/ Chapter 10

995 14 25
                                    

Chapter 10

Kinalimutan na namin ‘yung mga nangyari nung araw na ‘yun kasi bumawi rin naman si Terry kay Yzza. Buti na lang talaga.

Hindi ko nga ma-get’s si Yzza e. Bakit ba masyado siyang nagseselos sa akin? Mahal na mahal siya ni Terry, kung alam niya lang. Halos siya nga ‘yung lagi naming pinapagusapan kapag magka-text kami e. Siguro hindi lang ‘to vocal si Terry tungkol sa feelings niya para kay Yzza.

Mga tao talaga, oo. Kapag mahal mo ‘yung kaharap mo, napipipe ka na. Pero kapag ibang tao ang kaharap, halos ingudngod mo na sila sa katotohanang mahal na mahal mo siya.

“Bes.”

Nagtaas ako ng tingin kay Angela. Kumokopya na naman kasi ako ng homework kay Terry sa math. Lagi ko na lang kasing hindi nasasagutan ‘yung last item. As in, ‘yung tipong 100% complete na dapat ako, lagi akong nauuwi sa 99% lang. Laging may kulang.

“Manonood ka mamaya ng game?”

Tumango ako. “Pinilit ako ni Yzza e.”

Nakatitig lang siya sa akin, naghihintay ng idudugtong ko. Pa’no niya kaya nalaman?

Suminghap ako. “At ni Terry.”

Nung Monday pa nagsimula ‘yung prelims para sa Intrams. Mamaya, laban na ng sophomores at juniors sa basketball boys. Syempre, kasali si Terry mamaya kaya pinapapanuod niya ako. Hindi ko alam kung bakit pero sabi niya lang e. Manunuod rin naman si Angela at Yzza, pati si Kuya Rex, kaya manunuod na rin ako.

--

“Buti naman at hindi ka na natatamaan pa ng pinto ng locker.”

Tinulungan ako ni Terry sa pagbubuhat ng mga libro ko. Hindi kasi ako nakapag-locker kanina kaya na-stuck lang sa ilalim ng mga upuan ko ‘yung libro ko. Kaunti lang naman ‘yun sa totoo lang pero inako na ni Terry ‘yung pagbubuhat.

Pero pakiramdam ko, kaya lang naman siya gan’yan kasi ayaw niya na akong iwanan mag-isa. Lagi niyang sinisigurado na may kasama ako. Mamaya daw kasi mawalan na naman ako ng malay kaya kailangan daw na bantay sarado ako.

“Pa’no, kapag nakikita ka nung lalaki na may-ari nitong locker na ‘to,” tinuro ko ‘yung locker na may yupi na. “e napapaatras siya papasok sa kwarto nila.”

Humalakhak siya. “Grabe naman kasi ‘yung unang pagkakahampas sa’yo ng pintong ‘yan. Naalala ko pa kung ga’no kapula ‘yung mukha mo no’n.”

Pinanliitan ko siya ng mata. Magsasalita na sana ako kaso naestatwa si Yzza sa nakita niya.

Nakasandal kasi si Terry sa mga lockers habang nakapamulsa’t kinakausap ako. Ako naman, nakatingin sa kaniya ng diretso sa mga mata habang hawak-hawak ‘yung mga libro na hindi ko pa nailalagay.

Dali-dali kong inilagay sa loob ng locker ko ‘yung mga libro ko at sinara ‘yun. Nakakunot lang ‘yung noo ni Terry hanggang sa maya-maya, lumingon na siya’t naintindihan niya na ‘yung inaasta ko.

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon