Chapter 11
“Nice Jerika!”
Dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto namin. Dadaan kasi si Kuya Drake kaya pumuputak na naman ‘yung mga kaibigan ko ng pang-aasar.
Pagkatapos kasi nung nangyari sa amin no’n ni Kuya Drake, hindi na nila ako tinigilan. Hanggang sa matapos na ‘yung Intrams, hindi pa rin sila nakaka-move on. Inaasar pa rin nila ako kay Kuya Drake.
Hindi naman sa gusto ko siya kaya ako tumatakbo papasok, pero ayoko kasing maisip niya na gusto ko siya o kung ano man. Napapatakbo kasi ako sa hiya. Hindi ko pa rin naman kasi makalimutan ‘yung nangyari—kasi lagi nilang pinapaalala!—at kung ano ‘yung naging itsura ko no’ng nagyari ‘yun. Nakakahiya! Hindi ko tuloy maiwasang hindi mamula sa t’wing nag-aasar sila.
Bakit ba kasi kailangan pa ‘yung mangyari ‘di ba?
Nakahinga na lang ako ng maluwag nung nakadaan na si Kuya Drake. Tumigil na rin kasi sila sa pang-aasar.
“Crush mo?” biglang tanong ni Terry. Nasa likuran ko lang pala siya?
“Oo.” Humarap ako sa kaniya. Kumunot ‘yung makapal niyang kilay. “Crush lang a! Idol ko lang siya. ‘Yun lang.”
“Ah… Akala ko naman pinagtataksilan mo na si Rex.”
Nalaglag ‘yung panga ko dahil sa sinabi niya. Mukha ba ako ‘yung taong gagawin ‘yun sa taong mahal niya? “I would never do that,” seryoso kong sabi.
“I know you wouldn’t.” Kumindat siya at naglakad papalayo sa akin. Malandi.
--
One thing na hindi maganda sa pagbabago ni Terry e ‘yung pagiging malandi niya. Or maybe it’s just me. Kasi kapag tinatanong ko sila Jane o kaya Camille e hindi naman daw siya malandi. Friendly lang daw. O baka naman gusto nila ‘yung fact na nilalandi sila ni Terry kasi gwapo siya?
I don’t want to judge them pero gwapo naman kasi si Terry. Sino ba namang aayaw kapag nilandi sila ni Terry?
Wait… What?
Umiling-iling na lang ako. Malapit na ‘yung birthday ni Kuya Rex! At wala pa rin akong regalo sa kaniya. Ang hirap niya kasing i-figure out e. Actually, lahat naman ng lalaki. Ang hirap nilang regaluhan. You don’t know what they want. Kapag kasi babae, alahas lang o kaya libro, okay na. Sa lalaki, kailangan mo munang alamin kung ano ba talaga ‘yung gusto nila para tanggapin nila ng buong puso ‘yung regalo mo.
Lunch break na. Wala si Terry at Lucas. May dadaanan pa daw sila e. Nagsabi naman sila na hintayin daw namin sila bago kami umakyat.
Dahil walang lalaki, I brought up the topic. “Kung magbibigay kayo ng regalo sa isang lalaki, anong ibibigay niyo?”
“Let me guess,” untag ni Angela. “Regalo ‘yan para kay Rex ‘no?”
Ngumuso ako at tumango.
“Dahil mahal mo naman siya, I guess the best gift is…”
Tumingin sa amin isa-isa si Jane. Hindi ko ma-get’s ‘yung tingin niya pero may gustong iparating ‘yung masama niyang tingin sa amin, na dapat alam namin ‘yung gusto niyang sabihin. Pero walang nag-react na ni-isa sa amin.
“Gosh, guys! ‘Di niyo ba talaga alam?” Ngumuso siya.
Sabay-sabay kaming umiling-iling.
Lumapit siya at bumulong, “Virginity.”
Humagalpak kaming lahat sa tawa.
“My gosh, Jane! Ang green mo!” asar ni Angela.
“But that’s what they want, right?” natatawang sabi ni Jane.
Well, to be honest, kahit na joke lang ‘yun, it’s true. Most of the guys e gusto lang naman na ikama ‘yung isang babaeng sexy at maganda ‘yung katawan. Not all. But most of them. I don’t know for Rex. Pero feeling ko naman hindi e.
Pero sa totoo lang rin, choice rin naman ng isang babae kung ibibigay niya sa mahal niya ‘yung virginity niya e. Pero ako, ayoko. No matter how much I love that person, hangga’t hindi pa kami kasal e hindi ko ibibigay sa kaniya ‘yung purity ko.
Nang kumalma, nagsalita na si Angela. “Anong favorites niya?”
Tinikom ko lang ‘yung bibig ko. Hindi ko kasi alam kung anong favorite niya e. Paboritong kulay alam ko, pero ano namang bagay na kulay gano’n ‘yung ibibigay ko?
“Does he read?” sunod niyang tanong.
Hindi ko rin alam. Hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila para ma-check kung may stock ba siya ng books o kung ano man. Ni hindi rin naman namin ‘yung napapag-usapan. Halos kapag nade-date nga kami e ‘di pumapasok sa isip namin na bumili ng libro. Well, who would do that on a date?
“Everyone reads, Angela.” Si Camille na ‘yung sumagot para sa akin.
Binaling niya ‘yung tingin niya sa akin. “A book would do, Je.”
Tumango-tango naman si Jane. “Pero para mas sigurado, mas sure kung magtatanong ka sa isang lalaki mismo.”
Ngumuso siya. Sinundan ko kung sino ‘yung tinuturo niya at nakita ko si Terry na pumasok sa canteen. Napabuntong hininga na lang ako. Kailangang siya ba talaga?
--
Sabay-sabay kaming nag-locker nina Yzza at Terry pero nagmadaling umalis si Yzza. Sabi niya babalik lang daw siya sa room para kunin ‘yung bag niya. Kinindatan niya lang ako bago siya umalis ng tuluyan. Surely, sinandya niya ‘yun.
Kunot-noo akong tinginan ni Terry. “Ano meron?”
Kinagat ko ‘yung labi ko. ‘Di ko alam kung pa’no magsisimula. “K-Kung magbibigay ako ng regalo sa’yo, anong gusto mo?”
Ngumisi siya. “Bakit? Bibigyan mo ba ako ng regalo?”
“Hindi ano!” Nag-init ‘yung mukha ko. Hindi ko alam kung bakit. Kainis. “B-Bigyan ko si—“
“Si Rex?”
Alam niya nga pala ‘yung tungkol sa amin. Tumango ako.
“Simple lang naman kaming mga lalaki e,” sambit niya maya-maya. “Basta ba bigay sa amin ‘yun ng mahal namin babae, kung ano man ‘yun, tatanggapin namin ‘yun ng buong-buo. What matters is may binigay sila sa amin.”
“We’re not that hard to figure out,” pagtutuloy niya. “With love, everything is easy to lay out.”
Tumawa lang siya sa itsura ko. Nandiri kasi ako sa mga sinasabi niya. With love? Err. Parang mas gusto ko pa talaga ‘yung Terry noon. Parang hindi kasi bagay na cheesy siya. Nakakasuka.
“Thanks!” Ngumiti ako ng tipid at naglakad na papalayo sa kaniya. Nagmadali na akong bumaba kasi nando’n na pala si Kuya Rex kanina pa.
BINABASA MO ANG
Accidents Happen [Remaking | Hiatus]
Random[HEAVILY REMAKING] Crashes. Casualties. Consequences. Blame all the accidents that happened.