Chapter 22
“Who are you texting?”
Halos dalawang linggo na rin kaming magka-text ni Kuya Drake. And I like him better. But as a friend pa rin. He hasn’t affected me katulad ng epekto sa akin ni Terry, but he’s a good diversion. And probably a good catch as well. Wala lang talaga akong feelings para sa kaniya.
He’s funny in a way na ‘di nakakairita at bastos. He knows his boundaries, kahit na wala naman kaming in-establish. He knows when he’s crossing the line. He knows what he’s doing anf it’s pretty cute for him to act so cautious. Parang may ayaw siyang ma-trigger kapag nag-uusap kami. But that doesn’t hinder anything that’s going on between us. Hindi naging awkward o kung ano man.
Minsan tumatawag siya, tinatamad daw kasing magpipindot. Nakailang rejects ako nung una ng mga tawag niya kasi ang unusual para sa akin at baka questin-in ‘yun ng mga magulang ko kapag ni-check nila ‘yung call history ng phone ko. They always do that every week. ‘Di ko alam kung bakit.
But even with Kuya Drake acting as a wall between us, ‘di pa rin umeepekto. His effect can easily get pass Kuya Drake. Kahit na anong impermeability ni Kuya Drake, parang may protein transporter ‘tong si Terry para lang makapasok at makalapit sa akin.
Ugh. So much for Biochem.
And everytime he does that, back to zero na naman kami. Though, ‘di naman alam ni Kuya Drake na ginagamit ko siyang panangga. Feeling ko kasi mao-offend ko lang siya kapag sinabi ko sa kaniya. Kung nagsabi naman ako nung una, baka naman ‘di niya tanggapin because I don’t have anything to offer as exchange of his good will.
“Si Kuya Drake malamang,” mataray kong sagot.
He tss-ed. “Ang sarap mong bakuran para maging akin ka lang at walang ibang epal sa ating dalawa.”
Bago ko pa siya masinghalan, he backed off. Mukhang dumating na si Yzza.
He’s always like that. Whenever Yzza’s out of sight, he’ll go to me. Wala siyang pakielam kung may makakita ba o wala. Syempre, ako, tulak ng tulak sa kaniya papalayo, lalo na’t nand’yan sila Jane at Camille na nakatingin sa akin. They know the pact kaya pwede silang magsumbong kay Yzza if ever I try to reciprocate his feelings.
Everything is tangled because of that pact. Pero nand’yan na ‘yan e. Kahit na anong regret ko pa sa desisyon ko, nothing will happen anyway.
Kaya nga ginamit ko si Kuya Drake na panangga. Kaso mukhang kahit anong gawin ko, it won’t work. Kahit na anong harang ni Kuya Drake, my heart still can run away. Kaya pa rin nung pumunta kay Terry.
--
Lumipas ang araw ng gan’yan lang ang mga nangyayari. It was crazy, but I try my best not to show anyone na naapektuhan ako sa mga ginagawa ni Terry, nahuhulog na ako sa kaniya. Because I can’t. Kahit na may’ron man, I still can’t.
Hinatak ako ni Angela pagkarating na pagkarating ko sa school. Kunot-noo lang akong sumunod sa kaniya. Pagkarating namin kanila Jane, inirapan lang ako ni Yzza.
BINABASA MO ANG
Accidents Happen [Remaking | Hiatus]
Random[HEAVILY REMAKING] Crashes. Casualties. Consequences. Blame all the accidents that happened.