Chapter 32
Hindi ko na maintindihan kung ano bang nangyayari.
Kagabi kasi, kakapasok ko pa lang sa loob ng gate ng bahay namin, may nag-text sa akin na unknown number. Ang sabi, Mag-ingat ka ha! na may kasama pang smiley face. Syempre, tinext ko siya kung sino siya. Ang reply niya, Si Lucas to, Jerika.
Hindi agad ako naniwala. Nakailangan tanong ako sa kaniya at halos lahat nasagot niya naman ng tama. Kaso di pa rin talaga ako naniwalang si lucas yun kasi magkasama lang kami kanina e pero di niya naman hiningi yung number ko. At hindi naman niya nilapitan si Angela or si Camille or si Jane kasi sa akin lang siya palaging nakasama.
Kung hindi pa talaga siya tumawag, hindi talaga ako maniniwala sa kaniya. He insisted to call para daw masigurado ko na siya yun. And when I heard his voice, siya nga yun.
Tinanong ko sa kaniya kung sinong nagbigay ng number ko sa kaniya, sabi niya hindi na daw mahalaga yun. Ang creepy lang, di ba?
Tapos kaninang umaga sa jeep, jusko. Nagkasabay kami. Sa iisang jeep lang kami nakasakay. Tinanong ko siya kung saan siya nakatira. Sagot niya: Sa may Palar lang. And that's kilometers away from our house or street o kung saan ako sumasakay!
I don't know if he's just playing games with me or sadyang nagkataon lang talaga na nagkasabay kami ngayon. But still. Ang creepy. I don't want to think that it's destiny who's putting us in this position. Because if it's destiny's doing, then I know it'll be crappy like everything that happened before.
Hindi naman sa ayoko kay Lucas. He's a nice guy. Kahit na kakakilala pa lang namin kahapon, parang ang lapit-lapit na namin sa isa't isa. Kahit na dumidistansya ako sa mga tao sa paligid ko, he still tried to reach to me. Pero... masyadong mabilis ang nangyayari. Hindi pa namin gaanong kakilala ang isa't isa pero parang... kilala na namin ang isa't isa.
Ang weird, di ba? Kaya nga nangangamba ako. I'm still in pain after what Terry did. Then suddenly, a goody-goody Lucas comes in. Ano pa nga bang mararamdaman ko? Syempre matatakot ako because everything's happening too easily.
I sighed. Kakasimula pa lang ng taon, namomroblema na agad ako. Bakit ba kasi ganito ang bu--
"Jerika!"
Someone pulled me (I bet that's Lucas kasi siya lang naman ang kasama kong may care sa akin) but it was too late. Nagkatamaan na kami ng isang lalaki.
"Shit" was the only thing I managed to mutter. Natapon kasi yung taho sa may uniform nung lalaki. Ugh. Nawawala ka na naman sa wisyo, Jerika!
"I'm so, so sorry!" paulit-ulit kong sabi habang pinupunasan yung uniform nung kaharap ko gamit yung panyo ko. Good bye malinis na panyo.
Hinawakan nung lalaki yung kamay ko kaya natigilan ako sa ginagawa ko. Tsaka ko lang nagawang tumingin sa kaniya. Tsaka ko lang nakita kung sino ba siya.
Shoot!
Napalunok na lang ako dahil sa sobrang kaba. I don't know what to say. Nanuyo na yung lalamunan ko at may parang something na bumabara sa lalamunan ko. He didn't even smile or look made or anything. He's just flashing his plain, dull face like nothing bad (or embarassing) happened.
Naaalala niya pa kaya ako?
"It's okay. You don't have to worry that much."
Itinapon niya na yung plastic cup na may natitira pang taho. Almost empty na yung cup. Meaning, most nung contents natapon sa kaniya. Way to go, Je! What a way to start your school year!
BINABASA MO ANG
Accidents Happen [Remaking | Hiatus]
Random[HEAVILY REMAKING] Crashes. Casualties. Consequences. Blame all the accidents that happened.