Chapter 24
The days went dull. The usual things happened. Papasok kasi kailangan. Makikinig kasi kailangan. Magre-recite kasi kailangan. Magsasagot ng exam kasi kailangan. Kakain kasi kailangan. Makikipag-usap kasi kailangan. Makikipagtawanan sa mga kaklase kasi kailangan. Hihinga kasi kailangan.
Lahat na lang gagawin kasi kailangan. Hindi dahil gusto mo. Pero dahil kailangan. Nakakasawa. Para ka ng kinakain ng isang paulit-ulit na routine kasi lahat ‘yun kailangan mong gawin.
Iniiwasan pa rin ako ni Terry. Nakaka-miss tuloy ‘yung mga panahon na ginugulo niya ako. Kahit pala nakakainis, nami-miss mo pa rin kasi nasanay ka na na ginagawa niya ‘yun e at ‘yun ‘yung sign mo kung okay ba kayo o hindi.
Nami-miss ko rin ‘yung feeling ng takot. Takot na baka may makahuli sa amin. Takot na baka may ibang makapansin sa amin. Takot na kahit na ayaw mo e gustong gusto mo rin naman. Kasi alam mo na mahal ka niya. Alam mo na kaya niyang tibagin ang lahat para lang sa’yo. Natatakot ka na mangyari ‘yun, but at the same time, gusto mo rin ‘yun kasi nage-effort siya.
Nakaka-miss ‘yung mga efforts niya.
Dahil nga wala na ako sa picture, nagkamabutihan na si Yzza at Terry. Kahit na ayaw ko, I’m still forced to be happy for the two of them. Kapag kasi ‘di ako nagre-react, sinisiko ako ni Camille. Syempre, kapag nasiko niya na ako, makikiasar na ako. Ang kaso lang, kapag nakiki-asar na ako, nakasimangot na tumitingin sa akin si Terry. Kaya nasasaktan ako lalo.
Days went on like that. Kaming apat nila Angela ang tagasubaybay sa love story ni Yzza at Terry. Pero sa aming apat, ako lang ang tutol. Kung may lakas ako, baka matagal ko nang itinulak si Yzza papalayo kay Terry. Pero wala e. Natatakot ako. Hindi lang dahil sa pact. Pero dahil alam na ng lahat na si Yzza ay para kay Terry at si Terry ay para kay Yzza lang. People tied them together. Kung sino man ang magbalak na mapaghiwalay sila, kakalabanin mo silang lahat.
Kapag nag-aaway sila, tulong-tulong kaming lahat para magka-ayos silang dalawa. Kahit na ayoko, ginagawa ko pa rin. Kapag ‘di sila magkatabi minsan sa mga seating arrangements, pinagpipilitan nila sa teacher namin. ‘Yung iba naming teacher snob, which is good. Pero ‘yung iba sinasakyan. Kahit nga sa math, naisisinggit pa ‘yung mga pangalan nila bilang example.
Thankfully, nand’yan si Kuya Drake. Kaso ‘di rin ‘yun ganun kaganda kasi feeling ko nasasaktan ko siya. Pero thankful pa rin ako kasi feeling ko alam niya kung anong nararamdaman ko kaya dinadamayan niya ako.
Iba ‘yung way sa akin ni Kuya Drake pero kapag uwian, hinihintay niya muna akong makasakay. Kinakausap niya ako kahit na tunganga lang ako minsan. Halatang dini-distract niya talaga ako para mawala sa isip ko ‘yung tungkol kay Terry at Yzza. Syempre, kasabay pa rin ako nung dalawa kasi ‘yun na ‘yung nakasanayan.
May isang time na bigla-biglang sumakay si Kuya Drake sa jeep. Maluwang kasi nun e kumpara sa palaging masikip na jeep na sinasakyan namin. ‘Di ko alam kung anong trip niya. Dahil malayo siya, feeling ko okay lang naman na i-text ko siya.
To: Kuya Drake
Hmm?
BINABASA MO ANG
Accidents Happen [Remaking | Hiatus]
Random[HEAVILY REMAKING] Crashes. Casualties. Consequences. Blame all the accidents that happened.