/ Chapter 9

927 14 13
                                    

Chapter 9

Nakahinga lang ako ng maluwag nung nalaman ko na binilhan na rin ni Terry si Yzza ng sim card nung gabing rin ‘yun. Dahil do’n, hindi ko na kailangan na mag-isip pa ng iba pang bagay. Ayoko rin naman maging panira sa kanilang dalawa ni Yzza lalo na’t ngayon na parang nagi-improve na silang dalawa. Ayoko rin namang agawan si Yzza. Isa pa, may Kuya Rex na ako at masaya na kaming dalawa.

Naging maayos na rin ‘yung performance ko sa mga quizzes sa math. Unti-unti, tumataas na ako hanggang sa nakaka-perfect na ako. Sa tuwa sa akin ni Terry, madalas, nililibre niya ako ng yema sa canteen o kahit anong matamis. Cheap, at least sweet. ‘Yung pagkain.

Kapag napapansin kong tumitingin sa amin ni Yzza, sinasabihan ko si Terry na bilhan din niya si Yzza. Ayoko naman kasing maisip ni Yzza na inaagawan ko siya kasi hindi naman mangyayari ‘yun. Ayoko rin namang mag-isip ng masama ‘yung mga kaklase ko tungkol sa amin, lalo na’t ngayon e may Kuya Rex ako na halos alam na yata ng lahat ng kaklase ko. Nakikita daw kasi nila kaming dalawa t’wing uwian na magkasama.

Sobrang nakatulong talag ‘yung paglo-loosen up ni Terry. Naging magaan ‘yung pakiramdam ko sa kaniya at nagiging kumportable na ako kapag magkasama kaming dalawa. Madalas na rin kaming nagkaka-text kasi nga pareho na kami ng network. Nakakalungkot lang kasi koneksyon naman namin ni Kuya Rex ‘yung nag-suffer.

From: Kuya Rex

Nasagutan mo na ‘yung last number?

From: Terry Villafuerte

I-extract mo kasi muna ‘yung common factor para hindi ka mahirapan.

Kanina pa ako nabubuang sa dito sa item na ‘to. Huling na e, tsaka pa ako na-stuck. Alas-diyes na rin kasi ‘di ako papatulugin ng utak ko hangga’t ‘di ko pa nasasagutan ‘to. Humingi na ako ng tulong kay Terry kaso hindi ko siya ma-get’s. Kaya nanghingi na rin ako ng tulong kay Kuya Rex.

Si Kuya Rex na lang ‘yung una kong re-replyan.

To: Kuya Rex

Hindi pa e. :’(

Halos maibato ko na ‘yung cellphone ko nung hindi nag-send ‘yung text ko kay Kuya Rex. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko! Sigurado ako na hindi na ako papayagan na lumabas pa para magpa-load at papagalitan nila ako kasi late na hindi pa ako tulog.

Gosh! Anong gagawin ko ngayon? Baka mamaya isipin niya na galit ako sa kaniya o na tinulugan ko siya ng hindi ako nagpapaalam. Baka magalit siya sa akin! Ayokong mangyari ‘yun!

Bumuntong-hininga ako at kumuha ng lakas ng loob sa kung saan. Kailangan na kailangan ko talagang gawin ‘to. Bakit ba kasi ako nagpalit ng sim card e?!

To: Terry Villafuerte

Nagawa ko na. Tapos, favor! Pwede?

Agad naman siyang nag-reply.

From: Terry Villafuerte

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon