Chapter 14

17.5K 309 1
                                    

HERA'S POV

Magdadalawang buwan na rin pala kaming andito sa pamamahay ni Jadeen. Matagal tagal na rin pala.

Lagi naman kaming nagkakasama ni Sam mag-mall kapag may pasok si Kathena sa kanyang bagong paaralan at habang may trabaho naman si Jadeen. Lagi kasi akong naiiwan sa bahay mag-isa. Si manang rosa lang lagi kong kasama. Halos nai-kwento ko na nga sa kanya ang mga nangyari sa buhay ko mula ng maglayas ako at iwan si Jadeen noon. Lagi kaming nag-re-reminisce ni Manang, especially the good times.

Naging maayos rin naman ang pagsasama namin. Pero naguguluhan pa rin ako. Kung ano naba kami ni Jadeen. He said na papakasalan niya ako para kay Kathena.

Sa nakalipas na buwan ay para kaming masayang pamilya na nagmamahalan. Pero may love nga ba sa akin si Jadeen? I can't assume things. Baka masaktan lang ako sa huli.

I'm hoping for the best for our family. But at the same time, expecting for the worst.

Hangga't wala pang sinasabi si Jadeen ay dapat kong pigilan ang nararamdaman ko na muling nabubuo sa kanya.

I've never been the optimistic one rather I'm a pessimist.

Kaya hindi ko mapigilan ang mag-isip na baka ginagawa lamang to ni Jadeen para lamang sa kanya at hindi para sa amin ni Kathena.

Haay! Nakaka-stress mag-isip. Tigilan ko na nga lang to.

Bored na ako sa bahay. Wala naman kasi si Samantha dahil nag-out of town for business ventures. Kaya wala akong malilibangan ngayon.

Napatingin ako sa orasan at napagtantong malapit na pala ang uwian nila Kathena.

Napagdesisyunan ko na ako nalang ang susundo sa kanya.

"Kuya Jerome, tara na po at sunduin na natin si Kathena." Pagtatawag ko kay Kuya Jerome, ang taga-sundo ni Kathena sa school.

"Sige. Tara na po ma'am." Sagot naman nito kaya agad na kaming pumunta sa kotse at sumakay.

Pagdating namin sa paaralan ni Kathena ay agad na akong pumasok.

Hindi na ako pinigilan ng guard since kilala na naman niya ako. Ako rin naman kasi minsan ang naghahatid kay Kathena dito kaya nakilala na niya ako.

Malapit na ako sa pintuan sa room ng anak ko ng may narinig akong pag-uusap.

"Kathena? Who's your daddy? I haven't see him pa." Tanong ng isang batang babae.

Hindi ko makita kung anong ginagawa nila dahil hindi pa ako lubos nakapasok sa room. Malapit lang ako sa pintuan, buti nalang rin at malapit din sila sa pintuan kaya rinig ko ang pag-uusap nila.

Hinihintay ko ang magiging sagot ng anak ko. Kinakabahan ako ng hindi ko malaman ang dahilan.

"Si Jadeen Dela Sena. He is well-known here in Manila because he's a great businessman." Proud na sagot ng anak ko na kahit hindi ko man makita ang mukha niya ay alam ko na nakangiti ito kaya naman ay napangiti rin ako.

Napatawa naman ang kausap ni Kathena, kaya napakunot ang noo ko dahil sa reaction nito sa sinabi ni Kathena.

"Why are you laughing? I'm not even joking." Kathena said.

"No! You're joking. Because if he is really your father. You should have the same surname. Yours is Santiago, so how come he's your father? His surname is Dela Sena? Hahahaha!" Tawa pa rin ng tawa ang batang babae.

Hindi ko na narinig ang sagot ni Kathena. Baka na-realize niya rin ata.

Papasok na sana ako ng tuluyan ng biglang magsalita si Kathena.

"Yes. We don't have the same surname but I know that he is my daddy." Aniya.

*kriiiinnngggg*

The bell rang hudyat na labasan na nila. Agad naman akong tumakbo palayo sa room nina Kathena at umupo sa isang bench sa hallway nila.

Makaraan ng dalawang minuto ay may lumapit na sa akin.

"Nay!!! Tara na po!" Masiglang bati ni Kathena na parang wala lang sa kaniya ang pag-uusap nila ng classmate niya.

Kahit hindi niya pa sabihin yun ay alam kong nalulungkot rin ito.

"Nay?" Pagtawag ulit ni Kathena sa akin ng makitang hindi pa rin ako kumikibo.

Agad naman akong napayakap sa kanya at ngumiti.

"Kumusta ang school anak?" Tanong ko.

"It's fine naman po nay. Tara na po? Uwi na po tayo." She insist.

Malungot ang anak ko. I can feel it. Wala siya sa kanyang masiglang sarili.

"Gusto mo na bang umuwi? Baka gusto mo munang magpunta ng mall? Mag-shopping  tayo? Matagal na rin tayong hindi nagbo-bond anak. Kawawa naman si Nanay mo." I said as I pouted na ikinatawa lang ng anak ko kaya napangiti na rin ako ng makita ko na ang tunay niyang ngiti.

"Hahaha! Si nanay nagpapa-cute! Hahaha! Sige na nga po nay! Magbonding na tayo!" She said.

"Let's go!!!" I said at nagsimula na kaming maglakad na naka HHWW with pa-swing swing pa.

Napatingin ako sa nakangiting mukha ng anak ko while we are walking. She think very maturely compared to other children with her age.

"Yes. We don't have the same surname but I know that he is my daddy."

Huwag kang mag-alala anak ko. Dadating rin ang araw na magiging tunay na masaya na tayo. Hindi na pangmadalian kundi magiging pangmatagalan na.

I promise that to you.

"Anak?" Pagtawag pansin ko sa masayang batang kasabay ko sa paglalakad.

"Yes Nay?" Sagot niya ng lumingon siya sa akin.

"I love you!" I said.

We stopped. Mas ngumiti ng todo ang anak ko dahil sa aking sinabi.

"I love love love love you too Nanay ko!" She said as she pulled me and kissed my cheeks then afterwards give me a super duper tight hug.

"Anak ko! I can't breathe." Pagrereklamo ko at agad naman kinalas ang yakap niya sa akin at sabay kaming naghagikgikan at nagsimula ng maglakad.

---

I Ran Away Pregnant(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon