sa akin.
Except na lang kung dumating siya.
Pero imposibleng mangyari ‘yun.
“Bes! Bes!” hingal na hingal na sigaw ni Angela sa akin.
“Bakit?” kunot-noo kong tanong.
“Alam mo na ba?”
Mas lalo akong napakunot ng noo. “Ang ano?”
“May girl friend na si Erico.”
Bang! Para akong binaril pero walang sugat. Para akong sinaksak pero walang tusok. ‘Di ko alam kung bakit masakit. Siguro kasi unexpected? Siguro kasi hindi ako handa na marinig ‘yun? Pero sino ba naman ako sa buhay niya para bigyan muna ng sign na magkaka-girlfriend na siya o para magpaalam sa akin na hindi ako ang mahal niya.
Isang sagi na lang sa akin, feeling ko sasabog na ‘yung buong pagkatao ko, ‘yung puso ko. Kahit na hindi naman ‘yun sinigaw sa akin ni Angela, pakiramdam ko nabibinggi na ako.
Hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot. Mahal ko na ba talaga siya kaya ako nasasaktan ng ganito? Ano bang pakielam sa akin ng lalaking ‘yun? Wala naman ‘di ba?
Siguro nasanay lang ako na palagi siyang nad’yan para sa akin. Pero hindi naman ibig-sabihin no’n na para na kami sa isa’t isa. Kahit kailan, hindi naman naging gano’n ang takbo ng mga istorya.
“Ba’t ka nage-emo d’yan?”
Agad-agad akong nagpunas ng luha. Ayokong makita niya na umiiyak ako. Concerned man siya o hindi, bilang tao, magtatanong ‘yan kung bakit ako umiiyak.
“W-Wala lang. Nagpapahangin lang.” Pinilit kong ngumiti at tingnan siya sa mata pero umiwas agad ako. Makita ko lang siya ng masinsinan, naiiyak ulit ako.
“Okay ka lang ba?”
‘Wag kang lumapit please… “O-Opo.”
Maya-maya, naramdaman ko na lang na tumabi siya sa akin, nakitingin rin sa paligid. Bago pa kami mabalot ng katahimikan, nagsalita na ako. Pagkatapos nito, ayoko na. Bahala na. Kung ano mang sagot niya sa tanong na ‘to, susuko na ako. Kailangan ko lang talaga ng kumpirmasyon niya.
“K-Kuya.” Tumingin siya sa akin. Napaiwas tuloy ako ng tingin. “T-Totoo ba?”
“Ang alin?”
BINABASA MO ANG
Accidents Happen [Remaking | Hiatus]
Random[HEAVILY REMAKING] Crashes. Casualties. Consequences. Blame all the accidents that happened.