Meron po itong BOOK 2. Hoping for your continuous support. Thank you!---
"Why are you doing this tita?" Samantha asked Mrs. Dela Sena.
"Do you think Hera can take care of her daughter at this moment? I won't allow Kathena to face her mother with her state right now!" Sagot naman ng ginang na may pinalidad sa kanyang boses.
"B-but... only Kathena can help her mother. May karapatan siyang makita ang nanay niya para malaman ang kondisyon nito. She will look for her mother for sure." Pamimilit naman ni Samantha na baka sakaling mag-iba ang desisyon ng ginang.
"I think, Tita has a point Samantha. Ilayo na lamang muna natin ang bata pansamantala para hindi siya masaktan at mag-alala tungkol sa kanyang ina. Baka maka-apekto ito sa paglaki niya. Tama na ang malaman niya na wala na ang kanyang tatay. Baka mag-break down din siya kapag malaman niya ang nangyari sa nanay niya. She's just a kid." Dugtong naman ni Dara.
"Pati ba naman ikaw Dara?" Parang nawawalan na ng pag-asa si Samantha sa mga pangyayari.
"Hera won't return to her self just because her daughter's beside her. Only time can heal the wounds, Sam. Alam kong babalik rin si Hera at babalikan niya ang anak niya." Wika ni Dara.
Napabuntong hininga nalamang si Samantha tanda bilang pagsuko.
Wala siyang laban sa dalawa. Lalo na sa ina ni Jadeen.
Pagkatapos nilang mag-usap ay pumunta siya sa isang ospital na kinalalagyan ni Hera. Pagkapasok niya sa naka-destino na kwarto ni Hera ay nakasalubong niya ang doctor. Agad naman niya itong tinanong.
"Doc, kumusta na po ang bestfriend ko?" Tanong ni Samantha sa doctor.
Napabuntong hininga ang doctor sa tanong ng babae na siyang nagpabigay ng kaba kay Samantha.
"I'll tell you honestly Ms. Rodriguez. Hera right now is mentally unstable. She's like a living dead. She's not talking to anyone else. Palagi siyang tulala. It will definitely take time to return in her old self. You can help her. Kayong malalapit niya sa buhay. Treat her na meron pang nagmamahal sa kanya. Na hindi lang siya nag-iisa." Wika ng doctor.
Napa-isip siya.
"Okay doc. Thank you." Pasasalamat niya.
"I'll get going now." Tinanguan lang naman ito ng babae.
Pumasok siya sa kwarto ng kaibigan at doon lumapit sa nakatulalang Hera sa kawalan.
Nagpawala siya ng buntong hininga.
Lumapit siya at saka umupo sa kama na hinihigaan ng kanyang kaibigan.
"Bes, magpakatatag ka. Kailangan ka ng anak mo. Alam mo bang ilang araw ka na niyang hinahanap. Iyak rin siya ng iyak dahil sa pagkamatay ni Jadeen tapos ganito ka pa. Ano nalang mangyayari sa anak mo ngayon kung mananatili kang ganito? Alam mo bang kukunin ng nanay ni Jadeen ang anak mo at isasama doon sa Germany at doon na manirahan pansamantala hanggang sa gumaling ka? Hindi mo na makikita ang anak mo. Pero wag kang mag-alala, hindi ko hahayaang makuha nila si Kathena. Kailangan mo siya ngayon at kailangan ka rin niya. I will do everything para bumalik ka sa dati." Wika ni Samantha.
Napa-iyak siya sa kinahinatnan ng kanyang kaibigan.
It's been a week since namatay si Jadeen because of cardiac arrest. Inilibing na siya yesterday but Hera can't attend dahil a day after mamatay si Jadeen ay hindi na kumikibo ang babae at hindi na rin nagsasalita. Hindi alam ni Kathena ang nangyari sa ina. Ang alam lang niya ay umalis ito ng bansa at nagpunta sa Japan kung saan naninirahan ang mga magulang ni Hera. Yun ang pagkakaalam ng bata dahil yun ang sinabi ng kanyang grandma. Napaniwala naman nila ang bata at dahil doon ay mas lalong nalungkot ito.
BINABASA MO ANG
I Ran Away Pregnant(COMPLETED)
RomansaShe loved him so much leaving nothing for herself. She's been very desperate to make him love her back. To reciprocate her one-sided love. But what if she'll grow tired of it? Grow tired of loving him? Would the world turn upside down? What will hap...