Chapter 37

16.7K 220 10
                                    


HERA'S POV

Habang tumatakbo ang oras ay para ring tumatakbo ang puso ko. Kinakabahan ako sa bawat oras na lumilipas.

Mag-ga-gabi na at natatakot ako na baka hindi siya magising.

But I have to think positive.

Magigising si Jadeen. Babalikan niya ako. Babalikan niya kami.

"N-nanay?" Agad akong napatayo sa aking pagkaka-upo at saka lumapit sa higaan ni Kathena.

"Anak ko? Kumusta ang pakiramdam mo? Hah? Tell me anong masakit sa'yo?" I asked while holding her both little hands.

"Masakit po ang katawan ko, nay." She moaned because of pain. Gusto ko umiyak dahil nararamdaman ito ng anak ko. Sana ako nalang ang nakakaramdam sa mga sakit na nararamdaman niya ngayon. Kung kaya ko lang sana. But instead na umiyak ay ngumiti na lamang ako para lumakas ang loob niya.

"Just rest anak. Babalik rin ang lakas mo. You want to eat fruit?" Tumango naman siya sa tanong ko.

"Teka lang. Magbabalat muna ako." Agad naman akong nagtungo sa table na nilagyan ng mga prutas at kumuha ng apple at saka ito binalatan.

"Nay? How's tatay po?" Tanong ni Kathena na nagpatigil sa ginagawa ko.

I must not cry especially in front of our daughter. Dapat magpakatatag ako.

Nilingon ko siya at saka ngumiti.

"Don't worry anak. Natutulog pa rin ang tatay mo. Pero gigising na yun maya-maya lang. Just rest okay?" I assure her at saka bumalik sa pagbabalat.

Malapit na akong matapos sa ginagawa ko ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Kathena.

Agad naman akong napalingon para alamin kung sino ito at laking gulat ko ng pumasok ang hindi ko inaasahang bisita.

"Kathena apo! How are you?" Tanong ni Mrs. Dela Sena kay Kathena.

Napatanga naman ako sa eksenang nangyayari ngayon sa harapan ko.

"Grandma!" Bati naman ni Kathena kay Mrs. Dela Sena. "Masakit lang po ang katawan ko, grand! Where is grandpa?" Tanong naman ng bata.

Umupo naman ang matanda sa gilid ng bed ni Kathena at saka nito hinawakan ang kanyang kamay.

"I'm glad you're not in danger anymore. Your grandpa is out of the country right now. May ginagawa lang." Sagot naman ni Mrs. Dela Sena.

I rolled my eyes. Nasa piligro ang buhay ng anak niya pero nagawa pa ring unahin ang negosyo niya. Mga walang kwentang mga magulang.

Patuloy na nag-uusap ang dalawa kaya naman ay lumabas na ako ng kwarto. Nasusuffocate ako sa masamang hangin sa loob.

Pumunta naman ako sa kwarto ni Jadeen and as usual pinasuot ulit ako ng hospital gown at saka mask.

And as usual, automatic namang tumulo ang aking luha ng makita ko si Jadeen na nakaratay at maraming naka'kabit sa kanyang katawan.

"Jadeen? Gigising ka diba? Alam mo bang naunahan ka na ng anak mo? Gising na gising na siya. Kaya gumising ka na. Ku-kwentuhan mo pa ako kung bakit close na sila Kathena at ng mommy mo. Kaya gising na dyan."

Hawak-hawak ko lang ang kamay ni Jadeen. Hoping na sana makinig siya sa akin at gumising na.

Bigla namang may pumasok sa kwarto ni Jadeen at paglingon ko ay si Mrs. Dela Sena na naman.

Teka! Kung andito siya? Sino ang kasama ni Kathena ngayon?

"Dara, Samantha and her boyfriend is in her room right now." Bigla namang sagot ni Mrs. Dela Sena.

Nabasa niya ata ang expression ko kaya tumahimik na lamang ako at muling hinarap si Jadeen. Hindi ko siya pinansin. Ayoko siyang pansinin.

"We were ready to put you in jail. At alam ni Jadeen yun na kaya ka namin ipakulong kahit walang solid evidence. That's why pinuntahan niya kami sa bahay. The house that he loathed the most." Pagsisimula ni Mrs. Dela Sena sa pagku-kwento pero nanatili lang akong tahimik.

"He pleaded. He begged. Pero nagmamatigas pa rin kami. Then your daughter came in the way. Nagulat si Jadeen dahil hindi niya alam na sumama pala sa kanya si Kathena." Kwento niya na ikinagulat ko.

"She begged also with her father. Then I remember Jennica in her when we leave her. That's why we decided na itigil na ang lahat ng ito. They were so happy especially Jadeen. But I never thought that after with those ay meron palang kapalit. Sana pala ay hindi ko muna sila hinayaang umalis. They were so excited to tell you at that time. Hera, I don't want to lose another child. Gusto kong bumawi kay Jadeen." Pakiki-usap ni niya.

Wala akong masabi kaya iyak nalang ako ng iyak.

'Jadeen why? Kung kailan pala maayos na ang lahat eh nangyari pa to sa'yo. Please bumalik ka na sa amin.'

"Hera, gusto ko ring bumawi sa inyo ng apo ko. Please forgive us sa lahat ng ginawa naming paghihirap sa'yo noon at hanggang ngayon." Paghihingi niya ng tawad.

Napatingin naman ako sa kanya at nakitang sincere siya.

Ngumiti ako sa kanya.

"Pinatawad na kita Mrs. Dela Sena kaya sana po ay patawarin niyo na rin po ang sarili niyo." Wika ko.

Magsasalita pa sana si Mrs. Dela Sena ng bigla kaming makarinig ng dire-diretsong tunog.

Agad akong napatingin sa monitor sa harap namin at nakitang diretso na ang linya nito.

No!!

"JADEEN!! JADEEN!!" Pagsisigaw ko.

"DOC!! DOC!! TULUNGAN NIYO PO SI JADEEN!! DOC!!" Pagsisigaw ko.

"I'll go get the doctor." Wika ni Mrs. Dela Sena at agad na lumabas sa kwarto ni Jadeen.

"JADEEN! PLEASE!! STOP THIS!! COME BACK TO ME!! PLEASE WAG MO AKONG IWAN!! JADEENN!!!!"

"Ms. Santiago, please step aside." Utos ng doctor pero hindi ako nakinig.

"I want to stay beside him!! Please let him live!!! Doc!!!" Pinagtutulungan na ako ng mga nurse para ilabas doon sa kwarto.

Yinakap naman ako agad ni Mrs. Dela Sena ng magtagumpay sila sa paglabas sa akin.

"JADEEEEEEEENNNNNNNNNN!!!!!!"

---

I Ran Away Pregnant(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon