Chapter 17

17.7K 279 3
                                    

JADEEN'S POV

Napatingin ako sa babae'ng mahimbing na natutulog sa tabi ko. Pagkatapos ng alitan namin kagabi ay napaamin ako ng wala sa oras dahil sa tindi ng pagseselos ko. Siguro blessing in disguise na rin yung nangyari kahapon kasi dahil doon naamin ko na ang tunay na nararamdaman ko sa kanya.

Pagkatapos kong umamin ay nag-usap pa kami tungkol sa aming dalawa. We are in the middle of drama that night pero tinulugan lang ako ng babaeng to. Iba talaga!

Napangisi nalang ako sa ginawa niya kagabi.

Napatingin ulit ako sa natutulog nitong anyo.

She looks at peace.

She looks comfortable under my comfort.

She looks angelic.

She looks innocent.

At ang gago ko lang dahil hindi ko na-realize agad na mahal ko na pala siya.

I was stuck to the feeling na akala ko ay mahal ko pa ang first love ko.

Because of that maling akala.

Because of that stupidity.

Because all of that nabulag ako at hindi ko nakita ang pagmamahal ni Hera sa akin noon.

I just wasted so many time. Kung sana ay hindi ako nagpakatanga na babalik pa ang first love ko edi sana ay masaya na kami ni Hera noon pa man.

"I love you Hera. I'm so sorry kung napaka-gago ko sa'yo noon. I'm sorry kung naging bulag ako sa pagmamahal mo." After I said it I immediately kissed her forhead kaya naalimpungatan siya.

I saw how she opened her eyes slowly then smiled as she saw me already awake.

"Kanina kapa gising?" Malambing niyang tanong sa akin and I just nodded then smiled back at her.

"Bakit hindi ka nagsasalita jan? Ok ka lang? Sorry kung natulugan kita kagabi. Inaantok na talaga ako eh. Hihi." Aniya na may malapad pa na ngisi.

I just kissed her nose.

"Why so pretty Hera?".

Agad naman siya'ng pinamulahan dahil sa sinabi ko kaya ay napahalakhak ako sa reaksyon niya.

"Alam ko naman no. 'Wag mo na'ng ulit-ulitin. Kaya nga maganda si Kathena eh. Mana sa akin." She said then winked at me.

"Yeah. You're right. You're so beautiful. Both of you are very beautiful."

"Oookay! Tama na ang bulahan at gigisingin ko pa si Kathena dahil may pasok pa siya at ikaw rin." Sabi niya.

Agad naman ako'ng bumangon at agad siyang niyakap at her back.

"Hoy!" Saway niya sa akin dahil hindi ko pa rin siya binibitawan.

"I just can't believe that you are mine now again. That you are here beside me again."

Humarap naman ito sa akin pero nakayakap pa rin ako sa kanya.

She smiled at me geniunely.

"Maniwala ka na nandito na ako sa tabi mo. Ang lakas nga ata ng amats ko sa'yo dahil hindi mawala-wala yung pagmamahal ko eh, sa haba ng panahon na wala ka sa tabi ko. Akala ko nawala na 'yung nararamdaman ko sa'yo pero hindi pa pala. It was just sleeping in my heart but then you came again and wake it up. Sheet! Ang corny naman ata nun ano?" Tawa niya.

Napatawa rin ako sa sinabi niya.

"Pinagtatawanan mo ako ganun?" Matalim na tingin niya sa akin kaya naman napalunok ako.

"H-huh? Hindi ako tumatawa ano. Kinikilig nga ako eh." Then I wriggled my brows na ikinatawa naman niya ulit.

"Ewan ko sa'yo!" Sabi niya at kumalas na sa pagkakayakap ko.

"Hera." Tawag ko ulit sa kanya kaya naman napalingon ulit ito sa akin.

"Ano na naman?"

"I love you."

----

"Good morning people! Hello bes. Hello Baby Kath." Masiglang bati ni Sam sa amin pagdating na pagdating niya.

"Uy sakto! Hindi pa ako nag-agahan!" Jake said at agad naman lumapit sa amin.

Kasalukuyan kasi kaming kumakain ng agahan.

Agad naman umupo si Jake at nagsimulang kumain.

"Wow! PG ka talaga hon!" Pang-aasar naman ni Sam sa fiance nito.

"Ano'ng PG? Kung pinakain mo muna ako bago mo ako kinaladkad papunta dito edi sana hindi ako gutom na gutom ngayon." Sagot naman ni Jake na busy pa rin kakakain.

"Duh. Whatever. Kasalanan ko bang late ka nagising? Eh may usapan naman tayong pupunta tayo dito." Sagot naman ni Sam habang naka-cross arms na nakatingin sa kumakain niyang fiance.

"Oo na!" Tanging sagot naman ni Jake.

"Tita Sam? Sana pinakain niyo muna si Tito Jake." Singit naman ni Kathena sa pag-uusap nila.

"Tama ka baby girl. Bad si tita mo ano? Ginugutom ako?" Pagdadrama naman ni Jake kay Kathena. Kaya mas lalo'ng nainis si Sam.

"Pero tito Jake, dapat rin kasi gumising ka ng maaga eh may usapan naman pala kayo. Kaya wag mo ng awayin si tita Sam." Dugtong pa ni Kathena na ikinanganga lang ni Jake.

"BOOM PANES!" Pang-aasar naman ni Sam sa fiance nito habang ang lakas ng tawa dahil sa sinabi ni Kathena.

-_________-

Yung totoo? Ito ba yung ikakasal?

"Ano ba ipinunta niyo dito?" Tanong naman ni Jadeen habang umiinom ng kape at nagbabasa ng diaryo.

"Oh that." Sabi ni Sam sabay upo sa bakante pa'ng upuan na katabi ni Jake.

"Babalik na daw ang mommy at daddy mo." Sagot nito.

Napansin ko na natigilan si Jadeen sa binabasa niya at napatingin kay Sam.

"Ipakilala mo na si Hera at Kathena sa kanila para maikasal na kayo." Suhestiyon naman ni Sam na sinang-ayunan naman ni Jake na kumakain pa rin hanggang ngayon.

"Okay." Tanging sagot ni Jadeen.

"Pero ang tano'ng. Matatanggap pa rin ba kaya nila si Hera. After what happened?" Wika ni Jake na tapos na pala'ng kumain at kasalukuyang umiinom ng orange juice.

Natigilan naman ako sa sinabi ni Jake.

Tama siya. Akala rin ng mommy at daddy ni Jadeen na ako ang dahilan ng pagkawala niya.

"Ipaliwanag mo sa kanila Jadeen." Wika ni Sam.

"I don't think na maniniwala sila." Sabat ko habang nakayuko.

Lumapit naman sa akin si Sam at niyakap ako.

"Ano kaba bes. I believe na lalabas ang totoo at mananaig iyon. Kaya tiwala lang." Aniya habang hinahagod nito ang likod ko.

"Sam's right Hera. Don't worry." Wika ni Jadeen kaya napalingon ako sa kanya at nakita ko itong nakangiti sa akin kaya naman kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Sana nga Jadeen. Sana nga.

---

I Ran Away Pregnant(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon