Chapter 7
Napasubsob na lang ako sa desk ko pagkalabas ng teacher namin sa Algebra. Nade-depress ako sa score ko sa quiz namin kahapon. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.
“Anong problema ma, girl?” usisa ni Yzza.
“Ang baba ko sa quiz!”
Napakunot siya ng noo. “Ilan ka ba?”
“Five.”
Humagikgik siya. “Ako nga three lang e.”
“Nako, Yzza,” biglang singit ni Angela. “Alam mo naman na mathematically-inclined ‘yan si Jeka ‘di ba? Kaya gan’yan ka depressed ‘yan.”
Nangalungbaba ako. “Hindi ko alam kung bakit sa arithmetic na lang e nagkakamali pa ako. Ang simple na nga lang no’n e…”
“Maybe you think too complex,” singit ng isang seryosong Terry. Ang lamig-lamig talaga ng boses niya. Kahit na ang init-init ng panahon, sa sobrang cold niya, napapalamig niya ‘yun kahit papa’no.
Kinindatan ako ni Angela at naglakad na siya papalayo. Binalikan niya rin si Yzza na nakatingin lang sa aming dalawa ni Terry na parang naiinggit. I know, gusto niyang magka-moment sila pero ‘di siya dapat matakot sa akin. I’m already taken.
“Too complex?” pag-uulit ko. “What do you mean?”
“Too complex, meaning masyado mong iniisip ‘yung ibang mahihirap na processes na nakakalimutan mo na ‘yung mga basics.”
“Hindi naman ako gano’n a!” protesta ko.
“Pero…” Kinuha niya sa akin ‘yung papel ko. “…’yun ‘yung pinapakita nitong results mo.”
Napasubsob na lang ulit ako sa desk ko. Hindi ko alam kung matitiis ko ba ‘tong lalaking ‘to. Hanggang ngayon nabo-bother pa rin ako sa nakakatakot niyang mga mata.
Dahil nga maraming mababa sa quiz, nagbigay ng partnering ‘yung teacher namin sa Algebra. Unluckily, kay Terry ako bumagsak. Of all the people. Sana nga kay Matteo na lang ako napunta kasi magaling rin naman siya sa math.
“Hindi ka ba kumportable sa akin?”
Hindi pa rin pala siya umaalis sa tabi ko. Bumangon ako at tumingin sa kaniya. Nagulantang ako kasi titig na titig lang siya sa akin. Parang may hinahanap siya o may binabasa siya sa akin na hindi ko malaman kung ano…
Bumuntong-hininga ako.
“I’ll be honest with you…” Napakunot siya ng noo. “Hindi talaga ako kumportable.”
“Bakit naman?” taka niyang tanong.
“Kasi…” Mas lalo lang tumalim ‘yung titig niya sa akin habang hinihintay niya ‘yung mga susunod kong sasabihin. “Wala. Basta.”
Tumayo ako at nagsabing magc-CR lang ako. Pero ang totoo, gusto ko lang talagang makalayo sa kaniya.
--
“Hindi ko na siya kinakaya…”
Napasubsob na naman ako sa lamesa. Kanina pa ako namomroblema kay Terry. Puro na lang Terry. Nakakaimbyerna.
BINABASA MO ANG
Accidents Happen [Remaking | Hiatus]
Random[HEAVILY REMAKING] Crashes. Casualties. Consequences. Blame all the accidents that happened.