/ Chapter 21

821 15 9
                                    

Chapter 21

The second day went well. Well, at the very least. Puro kami activities na related sa math. Actually, mapilit lang talaga ‘yung math. Pero ‘yung iba may sense naman. Tapos after lunch, nanunod kami ng videos galing sa JinJin Math. ‘Yun talaga, sobrang cool.

Medyo nagkakatuwaan na kami ni Kuya Drake kahit papa’no. Kaso kapag talaga sumisingit ‘yung mga batchmates niya, nasisira ‘yung moment. Parang sila talaga ‘yung moment breaker e. ‘Yung tipong okay na kayo, maya-maya, back to zero na naman.

3pm, bumalik na kami papuntang Manila. Pero bago kami umalis, nagiyak-iyakan pa si Tina, nagsabing mami-miss niya daw ako. Pero ang totoo, si Kuya Drake talaga ‘yung mami-miss niya. Bigla daw kasing kumabog ‘yung puso niya nung nakita niya si Kuya Drake. ‘Di niya lang daw malapitan kasi sa akin siya pinagtutulakan.

Nagkapangakuan na rin kami na sasama ulit kami sa Math Clinic next year. Isama ko daw si Kuya Drake kasi for sure daw e magiging close na kami next year.

Habang biyahe, imbes na matulog kaming dalawa, nagkwentuhan na lang kami. Wala siyang batchmate do’n sa bus namin kaya malaya kaming dalawa. Ang kalog niya nga e, nakakatuwa. Mas madaling intindihin ‘tong side na ‘to ni Kuya Drake kaysa do’n sa isa niya na masyadong seryoso. Actually, nakakatakot nga ‘yung side na ‘yun ni Kuya Drake e. Para siyang mangangain.

He told so many jokes. Parang naipon lahat ng jokes niya sa katawan tapos ngayon lang niya nailabas. I was kind enough to laugh at his jokes, too. Kahit na ‘di naman nakakatawa ‘yung jokes niya, nakakatawa naman ‘yung mukha niya kapag feeling niya ang corny nung sinabi niya.

Nung nakababa na kami sa bus, para na kaming ‘di magkakilala. I mean, nagkaro’n bigla ng pader sa pagitan namin dalawa. Not that we don’t want to be friends, pero siguro pareho kaming ayaw na ipakita sa ibang tao na matutupad ‘yung gusto nila. Ewan ko ba. Baka kasi maisip nila na pwede nila kaming control-in e.

Palabas na sana ako ng school kasabay sila Terry nung biglang tumakbo papalapit sa akin si Kuya Wex.

“Ano ‘yun, kuya?”

“Number ni Drake.” Kumunot ‘yung noo ko. “‘Di pala kayo nagkapalitan ng number kanina sa bus e.”

I chuckled. “‘Di naman kailangan e.”

“Sus. O.” Kinuha niya ‘yung kamay ko at nilagay sa palad ko ‘yung papel. Ang kulit lang talaga nila.

Tahimik lang si Yzza at si Terry nung sumakay kami sa jeep. Parang pareho silang bad trip e kaya ‘di na ako nagtanong.

Dahil mahaba-haba pa ‘yung biyahe, nagpasya na lang muna akong matulog. Kaso biglang nag-vibrate ‘yung phone ko.

From: Unknown

Je! Si Drake to!

Wow. He called me Je.

Magre-reply na sana ako nung bigla ulit siyang nag-text.

From: Unknown

Sorry talaga sa mga batchmates ko a. Makukulit talaga yung mga yun e.

I chuckled. Napatingin tuloy sa gawi ko si Terry. Pinagtaasan niya ako ng kilay kaya tinikom ko ‘yung bibig ko at pinawi ko ‘yung ngiti sa labi ko.

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon