Chapter 34

14.4K 220 12
                                    

HERA'S POV

"Nanay? Saan po tayo pupunta?" Tanong ng anak ko habang nag-d-drive ako papunta sa kompanya ni Jadeen.

"Dadalhan natin ng lunch si tatay mo anak. Su-surprise natin siya." Wika ko at nagtitili naman siya.

"Na-e-excite na ako nay! Sigurado ako na masu-surprise talaga si tatay nito nay!" Dugtong naman niya.

Ngumiti lamang ako kay Kathena. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kinakabahan ako ng sobra.

Dalawang linggo na ang lumipas simula ng dumating kami dito sa Pilipinas at sa nangyaring usapan namin ng mga magulang ni Jadeen. Kung usapan nga bang masasabi yun.

Dalawang linggo silang tahimik. Hindi na nila kami ginugulo. Sana nga ay tumigil na sila. Gusto ko ng mamuhay ng tahimik kasama ang pamilya ko.

"Nanay? Bakit po ganun sila lolo at lola?" Tukoy niya sa mga magulang ni Jadeen.

Bigla naman akong nagulat sa tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin anak?" Maang kong tanong habang panaka-naka namang tingin sa kanya since nag-d-drive nga ako.

"Kasi po... noong pagdating kasi natin sa bahay... may sinabi kasi sila sa akin." Putol-putol na sabi nito.

Agad ko naman itinigil ang kotse sa isang sidewalk at saka hinarap si Kathena.

"H-hah? Ano namang sinabi nila sa'yo? At saka bakit ka nga pala umiyak nun?" Tanong ko

"Pagpasok ko po sa bahay ay nagulat ako dahil andun sila kaya po tinanong ko po. Sagot naman po nila eh sila daw mga magulang ni tatay. Ang saya ko po kasi na meet ko na sila lolo at lola. Yayakapin ko na sana sila pero po iwinakli nila ako at saka sabi pa ni lola... hinding-hindi niya daw po ako matatanggap bilang apo." Kwento naman ni Kathena.

Bigla akong nakaramdam ng galit dahil sa ginawa nila. Pati ba naman bata? Napakasama nila.

Tinanggal ko naman ang seatbelt ko at saka lumapit kay Kathena para yakapin ito.

"Wag mo nalang intindihin ang lolo at lola mo anak." Wika ko.

"Nay? Bakit po sila ganun?" Tanong naman ng anak ko.

Hindi ako makasagot dahil miski ako ay hindi ko alam ang sagot.

Bakit nga ba sila ganun? Dahil sa pagkamatay ni Jennica na hindi nila matanggap-tanggap at sa guilt nila na hindi kayang tanggapin ng kanilang pride ay kami ang nagdudusa.

Pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik na ako sa pag-d-drive.

Mabuti nalang at hindi masyado ma-traffic kaya nakarating kami agad sa kompanya ni Jadeen.

DELA SENA, INC.

Basa ko sa nakasulat sa building. Andito na kami. Agad ko naman ipinark ang kotse sa parking lot.

Naglakad na kami papasok sa kompanya ng pigilan kami ng mga guard.

"I.D po ma'am." Agad ko naman ibinigay ang I.D ko saka nila ito ichineck bago kami nakapasok

Sabagay, hindi pa kasi ako pinakilala ni Jadeen dito bilang ina ng anak niya. Hindi ko naman masasabi na asawa kasi hindi pa kami kasal. At saka, I'm not even sure kung pakakasalan nga ba niya ako.

"Wow! Ang laki naman ng kompanya ni tatay nay." Manghang saad ni Kathena habang palingon-lingon pa sa paligid.

Nginitian ko naman siya at saka naglakad palapit doon sa may reception at nagtanong.

"Excuse me. What floor is the C.E.O's floor?" Ngiting tanong ko naman sa babae.

"Do you have an appointment with Mr. Dela Sena, Ma'am?" Nakangiti naman nitong tanong sa akin.

I Ran Away Pregnant(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon