Chapter 30
I haven't told my parents about Terry. They won't approve, of course. Not because they don't like Terry, pero dahil ayaw pa nila akong makipagrelasyon. Mag-aral daw muna ako. Distraction daw kasi yung love life sa buhay. Kinuwento pa nga nila sa akin yung pagbagsak ni Papa dahil sa sobra niyang pagkainlababo kay Mama. Pero ewan ko ba. Feeling ko naman na hindi magiging distraction tong kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa ni Terry.
Kapag nami-miss ko siya, hinahawakan ko na lang yung necklace na binigay niya sa akin, Pero everytime na hinahawakn ko yun, may nagfa-flash na kung ano-ano sa utak ko. May mga bata... Nagtatawanan sila... It's kind of blurry kaya di ko maintindihan. At hindi ko matapos-tapos yung scene kasi sumasakit yung ulo ko habang tumatagal.
Ilang ulit ko yung ginagawa hanggang sa nawalanan ako ng malay isa araw at dinala sa ospital. Sa katunayan nga, kakalabas ko pa lang ngayon.
Hindi ko sinabi kay Terry yung nangyari kasi baka mag-alala siya. Tsaka, nasa Hong Kong siya ngayon kasama yung pamilya niya kaya wala di pa kami nakakapag-usap ulit.
"Okay ka na ba, anak?" usisa ni Mommy. "Hindi na ba sumasakit yung ulo mo?"
Umiling ako bilang sagot. Pero parang nayanig yung mundo ko sa sobrang lakas ng paggalaw ko sa ulo ko. I think I have to be careful starting this day. Hindi ko naman alam na ganito pala kalala yung anemia ko e. Akala ko basta uminom lang ako ng maraming tubig, ng iron capsule araw-araw, at kumain ng gulay na rich in iron e magiging okay na ako. Pero habang tumatagal, lumalala na pala yung anemia ko.
Pero sabi naman daw ng doctor, hindi ko naman daw ikakamatay to. Basta daw ba't sundin ko ang payo nila, magiging maayos lang daw ako.
I received a text from Terry earlier habang nagbibiyahe kami pabalik sa bahay. Sabi ko sa kaniya, ite-text ko na lang siya pagkarating namin sa bahay. Nagtanong kasi siya kung pwede niya daw ba akong tawagan. I guess nasa Pilipinas na siya kaya nakaka-text na siya.
Kung saan-saan pa kami nag-ikot nila Mommy. Ang tagal ko rin daw kasing nakatengga sa loob ng ospital kaya baka na-miss ko daw yung buhay labas. Nag-window shop kami ni Mommy habang sila Kuya at Daddy nagpunta sa may arcade para maglibang. Nang-asar pa nga sila kasi panigurado daw na magtatagal kami sa may department store kakaikot.
Sa labas na rin kami nag-lunch kaya hapon na kami nakarating sa bahay. Five hours after he texted.
I was afraid to text him pagkarating namin sa bahay. Baka kasi tulog na siya o baka may iba siyang ginagawa. Worse, baka na-bore na siya sa kakahintay na text ko.
But I sent the message. Pano ko malalaman kung anong sagot sa tanong ko kung papairalin ko yung isip ko? Masyado kong pinapahirapan yung sarili ko e dahil sa mga what-ifs na yan. Kung pwede lang kasing pairalin yung nararamdaman mo e, edi sana ginawa ko na. Kaso may mga repercussions kasi kaya mas pinapairal ko ng maigi yung utak ko. Never mind the restrictions or palying too safe.
Maya-maya, nag-vibrate yung phone ko. I sighed in relief.
"Terry!" I exclaimed as I answered the call. Ewan ko ba. I suddenlt feel exhilarated. My mind was jumping up and down as I wait for him to answer. But I only heard sighs on the other end of the line.
My stomach churned. "N-Nasa Pilipinas ka na ba?"
"Oo," he said coldly.
Napalunok ako. Ano bang problema niya? Kakagising niya lang kaya? May nangyari kayang masama? O sadyang ayaw niya lang talaga akong makausap? But, what gives? Bago siya umalis papuntang Hong Kong, ang lungkot-lungkot niya kasi di kami makakapag-usap habang nasa trip siya. Sabi niya pa nga di siya makapaghintay na makarating sa Pilipinas para makapag-usap kami ng masinsinan.
BINABASA MO ANG
Accidents Happen [Remaking | Hiatus]
Random[HEAVILY REMAKING] Crashes. Casualties. Consequences. Blame all the accidents that happened.