/ Chapter 16

915 15 13
                                    

Chapter 16

“Sorry talaga kanina.”

Hindi pa rin ako tinitigilan ni Terry. Akala niya siguro sa kaniya ako bad trip, pero hindi. Kay Yzza. Kasi lagi na lang ako ‘yung sinisisi niya kapag may mga nangyayaring something sa amin ni Terry. Hindi ba pwedeng tadhana muna ‘yung sisihin niya?

“Wala ka namang kasalanan e so don’t be sorry. Sayang laway mo.”

Tumikhim siya, mukhang naiinis sa inaasta ko. Well, ayoko rin naman siyang kausapin e. Ayoko nga na malapit siya sa akin lalo na kapag ganito ‘yung sitwasyon kasi imbes na kay Yzza siya pumupunta e sa akin pa.

Pero ang sabi niya sa akin, kapag daw ganito ‘yung sitwasyon, mas mabuti na daw ‘yung ‘di siya lumapit kay Yzza. Dahil nga mabunganga si Yzza, gagawa’t gagawa lang sila ng eksena kapag mag-uusap sila tungkol sa ganitong mga bagay.

They always have fights because of me. Masyado rin kasing selosa ‘tong si Yzza. May kausapin lang na babae si Terry ng matagal-tagal, magagalit na agad siya. Most of the time, ako ‘yung babaeng ‘yun. No matter how many times I try to tell her and assure her na walang something sa amin ni Terry, ‘di pa rin siya naniniwala.

Siya lang talaga ‘tong naglalagay ng malisya sa amin ni Terry e. Alam niya na naman na may-boyfriend na ako. Off limits na ako. ‘Di rin naman ako mistress, so no. Tsaka, alam ko na mahal niya si Terry. I don’t flirt with my friends’ love ones.

Narinig kong lumunok si Terry. ‘Di pa rin pala siya umaalis sa tabi ko. I thought of boring him so he’ll go away, kaso walang kwenta. Wala rin kasi siyang matatakbuhan except sa akin. Angela’s busy with Yzza. Lucas is also busy with his girlfriend.

“Ang ganda nitong necklace, by the way.” Humalakhak bigla.

Napasapo ako. Akala ko kasi babae ‘yung nabunot ko kaya naglagay na rin ako ng necklace. Hindi naman sa sinasabi kong pangbabae lang ‘yung necklaces, pero pambabae kasi ‘yung design nung necklace. I should have known na lahat ng guy names e para talaga sa mga lalaki.

Buti na lang na mustache ‘yung design nung necklace. Natuwa kasi ako kaya ‘yun ‘yung pinili ko. The thing that makes it girly e ‘yung chain niya. Madalas pa naman kapag metal chain e pambabae. Tela kasi or parang goma ‘yung tali ng necklaces kapag lalaki. Or unisex.

Gosh, I should have chosen the latter.

“Pambabae kaya ‘yan!” sigaw ko. Pero nakakairita kasi! Alam niya na ngang may galit na naman sa akin si Yzza tapos susuotin niya pa ‘yung necklace. Edi dalawang sampal na ‘yun kay Yzza, to think na kahit pambabae e pinagtiisan na suotin ni Terry.

“So?” Humalakhak siya. “Sayang e. Alangang hayaan ko na lang mangalawang ‘di ba?”

“Pwede mo naman kasing ibigay sa iba, ‘di ba?” singhal ko.

“Regalo mo nga sa akin, ‘di ba?”

Isinubsob ko ‘yung mukha ko sa mga palad ko. “Sana mamaya mo na lang binuksan ‘yung regalo.” My voice came out muffled. “Ang mali ng timing mo.”

Accidents Happen [Remaking | Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon