Chapter 3
Hindi ko naman alam na ‘yung isang malala na palang bagay ay pwede pang lumala lalo.
Sinubukan kong iwasan siya. As in, ayokong makita ni isang kapiraso ng maputi niyang balat. Kapag nakakakita ako, napapakaripas agad ako papalayo. Ayoko talagang magpakita sa kaniya.
Pero kahit anong iwas ko, ako na mismo ‘yung sinusundan ng mga issue. Kapag nagkakatagpo kami ng landas, ‘yung tipong nagkakasalubong kami sa hallway, papaulanan kami ng asar ng mga tao sa paligid. Halos lahat na yata ng mga estudyante sa school alam kung anong nangyari sa amin. Alam ko na hindi ‘yun totoo. Alam niya rin na hindi ‘yun totoo. Wala akong kinumpirma kapag tinatanong nila ako. Hindi ko lang alam kung ‘yun rin ba ang ginagawa niya.
Buti na lang at may dumating na bago. Sa lahat, pinaniwalaan niya ako. Naniwala siya na wala akong ginawang masama. Sa lahat, siya lang ‘tong hindi masama ang tingin sa akin, hindi ako hinuhusgahan.
Sabi nga nila, para maka-move on ka, someone has to love you greater than the love you had with the other. You can’t move on fully when you just do it all alone. You cannot unlove a person. You can only love them in a different way. With a help of another.
--
“Jerika!”
Hindi ako tumigil sa pagtakbo.
“Teka lang!”
Binelatan ko si Angela at tumakbo pa ng mas matulin.
Hindi ko alam kung anong trip ng teacher namin sa PE. Pinaglaro niya kami ng Philippine Games. Taya-tayaan, tagu-taguan, agawan base, etc. Taya-tayaan ‘yung naatas sa amin at si Angela agad ‘yung taya.
“What the—“
Napapikit na lang ako, hinintay na bumagsak ako sa sahig at mawalan ng malay. Gano’n rin naman eh. Inagahan ko na lang ‘yung pagpikit ko.
Pero hindi ako bumagsak sa kung saan man. Pagkabukas ko ng mata ko, nakita ko ‘yung isang lalaki na nakasalo sa akin.
“And that’s a proof that banana peels are really slippery!” natatawang sambit ng isang teacher. Pagkalingon ko, si Sir Jared pala. “Thank you for showing us, Miss Capilli.”
Tinulungan akong tumayo ng maayos nung lalaki na nakasalo sa akin.
“T-Thank you po.”
“Walang anuman.” Ngumisi siya. “Pagpasensyahan mo na si Sir Jared a? Malakas talaga ‘yugn trip no’n e.”
“Oo nga po e.” Humagikgik ako. “Hindi naman po ito ‘yung unang pagkakataon na naloko niya ako.”
Napakunot siya ng noo at napailing-iling. “Ang sama-sama talaga ni Sir.”
--
Dahil kay Sir Jared, naging close kami. Ilang araw lang ‘yun pagkatapos kong malaman na may girlfriend na si Kuya Erik. Ewan ko ba. Bigla na lang siyang isinugo ng langit para palitan ng kasiyahan lahat ng kalungkutan na nararamdaman ko dahil kay Kuya Erik.
BINABASA MO ANG
Accidents Happen [Remaking | Hiatus]
Random[HEAVILY REMAKING] Crashes. Casualties. Consequences. Blame all the accidents that happened.