/ Chapter 33

782 8 29
                                    

Chapter 33

For some weird reason, inabot sa akin nung sumunod na araw ni Kuya Wex yung uniform ni Kuya Drake na namatsahan ng taho. Sabi niya responsibilidad ko daw na labahan yun since ako naman daw yung may kasalanan kung bakit nagka ganun yun. Um-oo na lang ako sa kanila kasi alam ko namang di nila ako titigilan hangga't di ko tinatanggap yung polo.

Wala si Kuya Drake so malakas ang kutob ko na trip lang yun ng mga katropa niya para mapag-usap na ulit kaming dalawa.

How can I say? Una, nagsimula na naman silang mang-asar. Sa tuwing dadaan kasi ako sa pila nila, aarangkada na sila sa pambobola at panunulak sa kaniya. Minsan nga natalisod sa harapan ko si Kuya Drake at kitang-kita ko kung pano namula yung mukha niya sa kahihiyan.

Pangalawa, kapag dumadaan sila sa classroom namin, maguumpisa na naman sila sa asaran. Kahit na may nagtuturo sa harapan, wala silang pakielam. Mag-iingay lang sila ng mag-iingay. Nasitsitan nga sila isang beses e. Pero di pa rin sila tumigil. Lumipat na lang sila sa ibang oras para ibang teacher yung nagtuturo.

Isang linggo silang ganun. Minsan nga kinakaladkad na nila si Kuya Drake e para lang dumaan sila sa classroom namin. Nasa fourth floor yung classroom nila ha. Kapag wala pa silang teacher bago yung susunod nilang klase, sasadyain nilang bumaba sa third floor para lang mapaunta sa room namin.

Si Ate Bernice yung nagsabi sa akin ng lahat ng to. Hindi lang pala kasi yung mga katropa ni Kuya Drake yung nagshi-ship sa aming dalawa, kundi yung buong klase nila. Kaya nitong mga nakaraang araw, ang daming lumapit sa akin na mga kaklase ni Kuya Drake para makipagkaibigan, makipagkilala, makipagkwentuhan, etc.

Gusto ko pa namang lumayo sa tao kasi gusto kong magsenti (kasi madrama akong tao) pero yung mga tao naman mismo sa paligid ko yung pilit na lumalapit at sumisiksik sa buhay ko. It's funny how things unfold so fast...

"Jeka! Lunch!"

Nilingon ko si Lucas. Kasama niya sila Miguel, Dominique at Mikay. Dahil nga sira na yung pagkakaibigan namin nila Angela, dumating naman tong apat na pumalit sa kanila. Nagpapansinan pa rin naman kami nila Angela. Kaso sobrang dalang lang. Lagi kasi siyang nakakabit kay Terry, e ayokong lapitan si Terry kaya nadadamay siya sa paglayo ko. Kahit sila Camille at Jane, nadadamay rin. Lagi silang nakadikit kay Angela na nakadikit naman kay Terry... Dahil sa lalaking yun, nagkanda gulo-gulo ang lahat.

"Susunod ako!" sigaw ko sa kaniya pabalik.

Tumango lang siya at umalis na sila. Kinuha muna yung black na paper bag at umakyat na sa fourth floor. Binagalan ko nga lang yung pag-akyat ko e. Kasi kinakabahan ako. Hindi naman sa ayaw kong (o hindi ko kayang) makausap si Kuya Drake. Pero kasi... yung mga kaklase niya... sigurado akong papaulanan nila kami ng pang-aasar. Which... will make things so, so awkward.

Kaso kahit anong iwas ko, wala pa rin akong takas.

"Nandyan na si Jerika!" sigaw ng isang kaklase ni Kuya Drake. Nagsimula na tuloy mag-ingay yung mga tao sa loob. Napabuntong-hininga na lang ako. Hirap pala ng ganito...

I took a couple of sighs first bago naglakas-loob na lumapit sa classroom nila. Nakakatawa lang. Yung kaninang magulo't maingay na mga tao (tipong nagwawala na ha sa sobrang lakas ng sigawan nila at may narinig pa nga akong upuan na natumba ata), sobrang nakapirme na ngayon. Nakakakaba yung katahimikan nila.

Kumatok ako sa pinto. Dali-dali namang sumugod si Kuya Wex at Ate Bernice para salubungin ako. Sumingit pa nga si Ate Aly bago pa ako makapagsalita.

"S-Si... Kuya Drake po?"

"Wait lang ha. Tawagin lang naming siya."

Parang scripted lang yung mga nangyayari kasi... sabay na sabay yung pagsasalita nila. Sobraaaang weird.

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon