Chapter 27

14.9K 278 4
                                    

THE PRESENT

JADEEN'S POV

"USELESS!! ALL OF YOU ARE F*CKING USELESS!! KAPAG HINDI NIYO PA RIN SILA NAHAHANAP SISGURADUHIN KO NA MAWAWALAN KAYO LAHAT NG TRABAHO!! GET OUT!!" Sigaw ko sa mga detectives na inutusan ko sa paghahanap na agad naman nilang sinunod.

Agad naman akong napahilot sa aking sentido habang nakasandal sa swivel chair. I am currently in my office, drowning myself from paperworks.

I just want to stop thinking about them just for awhile.

It's been a year since they left. Hera and our daughter, left me without a word.

Dapat hindi ko siya iniwan mag-isa doon sa bahay.

I know something is going to happen.

Kasalan to ng parents ko! They still blame Hera. They're blaming someone who is innocent.

Hanggang ngayon ay si Hera pa rin ang sinisisi nila sa pagkamatay ng kapatid ko.

Nalaman ko ang totoong nangyari ng minsan ay  nag-usap ang mga maid na naka-witness sa nangyari and at that moment gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa mga katangahang nagawa ko.

But my parents won't acknowledge their selfishness. Kaya si Hera pa rin ang sinisisi nila.

*tok tok tok*

"Come in." Utos ko sa taong kumatok. Pumasok naman ito na may excitement sa buong mukha na makikitaan mo.

"Couz, I saw her." Samantha said which made me all excited.

---

HERA'S POV

"Anak ko. Hurry! Hinihintay na tayo ng lolo at lola mo." Pagtawag ko sa anak ko na nasa loob ng kanyang kwarto.

"Yes nanay. Coming na po!" Sigaw naman nito.

Lumipas ang isang minuto ay lumabas na ito sa kanyang kwarto kaya agad ko na itong inaya lumabas at umalis.

"I'm excited to see them again nay! It's been a month since huli natin sila nakita." Masiglang wika ng anak ko na ikinatawa ko lang.

My parents and I reconciled a month after namin umalis sa poder ni Jadeen.

After that confrontation with Jadeen's parents agad akong umalis sa mansyon at sinundo si Kathena. Pagkatapos kong sunduin ang anak ko ay bumalik kami sa bahay upang kunin ang aming mga gamit. Good thing Jadeen's parents are gone already in the mansyon.

Pero ang pinagsisihan ko sa lahat ay ang hindi man lang ako nakapagpaalam kay Jadeen. Pinangunahan ako ng takot na baka may gawin silang masama sa anak ko.

Kumusta na kaya si Jadeen ngayon.

Pagkaalis namin sa bahay ni Jadeen ay pumunta kami sa Cebu kung saan naroroon ang hacienda ng aking lolo, ama ng aking ina. Mag-isa nalang si lolo dahil namatay na si lola apat na taon na ang lumipas. Doon kami pansamantalang nanirahan ni Kathena.

After noong nangyari kay Jennica, ay sinundo ako ni lola sa Manila para pauwiin sa Cebu at doon ako nanirahan for a month pero ng malaman ni lolo na buntis ako ay pinalayas niya ako. Hindi daw ako babalik doon hanggat wala akong maipapakilala na ama sa batang dinadala ko noon. That's why I fled to Palawan sa tulong na rin ni lola, bumili siya doon ng maliit na bahay upang doon kami ng magiging anak ko mamuhay. She did that without my lolo's knowledge.

Nang mamatay si lola because of heart failure ay agad akong umuwi sa Cebu kasama ang aking anak na apat na taon pa lamang ng panahon na yun. Sa una ay tinatakwil ako ni lolo pero I stand firm dahil ayoko iwan si lolo as he mourn for lola's death. Kaya sa kalaunan ay natanggap na rin ako ni lolo.

Pero after a year ng pagkamatay ni lola ay bumalik kami sa Palawan kahit ayaw ni lolo. Since gusto ko panindigan ang sinabi ni lolo na hindi ako titira sa hacienda hangga't wala akong naipapakikilala na ama ng anak ko kahit na sa loob-loob ko ay imposible na papanindigan ako ni Jadeen noon. At mabuti na lang talaga na bumalik ako sa Palawan dahil kung hindi, hindi rin kami magkikitang muli ni Jadeen.

