Chapter 15
Same reason kung bakit umiiyak nung isang araw si Yzza: nagseselos siya sa akin. Napapansin niya kasi na masyado kaming malapit ni Terry. Tsaka, ‘di ba nga, iniyakan pa ako nung mokong. Hindi ko rin alam kung bakit gano’n ba ‘yung asta sa akin nung lalaking ‘yun.
Syempre, dahil ayokong saktan ‘yung best friend ko, ipinagtutulakan ko palayo si Terry. Pero in a nice way. ‘Yung alam niya. Sinabi ko sa kaniya na mas makipag-bond siya kay Yzza kaysa sa akin. Pero sabi naman ni Terry sa akin na for a week sa akin daw muna siya lalapit para daw makabawi siya.
Sabi ko sa kaniya wala naman siyang kailangan bawiin kaya ‘di na kailangan ‘yung one week na pauso niya. Kaso mapilit talaga siya e. Sabi ko nga one day na lang, kaso ayaw niya talaga. ‘Yung gusto niya talaga ‘yung gusto niyang mangyari. Pumayag na lang ako kasi baka mag-away na naman kami .Ewan ko ba kung bakit ‘di niya ‘yun naisip.
Nag-explain na lang ako kay Yzza na gusto sa aking bumawi ni Terry. Um-oo na lang siya kahit na questionable pa rin ‘yung dahilan kung bakit niya gustong bumawi sa akin. Hindi naman ako napakalaking big deal sa kaniya e. O baka naman oo? Pero hindi ko lang alam? Ewan.
Dumiretso kami sa National pagkarating namin sa Glorietta. Sandamakmak kasi na notebook ‘yung nasa wish nung nabunot ni Angela, sa akin naman e isang organizer. ‘Di ko alam kung aling organizer ba ‘yung sinasabi niya pero ang note kasi do’n e magulo daw kasi ‘yung mga gamit niya kaya kailangan niya ng organizer. Tao nga ‘yung una kong naisip e. Kaso ang imposible naman kung tao ‘yung gusto niyang regalo.
Pagkatapos naming bumili sa National, dumiretso kami sa Great Bowl of China. Nagke-crave kasi si Angela sa crispy lemon chicken. Buti na lang talaga e pinadalhan ako ni Daddy ng marami-raming pera. Alam kasi ni Dad kugn ga’no kagastos ‘tong kasama ko e. Tapos baka mamaya e mag-Starbucks pa kami o kaya Crispy Crème tapos mag-window shopping para sa dance night.
Ngayon lang kasi kami a-attend kasi ni-ditch lang namin ‘yung last year kasi wala naman kaming mga isasayaw. Tsaka, nilagnat rin kasi ako no’n kaya nauwi kami sa pago-overnight sa bahay namin.
Pinapak muna namin ‘yung finger food na ni-serve habang hinihintay pa namin ‘yung orders namin. Sa totoo lang, ito ‘yung isa sa mga favorites ko sa Great Bowl: ‘yung finger foods. Nakailang refill nga kami dati e kaya bago pa dumating ‘yung pagkain namin no’n e busog na kami. Nag-take out pa nga kaming dalawa ng isang bag ng fish crackers no’n e kasi nasarapan talaga kaming dalawa.
“Kanino galing ‘yung bracelet?” nguso niya sa infinity bracelet na suot-suot ko.
Kinagat ko ‘yung labi ko .Ginawa ko pa naman ang lahat para maitago ‘yung bracelet na ‘yun. Alam ko na agaw-tingin siya kasi may glitter-glitter ‘yung infinity niya kaya kumikinang kapag naiilawan tapos lumiliwanag rin ‘yung bakal na nagkakabit ng bracelet paikot sa kamay ko.
Tinatago ko lang sa ilalim ng lamesa ‘yung bracelet ko. Kaso mukhang nakalimutan ko ata at naipatong ko ng matagal sa lamesa ‘yung kaliwang kamay ko. Kinakabahan kasi ako kapag nalaman niya kung kanino galing ‘yung bracelet.
Lumunok ako. “K-Kay Terry…”
Kumunot ‘yung noo niya. Bago pa siya makapagsalita, inunahan ko siya. Alam ko na naman kung anong sasabihin niya e. Bubungangaan na naman niya tungkol sa pagiging masyado kong malapit kay Terry.
BINABASA MO ANG
Accidents Happen [Remaking | Hiatus]
Random[HEAVILY REMAKING] Crashes. Casualties. Consequences. Blame all the accidents that happened.