HERA'S POV
It's been a month since what happened in the parking lot. Pagkatapos niya kasi akong sumbatan ay pinalabas niya ako sa kotse saka niya pinaharurot yung kotse niya paalis.
Isang buwan na pala ang lumipas ng sinabi ni Jadeen na ikakasal na kami sa kagustuhan ng kaniyang mga magulang upang iwas skandalo sa pangalan ng kanilang pamilya.
Jadeen's parents' reputation is very significant to them. Kilala kasi ang kaniyang ama sa larangan ng negosyo, being a noble and responsible man. Being well-known as a man of his words. His father owned big companies not just here in the Philippines but also outside the country. His father is also a well-known business tycoon in the whole wide world. While his mother was a famous model but now she's an owner of a famous fashion industry located in Germany.
In short, ang mga magulang ni Jadeen ay respetado hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo because of their fame in their field.
But I never saw them once dahil daw nasa Germany sila. Doon na nanatili ang mag-asawa sa loob ng isang dekada at higit pa dahil ata sa trabaho nila.
At naiwan naman dito sa Pinas si Jadeen at ang kanyang bunsong kapatid na babae na si Jennica.
Nakita ko na si Jennica since lagi siyang nagpupunta dito sa bahay ni Jadeen everytime she has a free time or bored siya sa bahay na tinitirhan niya. Close na nga kami ng batang yun eh.
Jennica is just 12 years old but never pa niyang nakita ang kanilang magulang simula ng magkamuwang siya.
They left Jennica here in the Philippines ng dalawang taon pa lamang ito.
Nalilito na ba kayo sa sinabi ko?
Ako nga rin eh. Nalilito na rin sa sitwasyon namin ni Jadeen.
Very complicated.
Ano nga ba ang nangyari after sabihin ni Jadeen na ikakasal kami sa parking lot?
Umalis ito at iniwan nga ako sa parking lot. But on the next day, sinundo niya ako sa tinitirhan ko at ikakasal na daw kami.
But the real thing was hindi kami talaga nakasal ni Jadeen -_______-
Sayang!
Jadeen deceived everyone including his parents. Pinalabas niya na nagkaroon kami ng civil marriage. Pero ang totoo ay wala naman talagang kasalan na nangyari.
Ang galing niya kasing gumawa ng kwento eh. Napaniwala niya lahat.
But to deceived them completely we must act like a married couple do.
As a result, nakatira na ako sa bahay niya!
Oh diba? Worth it pa rin!!
Dream come true na rin to!! Kasama ko na siya sa isang bubong. Pwedeng-pwede ko nga siya gapangin eh!
Hahaha! Joke lang!
PERO T_______T
Lagi namang wala dito sa bahay si Jadeen. Lagi na lang akong naiiwang mag-isa dito sa malaki niyang mansyon. Kaya hindi ko rin siya magapang!
Ewan ko ba kung san yun nagpupunta.
Last week ko pa nga siya last nakita eh!
Ang saklap lang ng layp diba? Huhuhu T____T
"Bes! Wag ka ng malungkot. Kapag maka-uwi na siya, grab the oppurtunity ka na agad! Gapangin mo na para hindi na makaalis ulit okay?" Pag-aalo ni Sam sa akin na ibinuntong hininga ko na lang.
Nandito kasi siya sa bahay ni Jadeen binibisita ako.
Since she's my beshprend, syempre alam niya ang ganap sa napaka saklap kong layp.
Haay.
Buti nalang I have a friend like her.
"Ate Sam? Bakit naman po gagapangin ni Ate Hera si Kuya?" Inosenteng tanong ni Jennica.
Kasama kasi namin siya ngayon habang nag-me-meryenda sa garden.
Napatawa naman kami sa inosenteng tanong ni Jennica.
"Kasi Nix, laging umaalis si Kuya mo sa bahay eh. Laging naiiwan dito ang ate Hera mo. Kaya para hindi na makaalis, gagapangin nalang niya para walang takas---AAWWW!" Daing ni Sam matapos niyang makatanggap ng kurot sa akin.
"Aray bess ah! Ang sakit ng kurot mo!" Reklamo naman niya sa akin sabay tingin ng masama.