Sa unang linggo ng aming pag-alis sa bahay ni Jadeen ay panay ang tanong ni Kathena kung bakit namin iniwan ang kanyang ama. But I can't answer her. Hindi ko kayang i-explain ang mga nangyayari. Ayokong malaman niya na umalis kami dahil may gagawing masama ang mga grandparents nito sa kanya kung hindi kami lalayo sa kanyang ama.

I don't want her to recognize her grandparents that way.

Good thing hindi na masyadong nagtatanong  si Kathena after a month. That's the time my parents get in the picture.

It was a surprise. Bigla nalang silang nagpakita sa hacienda. Nagalit pa nga si lolo sa kanila dahil sa kanilang kapabayaan.

They said that they're sorry for leaving and ignoring me for a long time. They're sorry na puro na lamang sila trabaho.

Simula pa lamang noong 9 years old ako, umalis na sila at doon nanatili sa Japan since naroroon ang kanilang kompanya. Iniwan nila ako kasama ang mga maids at lumaking walang magulang. Kaya nga nararamdaman ko rin ang mga hinanakit ni Jennica. Kaya nga somehow gusto ko alagaan si Jennica since we have the same fate regarding with our parents.

But that's in the past now. I'm not as immature as I am back then kaya sino ako para hindi magpatawad sa mga magulang ko. Mabuti nga at humingi pa sila ng tawad kaya bakit ipagkakait ko yun sa kanila. They are still my parents.

Nandito kami ngayon sa Japan. Sinama kasi kami nila Mama at Papa. They want to fill the gap that we missed when I was a kid. Kaya ibinigay talaga nila lahat para sa apo nila. Ini-spoiled na nga nila si Kathena eh. Mabuti nalang at mature na kung mag-isip ang anak ko.

"Nasan po ba sila Lolo and lola, nay?" Tanong ng anak ko habang nag-da-drive ako.

"Andun na ata sa resort na pupuntahan natin." Sagot ko naman.

Isang buwan kasi nawala ang mga parents ko. Pumunta sila sa Germany for business reasons kaya nang makabalik sila ay agad silang nag-aya na mag-bakasyon daw kami. Kaya naisipan nila pumunta sa isa sa mga resorts namin sa Japan.

Chains of hotels, resorts and restaurant kasi ang business ng parents namin and since HRM ang tinapos ko kaya ay nakakatulong na rin ako sa kanila.

Matapos ang ilang minutong pagmamaneho ay nakarating na rin kami sa resort.

"Wow nay! Ang ganda naman dito parang paradise. Ang blue ng dagat! Ang sarap!!!" Excited na wika ng anak ko na ikinangiti ko lang.

"Hahaha. Tara na nga at ng matikman na natin kung gaano kasarap yung blue na dagat!" Pagsasabay ko sa kaniya.

"Tara na po nay!!!" Tili ng anak ko.

"Hija! Apo! You're here!" Tawag sa amin ni mama.

"Lola!!! I miss you po!!" Tumakbo naman si Kathena palapit sa kanyang lola at nagpakarga.

"Hahaha! Apo! I miss you too!" Sagot naman ni mama.

"Where's lolo po?" Takang tanong naman ni Kathena.

"He's inside already. Tara pasok na tayo. Hera, pasok na tayo sa loob." Pag-aya ni mama sa akin.

"Sige po ma. Mauna na kayo. May kukunin lang ako sa kotse." Sagot ko.

"Oh okay. Sumunod ka nalang agad ah?" Wika nito na nginitian ko lang.

Agad naman akong bumalik kung saan ko ipinark ang kotse at saka kinuha ang aking bag sa loob.

I was about to close my car's door when someone spoke near me which is very familiar to me.

"Andito ka lang pala."

Napalingon ako sa nagsasalita and my heart beat frantically.

---

I Ran Away Pregnant(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon