HERA'S POVMag-dadalawang oras na pala kaming gumagala ng anak ko.
It's almost 12 noon when Kathena and I decided to eat lunch since nakakaramdam na rin kami ng gutom.
"Anak ko? Saan mo gusto kumain?" I asked her.
"Jollibee po gusto ko nay!" Masigla naman niyang sagot.
"Okay. Jollibee then. Let's go!" Pagtatapat ko naman sa kanyang masiglang awra.
Tumakbo kami patungo sa loob ng Jollibee at panay naman ang tawa ng anak ko. Pagdating namin ay agad naman kaming nakahanap ng mesa at doon ay umupo.
"Anak ko. Dito ka lang ah at o-order pa ako doon." Pagbibilin ko.
"Okay nay. I'll just sit over here." She responded.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa counter at pumila. Hindi naman masyado mahaba ang pila kaya paglipas ng limang minuto ay agad na akong naka-order at bumalik sa mesa namin ni Kathena dala ang pinamili kong pagkain.
Pagtingin ko naman sa anak ko ay may kausap itong lalaki.
Tsk. This kid. I already told her not to talk to stranger.
"Kathena." Pagtawag ko sa anak ko na napalingon naman sa akin at agad lumaki ang ngisi ng makita ang dala-dala kong pagkain.
"Yeheey! Food's here." Aniya sabay palakpak pa sa kanyang mga kamay na.
Napangiti naman ako sa inakto ng anak ko. Napatingin rin ako sa kausap ng anak ko ng tuluyan na itong lumingon sa amin.
O__O
Napatigil ako sa paglalakad ng makilala kong sino ang lalaking nasa harap ko ngayon.
"Hera? Is that you?" Tanong nito.
Hindi ako agad makasagot. Hindi mag sink in sa isip ko na nakita ko na ulit siya.
Lumapit ito sa akin at agad akong tinapik ng mahina sa pisngi.
"George?" Tanging sabi ko but he just smiled at me.
"Oh my gad!! It is really you!" Masayang saad ko sa kaharap ko.
Agad kong nilapag ang dala ko sa mesa at agad na yinakap si George.
Gosh this man! He's got more handsome than before. Kung dati ay patpatin ngayon may laman na!
"Indeed you are Hera." Tanging sabi lang nito at muli akong niyakap.
Naputol ang pagyayakap namin ng bigla kaming pinaghiwalay ni Kathena na kasama ko pala. Haha!
"Nanay ko? Who's he? Hindi ba magagalit si Tatay ko kapag nagyayakapan kayo?" Nakakunot noo nitong sabi.
"Anak mo pala siya? That explains why." Saad niya na nanlalaki ang mata.
"Bakit?" Tanong ko.
"Nilapitan ko ang batang to na nakaupo ng mag-isa dito kasi nakikita ko ang sarili mo sa kanya. Kaya pala, anak mo." He said.
"Uhm yes." Kimi kong sagot.
"Sino palang tatay? Si Jadeen ba?" He asked.
I was about to answer when Kathena grabbed my hand and George's hand then pulled us to take a seat.
"Nanay pwede naman kayong mag-usap ng naka-upo. Ako po yung nahihirapan sa inyo eh. At saka nay! Kakain na po ako habang nag-uusap pa po kayo hah?." Aniya at nagsimula na nga itong kumain.
Nagulat naman si George sa inasta ng anak ko kaya napangiti nalamang ako.
"Ilang taon na siya?" Tanong niya.
"Mag-si-six na." Tanging sagot ko naman.
"Wow. She speaks very maturely." He complimented.
"Yeah." I agreed. Napalingon naman siya sa akin.
"So? Nagkabalikan na ba kayo ni Jadeen? Since kilala na ni---"
"Kathena."
"Yes. Ni Kathena na si Jadeen ang ama niya." Patuloy nito.
"We are living in a one roof now but I can't conclude na nagkabalikan na kami. We're just living together for Kathena's sake." Bulong ko sa kanya. Mahirap na baka marinig kami ni Kathena at malungkot na naman ito.
"I don't believe it. Jadeen's inlove with you for sure. If you only witness what he'd been through when you disappeared." Aniya.
Talaga? Mahal na ba kaya ako ni Jadeen? But I just can't assume unless he say so.
"Sana nga. Sana nga George. Para maging masaya na kami ng tuluyan ni Kathena." Tanging saad ko lang.
Naging masaya ang mga kwentuhan namin ni George. Ikinuwento niya ang mga nangyayari noong nawala ako. Hindi ko namalayan na dalawang oras na pala ang lumipas kaya naman nauna na itong nagpaalam sa amin ni Kathena.
"Bye Baby girl!" Pagpapaalam ni George kay Kathena na agad naman niyang nginitian.
"Bye rin po tito George. Nice meeting you po." Ganti ni Kathena.
"Mee too. Ang cute mo talaga." Panggigigil naman ni George sa pisngi ng anak ko na ikinatawa lang naman ni Kathena.
"O siya! Umalis ka na nga!" Pagtataboy ko naman kay George.
"Hahaha! Tinataboy mo na ako ngayon ah? Habang noon eh kapag broken hearted lagi ako ang hinahanap eh no? HERA?" Saad niya na ikinatawa niya ng malakas.
"Tumahimik ka nga! Noon lang yon noh! Past is past move on please!!" Irap ko sa kanya.
"Galit galitan agad? Halika nga dito! Pasalamat ka at gusto kita!" Saad niya at agad naman niya akong niyakap ng mahigpit na ginantihan ko naman.
Na-miss ko tong lalaking to. Alam ko naman na gusto niya rin ako. But he said na sana wala'ng ilangan kahit na alam ko na. That's why parang joke nalang ang tingin ko kapag sinasabi niya yun. Atleast wala talaga'ng ilangan.
"Ehem!" Rinig namin na may tumikhim kaya naman nabaling ang attensyon namin ni George sa may pakana nun at laking gulat ko na si Jadeen pala.
Paano niya nalaman na andito kami?
"Tatay!! You're here!!" Sigaw ni Kathena at agad na tumakbo patungo kay Jadeen at agad nagpakarga.
"Yes princess. May nagsabi kasi sa akin na may langaw daw na nag-aaligid dito kaya agad akong pumunta." Seryoso nitong sabi habang nakatingin ng masama kay George.
Langaw? Anong langaw ang pinagsasabi nito.
Tumawa naman si Kathena. Kaya napatingin kami sa kanya.
"Tatay ko! Hindi naman siya langaw eh! Friend siya ni nanay!" Natatawa na saad ni Kathena.
O.O
Nagulat ako sa sinabi niya.
So ang langaw na tinutukoy ni Jadeen ay si George?
Nakita ko rin na nabigla si Jadeen dahil na gets agad ni Kathena ang sinabi niya.
Ngunit napahalakhak naman si George sa narinig kahit alam niya na siya yung tinutukoy na langaw.
Aba? Masaya siyang masabihan na langaw eh no?
"Oh my gad! Can't help it. You're genius Kathena! hahaha! But anyways, aalis na ako. Pinapaalis na kasi ako. Bye Hera! Bye Baby Kathena! Bye bro!" Paalam niya sa amin.
Kumaway lang kami ni Kathena sa kanya habang hindi naman ito pinansin ni Jadeen.
---
BINABASA MO ANG
I Ran Away Pregnant(COMPLETED)
RomanceShe loved him so much leaving nothing for herself. She's been very desperate to make him love her back. To reciprocate her one-sided love. But what if she'll grow tired of it? Grow tired of loving him? Would the world turn upside down? What will hap...