"Manahimik ka nga! Kung ano-ano pinagsasabi mo sa bata. Inosente siya, wag mong pinaghahawa yang ka lumutan ng utak mo." Wika ko sa kanya.
Ngumuso naman ang huli habang haplos pa rin ang nakurot niyang braso.
"Nagtanong eh. Alangan namang hindi ko sagutin no." Sagot naman nito.
"Haay naku! Mabuti pa ay puntahan mo nalang yung boyfriend mo at sa kanya mo i-share yang pagka green mo." Wika ko sa kanya pagtutukoy sa kanyang boyfriend na si---.
I forgot his name. Hahaha! Once ko pa kasi yun nakita at nakilala eh.
"Sige! Ganyan ka naman eh! Makaalis na nga! Bye baby Jennica! Babye bruhang Hera! Hahaha!" Pamamaalam nito sabay takbo palabas ng bahay.
Napailing nalang ako sa kakulitan ng beshprend ko.
"Ate? You really love kuya Jadeen ano?" Tanong bigla ni Jennica sa akin.
Agad naman akong napalingon dahil sa sinabi niya at saka napangiti.
"Very. During our fifth grade ko siya unang nakita. And believe me or not? Na-love at first sight ako sa kanya. He's just so cool kasi!" Kwento ko while reminiscing those days.
"You're right. Cool talaga si kuya. Kaya nga idol ko yun eh! Hehe." Wika naman nito.
Napatitig naman ako sa kanya at biglang naka-feel ng awa.
Sa murang edad ay napilitan si Jennica na magpaka-mature dahil wala ang kalinga ng kanyang mga magulang. Meron ngang kuya pero lagi namang hindi makasama.
Jennica is living in their parents' house with just the maids' accompany.
Laging mga katulong lang ang kasama ng batang ito. Pero kahit kailan hindi ko pa narinig na mag-reklamo.
Base na rin sa kwento ni Manang Rosie, ang pinakatitiwalaan ni Jadeen dito sa bahay niya na naka-close ko na dahil nga sa feeling close ako eh, ay hindi pa daw niya narinig si Jennica na nagreklamo kung bakit wala ang mga magulang niya sa kanilang bahay.
Napakatapang at napakamaunawain na bata si Jennica. She's also smart to know things on her own.
I wish I can be with her forever. I want to take care of her.
"Alam mo ate? Botong-boto ako sa'yo para kay kuya. Ayoko doon sa ex niya na si Ate Chelsea. Masyado kasing maarte. Buti nalang at ikaw ang pinakasalan ni Kuya Jadeen." Wika niya na nagpabalik sa akin sa realidad.
Napangisi naman ako sa sinabi niya.
"Mas maganda ba ako doon sa Chelsea na yun?" Tanong ko while wiggling my eye brows.
Napatawa naman ito sa hitsura ko kaya naman ay napangiti ako.
"Of course ate. Ikaw, kahit walang make-up ay maganda pa rin. Pero yun? Magic of the make-up lang nagpaganda doon eh. Hahaha!" Wika nito na ikinatawa ko.
"Alam mo? Mapanglait ka rin ano? Lika nga dito. Nanggigigil ako sa'yo!" Sabi ko sabay kiliti sa kanya.
Panay naman ang iwas nito sa pagkikiliti ko kaya naman napuno ng halakhakan ang buong garden dahil sa kulitan namin.
Natigil lamang ang kulitan naman sa pagdating ni Manang Rosie.
"Mga hija! Andito pa ang meryenda!" Pag-aanunsyo naman nito sa panibagong meryenda.
"Wow! Manang! Papatabain niyo po ba kami?" Pagbibiro ko.
"Hahaha. Naku anak! Dapat lang dahil ang papayat niyong dalawa." Pagsasabay naman ni Manang sa amin.
"Hahahaha! Nana Rosie! Maganda pa rin naman kami eh!" Wika naman ni Jennica na siyang ikanatawa naming lahat, kaya ay napuno na naman ulit ng tawanan ang garden.
----
BINABASA MO ANG
I Ran Away Pregnant(COMPLETED)
RomanceShe loved him so much leaving nothing for herself. She's been very desperate to make him love her back. To reciprocate her one-sided love. But what if she'll grow tired of it? Grow tired of loving him? Would the world turn upside down? What will hap...