/ Chapter 28

770 7 11
                                    

Chapter 28

Natapos rin yung summer class namin matapos ang ilang araw.

Ni hindi ko na nga namalayan e. A part of me doesn’t want it to end, kasi alam ko na malalayo na ako kay Terry. This is my only chance to be near him. Somehow. Kapag nagsimula na yung vacation, ilang kilometro na ang layo namin sa isa’t isa and I’m not so sure kung kakayanin ba kaming pagdikitin ng texts o kaya ng Facebook chat. It’s different kapag nandyan siya, kapag nakikita mo siya, kumpara sa kausap mo lang siya sa text or chat. Di mo alam kung totoo ba yung expression niya o kung masaya ba siyang kausap ka niya o kung bored na ba siya… Ewan. Parang ayoko pang mawalay sa kaniya.

Kahit na wala naman akong sapat na pinaghahawakan.

Kanina ko pa pinaglalaruan yung cellphone ko habang pinapanuod ko siyang naglalaro ng basketball sa may school grounds. Halos ito na lang yung means of communication namin e. Ewan ko ba kung anong drama niya’t ayaw niya akong kausapin ng personal.

I know he wants to space himself away from me para walang makahalata. Para ang maisip ng iba, hindi pa siya okay sa pagalis ni Yzza. Kaso di niya ba naisip kung anong nararamdaman ko? Hindi niya man lang ba natanong kung nahihirapan ako sa ginagawa niya? Sabi niya ako ang nauna, pero bakit ganyan siya?

Gosh. I was the one who keep on reminding him to be cautious. Tapos ngayon, ako tong aligaga. Ako tong nagmamadali.

“Jeka!” Sinukbit ni Angela yung kamay niya sa braso ko. “Sabay-sabay na tayong magbalik ng libro.”

Tumango na lang ako at ngumiti bago siya naglakad papalayo. Buti na lang talaga’t hindi nila masyadong pinapansin na ang wala ako sa wisyo nitong mga nakaraang araw.

Maya-maya, hindi ko napigilang ngumiti ng malaki nung nag-text na siya. Sa wakas.

From: Terry Villafuerte

Fire exit. 4th floor. Ngayon na. See you. :)

Bumilis yung kabog ng puso ko.

Bakit ngayon niya lang to naisipan? Pwedeng-pwede naman pala kaming mag-usap sa mga tagong lugar. Pwedeng-pwede kaming mag-usap kapag walang nakatingin, kapag walang nakakapansin, Pwedeng-pwede.

Bakit ngayon ko lang rin to naisip? Pero… kaya ko bang sabihin yun sa kaniya? Mamaya pinapakain ko na naman yugn ego niya, lumaki pa.

Ugh. As if I care right?

Nagsabi ako kanila Angela na pinatawag ako ni Sir Mags. Hindi naman ka-close nila Angela si Sir Mags kaya sigurado akong safe tong excuse ko na to. Kahit na nasa Puerto Prinsesa na si Sir Mags, hindi naman nila malalaman.

Dali-dali na akong tumakbo paakyat sa 4th floor, diretso sa may fire exit. Tatlo yung fire exit dito sa floor na to pero di ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Nandito naman siguro siya ano?

Napabuntong hininga ako pagkalapit ko sa pinto. Bigla akong nagdalawang isip. Pano kung hindi pala maganda yung sasabihin niya? Pano kung napagisip-isip na pala siya at na-realize niya na si Yzza pala talaga yung mahal niya?

But a huge part of me wants to open this door that’s blocking our way. Hindi ko malalaman kung ano bang gusto niyang sabihin kung hindi ko bubuksan tong pintong to. Good or bad, I don’t care. I just want to see him and talk to him.

Huminga ako ng malalim at tinulak na pabukas yung pinto.

Halos malaglag yung puso ko nung nakita ko siyang nakatingin sa akin. Nakangiti.

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon