/ Chapter 26

807 9 7
                                    

Chapter 26

“A-Ano bang pinagsasasabi mo diyan?!”

Itinulak ko siya at umurong ako ng kaunti para makalayo sa kaniya. Pero di rin ako nakagalaw masyado. Sininghalan pa nga ako nung katabi ko at sinabing ang likot-likot ko daw.

“I know everything about the deal,” nakangisi niyang sabi.

“What?!”

Nagkabuhol-buhol na yung utak ko. Wala na akong maintindihan sa sinasabi ng utak ko. But one thing’s for sure: Si Yzza ang nasabi nito tungkol sa kaniya. Imposible namang sila Camille or Jane or even Angela. Si Yzza lang naman kasi tong malapit talaga kay Terry eh. Then, I’m next, and obviously, I haven’t told him anything about the deal. Sobra-sobra nga yung pagprotekta’t pagsamba ko sa deal tapos sasabihin ko lang yun sa kaniya? No way.

“Nung sinabi sa akin yun ni Yzza”—See! I was right!—“naintindihan ko na kung bakit ganun yung inaasta mo sa akin. You were protecting the sanctity of your deal. I was tied to Yzza—without even my consent!—according to your deal.”

“Ang bait mo masyado, Jerika.” Ngumisi siya. “Kaya intintindi na lang kita.”

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. The way he smiles… nakaka-bother. Tsaka yung tingin niya… para siyang mangangain ng buhay.

“But I know that you want me as well, Jerika.”

I froze. What the—Ano bang sinasabi nitong lalaking to? Pinanlisikan ko siya ng tingin. He just laughed. Ugh.

“And I like you as well.”

Bago pa ako mawala sa wisyo, pumara na agad ako sa jeep. Biglang napatigil yung jeep kaya nagsitilamsikan yung mga tao paharan. I fought the force at dali-dali akong tumayo para bumaba. Buti na lang at di ako nahawakan ni Terry o kung ano man. At saktong pagkababa ko, humarurot na agad paalis yung jeep.

I didn’t bother looking back. Wala akong pakielam kung sumunod ba siya o hindi.

Nagmadali na akong naglakad papunta sa bahay namin. It’s just a few steps away. Pagkatapak na pagkatapak ko sa loob, makakahinga na ako ng maluwang. Sa loob ng bahay, safe ako. Surely, di naman siya makakapasok sa loob kahit na magpumilit man siya. Aso pa lang namin, di na agad siya makakapasok.

Ilang hakbang na lang sana ako sa gate namin ng biglang may humigit sa akin.

“You don’t have to be shy about your feelings, Je,” mapagbiro niyang sabi. Walang modong iniharap niya ako sa kaniya. Surprisingly, di ako nasaktan. Or I wasn’t minding the pain because… Ugh, no. “I accept those feelings wholehearted—“

I slapped him hard. As hard as I can. Para matauhan. I thought losing Yzza would make him sane because obviously, having Yzza makes him insane. But losing her even made him crazier.

“I don’t want to play games, Terry,” sumbat ko. “Rejoice all you want kasi alam mo na na gusto kita. But I don’t want to tag along with your sick games and your sick needs. I may have feelings for you. But that’s history. At wala na akong pakielam dun.”

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon