/ Chapter 12

912 15 19
                                    

Note: Hi, everyone! Sana basahin niyo yung short story ko na Ulan, Ulan. Just click the external link o kaya naman hanapin niyo na lang siya sa profile ko. Thank you, guys! <3

--

Chapter 12

A Walk to Remember ‘yung binili kong libro. Bukod saw ala akong maisip na iba, sabi sa akin ni Angela e ‘yung favorite book ko na lang daw para ‘di na ako mahirapan. Isa pa, para naman daw malaman niya ‘yung rason kung bakit ko naging favorite book ‘yun, na kahit na tragic ‘yung ending, maganda pa rin siya.

It made sense, actually. Idagdag mo pa ‘yung sinabi sa akin ni Terry nung isang araw, kampante na ako sa regalo ko sa kaniya.

Naglagay ako ng note sa book. ‘Yung ending: “You’re my greatest miracle.” Ang drama, I know, pero wala akong maisip e. Nilagay ko pa nga do’ na: “You came in the right time in my life. Akala ko malaglag ako sa endless pit ng kalungkutan, tsaka ka naman dumating para bigyan ako ng panghahawakan.”

It’s too damn dramatic. Pero kailangan niyang malaman kung ano ba talaga ako, right? Alam ko na sobrang vulnerable ko sa paningin niya, but that’s what I am. And nothing beats being true to yourself.

“Jeka!”

Hingal na hingal si Angela pagkalapit niya sa akin. Hindi ko alam kung anong drama niya at tumatakbo siya papalapit sa akin. Kahit nga sila Jane e tumatakbo rin papalapit sa amin. Ang aga-aga, tumatakbo na sila.

Pero baka warm up kasi one kilometer run kami mamaya sa PE.

“Ano meron?”

“May surprise kasi kami para kay Terry.” Nalaglag ‘yung panga ko. Surprise? Para kay Terry? Parang hindi nagma-match ‘yung mga salitan ‘yun a. Especially for these girls…

Umiling-iling ako. “Tapos? Anong gagawin ko?”

Humagalpak sila sa tawa. Nakakunot naman ‘yung noo ko habang hinihintay ko silang matapos. Hindi ko kasi alam kung ano bang trip nilang apat. Basta ako, excited na akong umuwi para maibigay ko na ‘yung regalo ko sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit ako proud sa regalo ko e ang simple-simple lang naman niya.

“Wala ka talagang pakielam sa kaniya ano?” biglang tanong ni Angela.

“Bakit naman kasi ako magkaka-concern sa kaniya?”

“Akala ko ba bati na kayo?” untag ni Jane.

“Bati naman kami a?”

“E bakit ‘di mo alam na birthday niya ngayon?” sumbat ni Camille.

‘Di ko alam kung bakit biglang nag-panic ‘yung utak ko. Biglang napuno ‘yung utak ko ng “Birthday niya ngayon?” at “Bakit hindi ko alam?”

Hindi ko ma-get’s kung bakit kailangan kong mag-alala sa birthday niya. Hindi ko rin naman kasi ma-get’s kung bakit kailangan nilang gumawa ng surprise para sa kaniya. Nung birthday naman ni Lucas e hindi naman kami gumawa ng ganito.

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon