Chapter 36
I'm happy dahil nagkabati-bati na kaming apat. Di nga ako makapaniwala e! Kahit nga si Lucas! Alam niya naman kasi kung sino ako e at alam niya kung gano ako ka-aloof pagdating kanila Angela. At ang tagal kong ginawa yun kaya ang hirap isipin kung pano maayos yung gusot na yun. Pero minsan talaga, the unexpected things come nang walang pasabi.
But the down side of having them back is the fact that I have to endure being with Terry all the time. All. The. Time. Syempre, uhm... boyfriend siya ni Angela kaya palagi silang magkasama. Kapag mag-uusap lang kami tungkol, chickahan and everything, nandun siya. Nakikinig sa amin. One time nga mga lalaki yung napag-usapan namin, and of course, na-brought up na naman si Kuya Drake.
"So..." Jane gave me her ever-known intriguing look. Kilala ko man siya o hindi, get's mo na yung tinginan niyang ganiyan. "Kamusta kayo ni Kuya Drake? Is everything well?" She wiggled her eyebrows kaya natawa ako.
Buti na lang at kasama rin namin si Lucas kaya may dumadaldal kay Terry. Akala ko nga magiging awkward ang lahat kapag magkakasama kami e but it seems like Lucas planned it all out para maging maayos ang lahat. Buti na lang talaga at may nakakaintindi sa akin. Mukhang di naman nakikinig sa amin si Terry. Teka… ba’t ko ba iniisip yung mararamdaman niya? Siya nga e di inisip kung anong mararamdaman ko kung bigla-bigla na lang siya mawawala o magmamahal ng iba.
“Ayos lang naman.”
“By that you mean…?”
“Friends. Textmates,” I said as a matter-of-factly. Kaso di nila kinakagat. They want to know more! Kaso ano pa bang sasabihin ko e yun lang naman talaga. It’s not like he explicitly told me that he likes me already. Besides, di ko sure kung gusto niya ba ako. Yes, there are actions or times na ang sweet niya sa akin (at ako rin naman sa kaniya minsan) but that doesn’t automatically mean na may gusto na talaga siya sa akin. Ayokong tumalon ako sa conclusion. I want him to tell me straight in the face what he really feels for me.
But I kept those explanations within me. That’s too much to shell out, I guess.
“Come on, Je! You two are like… more than that,” Jane insisted.
Sumang-ayon naman yung dalawa sa tabi niya. Umusog si Angela papalapit sa akin. Did she notice? Hinihinaan ko lang kasi yung boses ko. Ayokong marinig ni Terry yung sinasabi ko. Ewan ko ba. I don’t want to care about what he’ll feel, but there’s a strong force telling me, forcing me to care. It’s… complicated.
“Yun lang talaga kami, I swear.” Tinaas ko pa yung kanang kamay ko para maniwala sila. Kaso di talaga e. “It’s been four months, guys!”
“Four months?!” gulantang na sambit ni Jane. “Je, last year pa kayo magkakilala at magka-text.”
Oh.
I didn’t need to have a flashback or anything to remember things that has happened a year ago kasi silang tatlo na mismo yung nagpamukha sa akin ng mga nangyari. Pang-aasar ng batchmates niya. Math Clinic sa LB. Textmates. Pang-aasar nila kapag dumadaan si Kuya Drake sa room namin or kapag lalapit yung tropa niya sa amin. Yung panyo moment. At marami pang iba. Now that I have come to think of it, and dami pala talaga. Ang dami pala talaga naming pinagsamahang masasaya. Pero tinapon ko lang lahat yun para kay Terry. I feel so… pathetic about what I did. Pero… ang hirap kasi kalabanin ng puso e. Kung anong tinibok nang simula, yung ang titibukin hanggang sa dulo. Hanggang sa hindi ka pa nasasaktan ng husto. Pero ngayon, alam ko na. Natuto na ako.
I was about insist to them na wala talagang something special sa amin ni Kuya Drake except sa pagiging close friends nang mag-ring na yung school bell. Lunch break na. Sakto ring nag-text na si Kuya Drake.
BINABASA MO ANG
Accidents Happen [Remaking | Hiatus]
Random[HEAVILY REMAKING] Crashes. Casualties. Consequences. Blame all the accidents that happened.