Chapter 1

45.6K 696 40
                                    


6 years later...

"Nanay!!" Masiglang bati ng isang magandang batang babae habang tumatakbo palapit sa kararating pa lamang na ina sa kanilang tahanan galing sa trabaho.

"Anak!" Masaya namang kinarga ng ina ang anak nang magpang-abot na silang dalawa, miss na miss nila ang isa't isa na tila ba ilang taon silang hindi nagkita.

"How's your day po nanay? Tired po ba ikaw from work po?"  Tanong naman ng anim na taon na batang babae sa kanyang ina.

Napangiti naman ang ina dahil sa tanong ng kanyang anak. Masaya dahil binigyan siya ng ganitong kaalagang anak.

"My day is good naman anak. At hindi naman ako napapagod sa work ko eh kasi lagi kitang iniisip. Ikaw kaya ang energizer ko. Pa-kiss nga!" Sagot naman ng ina sabay pinupog ito ng maraming halik sa leeg at sa kili-kili kaya napatawa ng malakas ang bata dahil sa kiliti.

"I love you, anak." Wika ng ina.

"I love, love, love, love you too nay. Kahit tayo lang po dalawa dito." Wika ng batang babae.

Mas lalong napangiti ng malapad ang ina dahil sa sinabi ng kanyang anak at pigil-pigil rin ang kanyang luha na tila pabagsak na.

Napaka-understanding ng kanyang anak. Kahit hindi niya laging ikinu-kwento ang tungkol sa ama ng bata ay hindi siya nito kinukulit kung nasaan ang kanyang ama at kung bakit wala ito sa kanilang tabi. Ang tanging alam lamang ng bata ay wala sa tabi nila ang kanyang ama at nasa malayo.

____

Kinabukasan...

HERA'S POV

"Nanay! Bangon ka na po! 6:00 na po! We're gonna be late!" Naiinis na litaniya ng anak ko kaya napangisi ako.

Para talagang matanda kung umasta ang batang ito! At ang sungit rin. Mana sa ama!

Actually, kanina pa ako gising. Gusto ko lang na ang anak ko ang gumising sa'kin dahil ang saya lang niya kulitin. HAHA!

"Nanay!! 8:00 ang pasok po natin! Ma-le-late na tayo nito eh!!" Pagmamaktol ng anak ko. Masyado kasi tong dedicated sa school, ayaw na ayaw niya ang ma-late.

"Nanay naman eh!! I'm gonna cry na po." Banta niya pa na tila paiyak na talaga habang niyuyugyog ang aking balikat.

At hindi ko napigilan kaya bumangon na ako.

"Hahaha. Oo na po ma'am. I'm going to prepare our breakfast na. Ang sabihin mo lang excited ka lang pumasok dahil makikita mo na naman ang crush mo eh." Pang-aasar ko sa kanya na siyang dahilan kaya namula ng husto ang napaka cute kong anak.

"What?? Hindi ah! Wala po akong crush!" Sabay takbo palabas ng kwarto ko.

Hay nako. Kahit di mo pa sabihin Kathena Santiago alam na alam ko na. Hahaha. Anak kaya kita. Manang-mana ka sakin!

Itong anak ko talaga! Ang aga lumandi eh noh? Hahaha. Parang ako!

"Nanay!! Bumangon kana kasi!!" Biglang sigaw ng anak ko.

"Oo na po!!" Sagot ko naman at bumangon na sa higaan ko.

-SCHOOL

"Sige na anak. Pumasok kana. At pupunta na rin ako sa trabaho ko. Hintayin mo ako mamaya ah? Sabay tayong umuwi. Maghintay ka nalang sa kainan nina Aleng Bebang ha?? I-text mo lang ako." Bilin ko sa anak ko. Wala kasi siyang makakasabay pag-uwi mamaya.

"Opo nay. Mag-ingat ka rin po. Papasok na po ako. Bye nay! I love, love, love, love you." Sabay flying kiss pa sa akin.

"I love you rin." Sagot ko at saka kumaway sa kanya.

I Ran Away Pregnant(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon