/ Chapter 25

846 12 16
                                    

Chapter 25

“Do we really have to do this?”

“Of course,” malumanay na sabi ni Camille. “Kailangan na nating tapusin ‘to, Jeka. Tsaka, aalis na rin si Yzza. This will be the last thing that we can do for her.”

Bumuntong-hininga ako at tumango na lang. It’s like I don’t have any other choice.

One week before ‘yung flight ni Yzza papuntang New York, bigla silang nagkaro’n ng isang malaking blow off ni Terry. Ang sabi sa amin ni Yzza noon, nagalit daw sa kaniya si Terry kasi nawawala niya daw ‘yung locket na bigay nito sa kaniya.

Galing pa daw kasi ‘yun sa lola ni Terry. Binigay niya kay Yzza as a symbol of tying themselves with each other. (nice, right?). Pero nawala siya ni Yzza. ‘Di niya maalala kung sa’n niya ‘yun nailagay. Tinawag niya pa nga kami para tulungan siyang halughugin ‘yung bahay nila. Unfortunately, wala kaming nahanap.

Bumalik rin kami sa school para magtanong sa mga janitors at sa mga kakilala namin kung may nakita ba silang gold na locket na medyo kumukupas na daw ang kulay. Nagpunta rin kami sa Guidance Office since nandun ‘yung lost and found corner ng school. Kaso wala talaga kaming nakita.

She tried to pursue Terry by saying sorry that she lost the locket. ‘Di niya naman daw sinasadya. Pero tinutulak lang siya papalayo nung isa. Sobrang halaga daw nung locket na ‘yun sa kaniya kasi galing pa daw ‘yun sa lola niya na patay na daw ngayon. Sinabi niya pa nga na: “Sana ‘di ko na lang ibinigay sa’yo ‘yun.”

That was a big blow too for Yzza. Halos tumigil na nga lang siya e kasi parang ang pointless na lang daw ng ginagawa niya. Na kahit mahanap niya man ‘yung locket na ‘yun, she has lost his trust. Nawala na si Terry sa kaniya.

Pero itong mga kaibigan ko naman ang nagtulak sa kaniya na ‘wag mawalan ng pag-asa. Ayaw daw kasi nila na paalisin siya ng wala man lang siyang dala-dalang ala-alang maganda kasama si Terry. Ang pangit daw kung aalis siya at babaunin niya ‘yung lungkot na ‘yun.

But she said it was okay. Actually, mas okay na nga daw na nag-away sila to fully close their relationship. Sinabihan daw kasi siya ni Terry na ayaw nito sa LDR kaya ‘di nila sure kung magtutuloy-tuloy ba ‘yung relationship nila kapag nasa New York na siya.

Still, they insisted to bring her a happy memory with him. Kahit daw huli na ‘to. Just to give them time to talk about how they’ll deal their future. Kung ano na bang balak nila sa relasyon nila, etc. Mas okay na daw kasi ‘yung maging clear sila kaysa sa hindi sigurado. Malay ba kasi ng isa na gusto pa rin pala niya na ituloy ‘yung relationship kahit na magkalayo na sila.

So, they devised a plan. Syempre, kasama ako sa plano. They used me as the bait to catch Terry.

They asked me to ask him to go on a date with me. Sa pag-aaya pa lang, nahirapan na ako. ‘Di ko alam kung pa’no ko ba io-open ‘yung conversation. Pabalik-balik akong naglalakad sa loob ng kwarto ko para maisip kung ano ba ‘yung dapat kong sabihin.

Nung napagod ako, umupo na lang ako sa tapat ng laptop ko. Nagtiwala na lang ako kay Batman na walang kaalam-alam.

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon