Chapter 20
Nag-Geometry kami after lunch. Mostly, proving ‘yung ginawa namin e. Minsan madali siya, minsan hindi. Ang sakit lang sa ulo. Buti na nga lang at magaling si Tina e at natutulungan niya ako. Out of reach naman si Terry kasi masyadong maraming bakod ‘yung inilagay ni Yzza sa palibot niya.
Pagsapit ng 5pm, bumalik na kami sa mga dorms namin. Lalabas kasi kami ng 7pm kasi mags-stargazing daw at camp fire.
Pagkapasok namin sa dorm, humilata agad ako sa kama ko. Ang sakit kasi sa ulo nung math. Masaya naman siya kaso masakit na sa ulo kapag masyado ng marami.
“Anong meron sa inyo ni Kuya Drake?”
Akala ko naligo na siya. Sabi ko siya na lang muna ‘yung mauna maligo e since iisa lang naman ‘yung CR dito sa may kwarto.
“Uhm… schoolmates?”
“Anything more than that?”
“Wala. Ni hindi nga kami friends e.”
“But everyone is rooting for the two of you,” she pointed out.
“That’s their will, not mine.”
Narinig ko siyang bumuntong-hininga at pumasok na sa loob ng CR.
I don’t know why she’s being so question-y with everything about Kuya Drake. Sure, nakikita niya kami na pinagtutulakan ng mga batchmates ni Kuya Drake, pero ‘yun lang naman e. Ano namang care niya, ‘di ba? Or maybe… she wants me to open up to her. Friends na naman kami e.
Sort of.
Pagkasapit ng 7pm, sabay na kaming pumunta sa may Freedom Park. Siguro nando’n na sila Terry kasi ‘di na nila ako hinintay e.
Bago mag-7, nagkwentuhan kami ni Tina. Feeling ko naubos na namin lahat ng pwedeng pag-usapan. Nakwento niya sa akin na nagka-boyfriend daw siya noon. To be honest, nagulat ako. ‘Di naman sa sinasabi kong pangit siya a, pero nakakagulat lang. Siguro may edge siya kasi nga may foreign blood siya. Perks lang.
Halos isang taon din daw sila. Kaso nung nagtagal, na-fall out of love daw siya, ni-break niya. Ang ganda niya lang. Pero may point naman siya nung sinabi niya: “I can’t force myself to love someone. Pinapahirapan ko na nga ‘yung sarili, pinapatagal ko pa ‘yung sakit sa kaniya.”
Syempre, nagkwento rin ako nung sa akin. She symphatized me kasi daw ang magical daw ng kwento namin. He netering my life when I needed someone and staying there even if there’s no wound to heal or reason to hold on to anymore. Kaso nabwiset lang daw siya kay Kuya Rex kasi umalis daw within a short notice. Just like what usual people tell me.
Pero sabi ko sa kaniya ayos lang naman sa akin. Nagulat nga siya e kasi parang ‘di man lang ako nasaktan. ‘Di man lang daw ako na-depress man lang o kung ano.
Nung nakalapit na kami sa camp fire, naghiwalay na kami. Nakipagbeso pa nga siya e. Tinawanan ko na lang siya. She’s so, so fluffy.
Umupo ako do’n sa may part na may nakalagay na Saint Simon’s. Limang logs lang ‘yung nakalagay do’n. Sigurado akong ‘di kami kakasya do’n. Ang dami kayang juniors at seniors na kasama.
BINABASA MO ANG
Accidents Happen [Remaking | Hiatus]
Random[HEAVILY REMAKING] Crashes. Casualties. Consequences. Blame all the accidents that happened.