A/N: Ngayon ko lang nalaman na may 'Unpublish' feature pala yung Wattpad. So, dahil natuwa ako, in-unpublish ko muna yung mga parts na wala namang nakalagay kasi useless naman kung naka-publish sila since wala namang nakalagay... uhh, paulit-ulit na. Basta. Yun ang dahilan. Para kapag nakita niyong may update ng AH, yun ang dahilan.
Sorry pala sa typos! Medyo madami yata. Hahaha. Feel na feel ko kasi yung pagtata-type nitong (remake) chapter na to e. Sana kayo rin! :)
--
Chapter 34
Di ako nakabawi sa kaniya. Di ko kasi alam kung anong ibibigay ko sa kaniya e. Nahihiya naman akong magtanong sa mga kaklase niya kasi for sure, makakarating agad kay Kuya Drake yung balak ko, edi hindi na yun surprise. Tsaka, baka sabihan ako ni Kuya Drake na di ko naman daw kailangan gawin yun. Alam mo naman si Kuya Drake, napaka-gentleman.
Pero mukhang dumating naman yung tamang para malaman ko kung anong dapat kong gawin. Feeling ko naman okay na tong gagawin ko.
Since start na ng elimination games for Intramurals, inalam ko na kung kailan yung mga laban ng Seniors. Bahala na kahit gabihin matapos, basta manunuod ako palagi at iche-cheer ko siya ng bonggang-bongga. Bahala na kung magalit sa akin yung mga batchmates ko (in case na masaktuhan na kalaban nila yung Juniors). Elims lang naman e. Kapag finals, syempre, solid na ako sa batch ko (with exemptions kapag di kalaban ng Juniors ang Seniors).
"Manunuod ka ba ng laro?" tanong ni Lucas habang pababa kami sa grounds. Nakabihis na siya ng jersey. Laban kasi nila ngayon against Freshies. Sila ang unang-unang game ng elims.
"Hindi e. May training kasi kami."
"Aah..." He sounded so disappointed. Well, kaibigan ko siya e kaya nalulungkot siguro siya kasi di ako makakapanuod ng laro nila.
Napipe na lang ako. Di ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Gusto kong magrason na kailangan naming mag-training kasi may laro kami bukas. Kaso parang... ewan. I want to reason out kaso parang wala rin namang kwenta kung magrarason ako. Ugh. It's complicated.
"Text mo na lang ako mamaya kapag tapos na kayo ah."
"Baka matagalan kami sa training, Lucas. Dapat magpahinga ka agad pagkatapos ng laro niyo."
"E... kailangan." Napakunot ako ng noo. "Basta. Mag-text ka na lang kung nasan ka. Pupunta ako."
Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ba ako hinahatid sa bahay. Tatlong buwan niya na rin kasing ginagawa yun. Sinasabihan ko nga siya na wag na, na kaya ko na naman yung sarili ko. Na hindi niya na kailangan pang ihatid ako sa tapat mismo ng bahay namin. Kaso ang mapilit siya e. Sabi niya gusto niya daw. Sabi niya gusto niya lang daw masigurado na safe ako (Ewan ko ba sa kaniya. Ilang lakad na lang naman yung layo ng bahay namin mula dun sa binababaan ko.). Bilang kaibigan daw, responsibilidad niya ako.
I threw him the same argument. Na responsibilidad ko na ligtas siyang makauwi sa bahay nila. (Natanong ako kay Ate Bernice, kasi taga Palar din siya. Pina-describe ko yung lugar nila at marami daw tambay dun. Umaga man o bagi. Pero si Ate Bernice kasi nagse-service siya kasi natatakot din daw siyang maglakad dun mag-isa.) Kaso sabi niya sa akin, kaya niya naman daw yung sarili niya. Lalaki naman daw siya. Wala naman daw mangre-rape sa kaniya. Magdadahilan pa sana ako kaso pinandilatan niya ako ng mata, meaning the fight is over. Kaya ayun, hinayaan ko na lang siya. Kahit na hiyang-hiya ako sa pagbabantay niya sa akin.
Dumaan muna kami sa may 7-Eleven para kumain ng light dinner. Puspusan na kasi yung training namin kasi unang laban namin bukas.
BINABASA MO ANG
Accidents Happen [Remaking | Hiatus]
Random[HEAVILY REMAKING] Crashes. Casualties. Consequences. Blame all the accidents that happened.