Chapter 5
June.
Pasukan na naman. Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan. Feeling ko kasi maaalala ko lahat-lahat kapag nasa school ako. Lahat, sa school nangyari. Kaya kapag nasa school ako, babalik sa akin ang lahat-lahat. Nostalgic. Naisip ko na parang masasayang lahat ng pinaghirapan namin ni Kuya Rex, masasayang lahat ng effort niya para na makalimutan ko si Kuya Erik.
Pero bukod pa do’n, ayoko talaga ng first days kasi adjustment days ‘yun. Ang bagal ko pa namang mag-adjust kasi ayoko talagang mag-adjust. Ayokong magbago. Pero, alam ko, kailangan.
Sabi nga sa Darwin’s theory: Survival of the fittest. In order to be fit, you have to adopt with changes.
Iniisip ko pa rin kung pa’no ko papakisamahan ‘yung mga bago kong mga kaklase.
“Jeka!”
Napabuntong-hinga ako. Akala ko mag-isa lang ako sa section namin. Kanina pa ako naghahanap ng kakilala, pero wala akong makita. Buti na lang at nandito na si Angela.
“Aries ka rin?” tanong niya.
“Yup!”
Para kaming mga baliw na nagtatawanan at nagtatalunan habang nagyayakapan. Akala mo naman ngayon lang kami nagkita. ‘Yung tipong long lost friends kami.
Maya-maya, tumigil siya at may binulong sa akin.
“May lalaking hot na nakatingin sa atin, bes.”
Napakunot ako ng noo at humagikgik ng saglit bago nilingon ‘yung lalaki. To be fair, gwapo nga siya. Pero feeling ko kilay niya lang ‘yung nagdala kaya medyo naha-higlight ‘yung mukha niya.
Nakipagtitigan kaming dalawa ni Angela sa kaniya hanggang sa sumuko na ‘yung lalaki. Nag-apir kaming dalawa na parang nanalo kami sa kunyaring staring contest.
“What’s up, gals?”
Hindi ko alam kung bakit, basta napatili na lang kami ni Angela. Napansin ko ngang nanlaki ‘yung mata ni Matteo, pero binali-wala niya na lang. Alam naman naming gustong-gusto ni Matteo ng atensyon.
“Aries ka rin?” tanong ko maya-maya.
“Yup. Kayo rin ba?”
Tumango-tango kaming dalawa ni Angela.
“Well, I’ll make sure this year will be great for the two of you.” Kinindatan niya kaming dalawa.
Isang mahinang sampal tuloy ang naabot niya kay Angela. “Ang landi mo talaga.”
Nawala lahat ng kaba na nararamdaman ko kanina dahil nand’yan naman si Angela at si Matteo. Akala ko kasi first day na first day, magiging mag-isa lang ako.
Dali-dali kaming tumakbo palabas ng canteen, pabalik sa pila namin, nung nagsalita na ‘yung Guindance Counsellor sa stage. Magsisimula na ‘yung flag ceremony.
Akala ko nga kami lang ‘yung tatakbo palabas pero sinundan kami nung mga lalaki sa kabilang table. At dahil mabibilis silang tumakbo, naunahan nila kami. Nasagi pa nga ako nung isang lalaki sa balikat. Lumingon siya para mag-sorry at tumakbo na lang papalayo.
BINABASA MO ANG
Accidents Happen [Remaking | Hiatus]
Random[HEAVILY REMAKING] Crashes. Casualties. Consequences. Blame all the accidents that happened.