Chapter 18
He’s not her property. ‘Yung pact lang naman ‘yung pinanghahawakan niya kaya niya sinabi ‘yun e. Shame on that pact, right? Shame on me as well kasi nag-agree ako agad-agad.
I shouldn’t have. Pero hindi ko naman kasi alam na may nararamdaman pala ako kay Terry. I was so unsure kasi nga nand’yan si Kuya Rex. But it only shows na hindi nga gano’n kalalim ‘yung pagmamahalan naming dalawa, because I managed to love someone habang kami pang dalawa.
But I value friendship over my lovelife. The latter’s too selfish, tipong ako lang ‘yung magbe-benefit. The former, hindi lang ako, kun’di sila Jane na rin at syempre si Yzza. So I’ll push through with the pact kahit na masakit, basta mapanatili ko lang ‘yung pagkakaibigan namin. Even though everything seems to fall...
So to respect her property, iniwasan ko si Terry. Pero hindi ‘yung sobra-sobra. Faint lang. I’ll always take five steps backward kapag napapansin ko na nagiging sobra na kaming malapit. Kung kailangang mas marami pa, gagawin ko. Kapag kailangan lang ako lumalapit sa kaniya. As in kailangan na kailangan. Kung hindi naman, I’ll choose not to talk to him or what.
Actually, na-realize ko na para rin pala sa akin ‘tong gagawin ko. Kapag nahulog ako sa kaniya, hindi naman ako sigurado na sasaluhin niya ako. Masyado kong pinanghawakan ‘yung mga sinabi ni Kuya Rex. All I do is advance to something as early as possible. Akala mo naman mawawalan ako. Pero wala naman talagang kasiguarduhan. Para akong magsho-shoot sa ring, tapos tatama lang siya sa bibig nung ring, gugulong-gulong. Maghihintay lang ako kung masho-shoot ba siya o hindi. Two sides of the coin: one would benefit me, the other would benefit someone.
After being the loser in love, hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naisip na magmahal na lang ulit. As in bigla-bigla. Noon, lagi akong nagse-settle for less, meaning inaasahan ko ‘yung masamang mangyari. I don’t want to hope for the huge one kasi ang hirap no’n minsan na mangyari.
Maybe I should go back to my old self, ‘yung nagse-settle na lang sa masamang pwedeng mangyari. At least, if ever that happens, handa ako. Kung nangyari naman ‘yung magandang ending, e’di masaya pa rin ako. I won’t be the loser anymore.
--
“Please, please, please, please.”
Tinakpan ko ‘yung tenga ko kasi naiirita na ako. Paulit-ulit. Nakakarindi ‘yung boses niya.
“Oo na! Oo na!”
Pumalakpak siya na parang ewan. “Thanks!” masayang-masaya niyang sabi.
Kinaladkad ako ni Terry para sumama sa Math Clinic. Umayaw na si Yzza kasi masyado daw malayo ‘yung Los Banos. Tapos, weekends pa daw siya e dapat dapat nagpapahinga siya sa mga araw na ‘yun at marami rin daw kaming assignment kaya hassle.
Ayaw naman pumunta ni Terry ng mag-isa lang o ng wala siya kasama kaya naghahanap siya ng kung sino. Syempre, pagkatapos ni Yzza, ako ‘yung naisip niya. Ang saya lang. Second choice ako.
Sarcastic or what, bahala na.
Syempre, pumayag ako. Sayang ‘yung chance e. I mean, sayang ‘yung chance na matuto ako ng advance sa math. Kahit na hindi naman ako kagalingan, why not? Kaya nga ako sasali para mas matuto pa e.

BINABASA MO ANG
Accidents Happen [Remaking | Hiatus]
Sonstiges[HEAVILY REMAKING] Crashes. Casualties. Consequences. Blame all the accidents that happened.