Chapter 35
Di agad ako nakapasok nung Monday kasi pinagpahinga muna ako ng mga magulang ko. They even warned about taking care of myself, reminded mo of what they said before na di na lang dapat ako tumuloy sa pagsali sa basketball since enough na naman daw yung mga articles na pinapasa ko sa school paper (di nila alam na ginagawa ko pa rin yun ngayon), and engraved in my mind na may sakit ako. Gusto kong ipa-explain sa kanila kung anong konek ng anemia sa baketball, pero kinimkim ko na lang. Mamaya ma-grounded pa ako, di na naman nila ako papasukin. Health over studies kasi ang peg ng parents lalo nga't inatake na naman ako ng anemia ko just recently.
Pero ang mas nakakabigla, umulan ng text messages nung araw na yun. Yung tahimik kong cellphone, halos masira na sa kaka-vibrate. Most e galing kay Kuya Drake at Lucas (para silang may competition sa paramihan ng texts). Tanghali kasi ako nagising kaya late ko nabasa lahat. Ang nakakatawa pa e parehong-pareho sila ng texts.
Pero ang kinagulat ko e ang texts nila Angela, Jane, at Camille.
Yung texts nung tatlong babae, pareho lang. Nangangamusta kung okay lang ba ako. Nagtatanong kung bakit di ako pumasok. Ang naiba lang na ending ng text ay yung kay Jane. Ang sabi niya: Wag kang mamamatay okay? Mahal ka namin. Alam mo yan.
Nung nabasa ko yun, halos naiyak ako. For four months, halos di kami nag-usap. May casual talks lang kapag nagkakasalubong sa hallways o kapag group works, etc. Pero yung tulad dati, wala na talaga. Minsan nga kahit yung small talks nawawala na rin lalo na kapag nandyan si Terry.
Our pact is like bros before hoes for girls. Ginawa namin yun para di kami mag-away sa iisang lalaki. Pero yun pa ang dahilan kung bakit kami watak ngayon. I blame it to myself, actually. Ako kasi tong lumalayo e. Lumayo ako nang walang dahilan. Di naman kasi nila alam yung tungkol sa amin ni Terry which is the root cause of all this... thing.
Buti na lang pala at um-absent ako--pina-absent, I mean. Nagkaron ako ng time na makapag-isip. Kapag kasi nasa school, makita ko pa lang si Terry, magiging clouded na agad yung utak ko. Dahil sa galit siguro?
Di ko na tuloy alam kung pano ko lalapitan sila Angela. Nagpatong-patong na yung mga mali kong ginawa. Di ko na nga pinag-isipan ng maayos yung una kong ginawa nung nalaman ko na si Terry na at si Angela. That was four months ago! Ngayon, ang dami-dami kong pag-iiwas na ginawa na nagpatong-patong na and I don't know how I'll correct those mistakes now. Di ko naman pwedeng sabihin sa kanila na may thing na namagitan sa amin ni Terry. If he'll deny it, then I'm fine kahit na masakit. Pero kapag umamin si Terry, mababaliw si Angela.
I might have not notice it before, pero napansin ko na na mahal na mahal ni Angela si Terry. The way she looked at him as I remember... it's... something. It really means something. At ngayon ko lang na-confirm since tuwang-tuwa siya nung naging sila na ni Terry. Kaya nga nung na-realize ko yun, I just kept the pain inside me. Kasi ayokong masaktan yung kaibigan ko. I might look like I hate them because I'm avoiding them, but I'm actually trying my best to protect them. To protect us. Kasi kapag di ko napigilan yung inis ko kay Terry, masasabi ko ang lahat. Mababaliw si Angela. Masisira yun pagkakaibigan naming apat.
Alam kong may karapatan naman akong magalit kasi sineryoso ko yung pact stuff na yun. Pero gusto ko pa rin silang marinig na magpaliwanag, kung pano ba yung naging tingin nila sa pact, whatever. Ang problema ko na nga lang e kung pano ko sila kakausapin.
Pero ang pinaka kinabigla ko e yung text ni Terry.
From: Unknown
I hope you're okay. :)
BINABASA MO ANG
Accidents Happen [Remaking | Hiatus]
Random[HEAVILY REMAKING] Crashes. Casualties. Consequences. Blame all the accidents that happened.