/ Chapter 6

1K 15 13
                                    

Chapter 6

Nakakaasiwa talaga ‘yung feeling na may tumititig sa’yo.

Hindi ko alam kung bakit niya ba kami tinitingnan—or should I say tinititigan! Hindi ko alam kung ano bang trip niya. Oo, maganda si Angela kaya sana siya na lang ‘yung titigan niya. Pero madalas kasi, kahit ako lang, tinititigan niya pa rin ako.

Iniisip ko na nga lang na hindi ako ‘yung tinitingnan niya kun’di ‘yung tao sa harap o sa likod ko.

“Naloloka na ako sa kaniya, bes,” untag ni Angela pagkalabas namin ng classroom.

Uwian na. Malaya na rin ako sa mga titig niyang nakakabanas.

“I know,” sang-ayon ko. “Ano ba kasing trip niya?”

“Tanungin mo kaya? Parang kanina ka pa niya gustong kausapin e.”

“What.” Napahagikgik ako. “That’s too damn impossible, Angela. Why would he even do that?”

“Kasi kaklase natin siya?”

Natigilan ako. May point naman siya. Bakit ba kasi ibang level agad ‘yung nasa isip ko?

Bumuntong hininga ako. “Kung gusto niyang lumapit, lumapit siya. Hindi ko naman siya kakatayin o kung ano man.”

Naramdaman kong nag-vibrate ‘yung cellphone ko kaya nawala ‘yung atensyon ko  kay Angela. Halos naging blury kung ano man ‘yung sinasabi niya dahil sa text na natanggap ko.

From: Kuya Rex

Nasa baba na ako. :)

It’s very unusual for him to use an emoticon. O siguro nasanay lang ako na wala siyang emoticon. Minsan naman kasi naiintidihan ko naman kung ano ‘yung nararamdaman niya. Pero sabi nga nila, mas okay pa rin daw ‘yung may emoticon para alam mo kung anong nararamdaman niya kahit papa’no. Kaso ‘wag lang daw masyadong exag.

“Sino ‘yan?”

Inilayo ko sa kaniya ‘yung cellphone ko kasi sumisilip siya. Bumusangol naman ang babaita.

“Si Kuya Rex.”

Napahagikgik siya. “Why are you calling him ‘Kuya’?”

“Kasi mas matanda siya sa’kin?”

“Wala man lang ba kayong endearment o kung ano man?”

 Ngumisi ako. “Hindi naman ‘yung standard kapag nagmamahal ka ‘di ba?”

Pinandilatan niya lang ako ng mata at inirapan. Tinawanan ko lang siya at nagpaalam na ako. Nagmadali na akong bumaba kasi baka mainip siya, iwan niya pa ako.

Napatigil ako sa pagtakbo nung nakita ko siyang nakikipagtawanan sa ibang mga alumni na pumunta yata dito para bumisita. Naka-gray na slim cut jeans siya at polo shirt na black na may white na kwelyo at bulsa. Feeling ko nalaglag na naman ‘yung puso ko dahil sa itsura niya.

Natauhan na lang ako nung tumingin na siya sa akin, ngumiti at tinawag ako para lumapit sa kaniya.

Sa school kasi nila, walang uniform kaya kahit anong gusto nilang isuot, ayos lang. Malayang-malaya sila sa school nila. Naalala ko ‘yung kwento niya minsan. Nung enrolment nila, may mga nag-crossdress pa raw.

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon