Chapter 25

13.7K 203 1
                                    


HERA'S POV

"Kayo po ba si Miss Hera Santiago?" Tanong sa akin ng isang mamang pulis.

Pagkakita ko pa lang sa kanila ay alam ko na agad ang kanilang pakay sa akin.

"Ako nga po." Sagot ko sa pulis.

"Maari po ba kayong sumama sa amin sa presinto?" Paki-usap nito sa akin.

Napabuntong hininga nalamang ako at saka tumango.

Lutang pa rin ako dahil sa nangyari kay Jennica.

Jennica is---

gone. Forever.

At ako ang sinisisi sa nangyari.

I have witnessed though such as those maids but they won't speak dahil sa takot na masangkot sa trahedyang nangyari. At takot sa mga magulang nila Jadeen.

Umuwi agad sa Pilipinas ang kanilang mga magulang the day pagkatapos ng nangyari.

Hindi na umabot si Jennica sa Hospital. She was declared dead on arrival.

Andun ako. Kasama niya.

Wala akong magawa nun kundi ang umiyak ng umiyak dahil sa kailaliman ng kosensya ko ay may isinisigaw na it was partly my fault.

If only I was fast enough. Naligtas ko sana siya.

Puno ako ng pagsisisi. If only I was there earlier.

Pagdating namin sa presinto ay sinalubong ako ng mag-asawang sampal galing sa ina nila Jadeen.

Naroon sila Jadeen, ang kanyang mga magulang at si

Samantha.

Masama ang tingin nila sa akin.

Including my bestfriend.

Don't tell me sinisisi rin niya ako dahil sa nangyari?

"Walang hiya ka! Pinatay mo ang anak ko!" Galit na saad ni Mrs. Dela Sena sa akin habang sinasampal niya ako.

Inaawat na siya ng mga pulis. Habang sina Jadeen naman at ang kanyang ama ay nakatayo lamang sa gilid at masama rin ang tingin nila sa akin.

"Hindi ko po siya pinatay." Laban ko para sa aking sarili.

"Anong hindi? Ikaw ang huling nakita ng mga tao doon sa mansyon na huling kasama ng anak ko." Sigaw nito sa akin at sabay hablot sa aking buhok.

Sinasabunutan na ako ni Mrs. Dela Sena at walang nakakaawat sa kanya.

Bigla naman lumapit sa akin si Sam. Ngunit ang buong akala ko na tutulungan ako ay isang malaking akala lang pala.

"Walang hiya kang babae ka! *pak* pinatay mo ang pinsan ko! Anong ginawa niya at bakit mo siya pinatay ha? Mabait ang pinsan ko na iyon!*pak*"

Bigla niya naman akong sinabunutan. Wala akong magawa kundi ang umiyak nalang habang sumisigaw ng 'wala akong kasalanan' ngunit ni isa ay walang nakinig.

"Kakasuhan kita walang hiya ka! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa anak ko!" Huling banta sa akin ni Mrs. Dela Sena bago ako tuluyan mawalan ng malay.

2 weeks~

Lumipas ang dalawang linggo na para akong patay na naglalakad sa mundo.

Hindi ako nakulong. I was judged as innocent.

Ang buong akala ko ay makukulong na talaga ako ng mahabang panahon.

During the trial, all I prayed is sana matapos na ang lahat. Hindi ko na kasi kayang makita na pinagkaisahan ako ng mundo.

Ang akala kong tunay kong kaibigan ay tinalikuran ako.

Wala akong karamay. Even my parents ignored me.

Ako lang mag-isa ang lumaban. Pero akala ko kaya kong mag-isa kaya ang lagi kong takbuhan ay ang Panginoon. Na sana manalo ang katotohanan.

And then the trial ends. My innocense prevail.

Laking pasasalamat ko sa Panginoon sa nasagot kong dasal. Akala ko doon na matatapos ang aking pangarap sa buhay.

Pero kong akala niyo tahimik na ang buhay ko. Nagkakamali kayo. Dahil hindi ako tinigilan ng mag-asawang Dela Sena.

Patuloy nilang sinisira ang buhay ko. Maraming pagsubok ang aking naranasan dahil sa kagagawan nila.

Akala ko pa nga ay hindi na ako makakapagtapos. Pero lumaban ako. Hindi ako nagpatalo sa kanila.

Isang taon na ang lumipas pero patuloy pa rin nila akong pinapahirapan.

Ang nangyari naman sa amin ni Jadeen? Ganun pa rin. Patuloy pa rin ako sa paghahabol sa kanya. Humihingi ng tawad sa kasalanan na hindi ko naman ginawa.

Kaawa-awa ba ang mga ginagawa ko? Pasensya na. Mahal na mahal ko lang talaga siya.

Hindi na ako nakatira sa pamamahay niya dahil pinalayas ako ng mga magulang niya. Laking tuwa nga ng ina ni Jadeen ng malaman nila na hindi pala kami tunay na ikinasal. Kaya ayun! Pinagtabuyan nila ako na parang hayop.

Ganun naman talaga ang mga tao diba? They judge others as what they tought they are. They just assume things in their own likeness.

Hindi na rin kami nagkakasama ni Sam. Iniiwasan niya ako na parang isang kriminal. Well, that's what she tought so.

I managed to live by my own endeavor. Nakayanan ko naman. Ngunit hindi ko yun magagawa kung wala ang aking inspirasyon. Kahit sa kabila ng ginawa nila sa akin ay patuloy ko pa rin siyang minamahal kahit sa malayo.

Ganyan kalaki ang pag-ibig ko sa lalaking yun. To the point na naging masokista na ako.

Hahaha! Nakakatawa lang ang buhay ko.

Namimiss ko na siya. Miss na miss.

"J-jadeen." Tawag ko sa kaniya sa loob ng isang bar.

Sinundan ko siya dito.

It's a deja vu.

Tinapunan naman niya ako ng tingin ngunit ng makilala niya ako ay biglang nag-iba ang timpla ng kanyang mukha.

Galit na galit!

Bigla naman itong tumayo at saka ako hinila palabas ng bar.

Hila-hila niya lang ako hanggang sa nakarating kami sa parking lot.

Nilapitan niya ang kanyang sasakyan at saka ito binuksan ang pintuan sa passenger's seat at doon ako pinaupo ng pabalibag.

Nasaktan ako sa trato niya sa akin but I dare not to let it show especially in front of him.

Bigla niya naman pinasibad ang sasakyan kaya dali-dali kong kinabit ang seatbelt.

Ang bilis ng takbo niya. Nakakatakot rin ang mukha niya.

Ang lakas na ng kabog ng puso ko kaya ipinikit ko nalang ang aking mga mata.

Pagkaraan ng ilang minuto bigla nalang tumigil ang sasakyan kaya naman iminulat ko na ang aking mga mata at doon nalaman ko na andito na pala kami sa bahay niya.

"B-bakit t-tayo nandito?" Utal kong tanong ko sa kanya.

"Kung hindi ka maparusahan ng batas. Pwes, ako ang paparusa sa'yo."

----

I Ran Away Pregnant(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon