Chapter 4

30.5K 528 4
                                    

Kinabukasan

HERA'S POV

Maaga akong natulog kagabi para hindi  ko na masyadong isipin ang nangyari kagabi.

Buti naman at pinatulog ako ng mga pangyayari.

Haay. Umaga na kaya bumangon na ako. Matamlay akong nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto.

Maaaring alam na niya na anak niya si Kathena.

Sa yaman niya? Imposibleng hindi.

Pero kung alam niya talaga, anong gagawin ko?

Baka kunin niya ang anak ko.

Hindi to maari!

Ayoko!!

"Nay!" Napaigtad ako sa gulat dahil sa sigaw ng anak ko sa likuran ko.

Nagulat ako sa pagdating ni Kathena.

"Wag ka nga manggulat Kathena." Reklamo ko.

"Hindi naman kita ginulat nay ah. Tinawag lang kita kasi may tao. Tigilan mo na nga yang pagkakape mo nay. Hahaha". Pang'iinis ng anak ko sa'kin.

"Ah ganun ah! Halika nga dito." Utos ko sa kanya. Ngumisi naman ang bata.

"Ayaw ko po nay. Hehe." Sagot niya habang dahan-dahan namang naglakad ng paatras.

"Hindi. Lika dito. Lapit ka." Sabi ko naman with hand gesture na pinapalapit siya.

"Hihihihi. Si nanay. Joke lang po yun eh." Sagot naman niya.

Nang malapit na siyang makalabas sa kusina ay agad ko siyang hinabol.

"Kyaaaahhhh!!!! Nay naman eh!! Hahahaha!!" Sigaw ni Kathena habang hinahabol ko.

"Hahahaha!! Halika ka nga kasi!" Habol ko pa rin sa kanya.

Nandito lang kami sa kusina, paikot-ikot na naghahabulan.

"Ayaw ko po. Kikilitiin mo na naman ako eh! Kyaaahh!!" Sigaw niya ng muntik ko na siyang maabutan.

Pero agad itong tumakbo palabas ng kusina at tumakbo papuntang sala.

Kaya agad ko naman itong sinundan ngunit napatigil ako sa paghabol ng makilala ko kung sino ang nasa loob ng kanilang pamamahay.

Ito ba ang sinasabi ni Kathena na may tao?

Napatigil rin naman si Kathena at tiningnan niya ang tinititigan ko.

"Hala po mister stranger. Bakit po kayo pumasok? Diba sabi ko po maghintay lang po kayo sandali sa labas at tatawagin ko lang si nanay? Hindi ko po kasi kita kilala kaya hindi muna kita pinapasok." Mahabang litaniya ni Kathena.

Napangiti ako sa inasta nito. Parang matanda kong magsalita lang eh.

"Oh. Sorry baby girl. I just heard someone screaming inside your house. Akala ko ano na ang nangyari. Nagkukulitan lang pala kayo ng nanay mo. Sorry again." Paghihinging paumanhin ni Jadeen sa anak ko na anak rin niya.

Oo. Si Jadeen ang nasa bahay ko.

"It's okay lang po Mister. Para namang kilala mo ang nanay ko. At parang kilala ka rin po niya." Sabi ni Kathena.

Wait. How did she know na kilala ko ang lalaking ito? Eh hindi ko naman kinakausap si Jadeen.

"How did you know na kilala ako ng nanay mo?" Jadeen asked.

Okay good question. Tinignan ko si Kathena at hinintay kung anong sagot niya.

"Kasi po nagulat po siya ng makita ka niya. Therefore, I conclude that she recognizes you po." Sagot ni Kathena.

Ganun? Assuming din tong anak ko.

"Ganun ba little girl? You're such a keen observer. Yes. Tama ka. Kilala nga ako ng nanay mo. In fact, kilalang kilala niya ako." Jadeen said while staring at me deeply.

Ano na naman problema nitong gagong to?

"Ah. Okay po. Nanay!" Tawag sa akin ni Kathena.

"Punta muna akong kusina. Nagugutom na kasi ako eh." Kathena said beamingly.

Ngumisi nalang ako ng pilit kay Kathena.

Kaya nagsimula na itong naglakad patungong kusina.

"Manang mana sa'yo ang anak natin." Jadeen suddenly commented while staring at the door where Kathena exited.

Ito na naman!!

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Hindi mo nga siya anak. Anak ko lang siya." I said firmly.

"Then where's her father?" He responded coldly.

"I don't know and I don't care." I lied. Good thing I did not stutter.

"Tss. Liar. I know everything Hera. Everything." He said.

"So what? Akin lang siya! Hindi siya mapapasayo!" I said angrily.

"How selfish you are! You didn't even informed me that we had a child. With your selfishness I will do everything para mapasaakin siya. Kukunin ko si Kathena mula sa'yo dahil anak ko rin siya! Anak natin siya! You can't change the fact that I'm her father!! At kung magmamatigas ka pa, hinding hindi mo na siya makikita!!" He angrily shouted.

"Nanay??"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaba nang marinig ko ang maliit na tinig na yun mula sa likod ko.

No! It can't be!

Napatakbo ako palapit sa anak ko na ngayon ay nakatayo sa hamba ng pintuan ng kusina namin.

"Anak! Kathena! W-why are you here?" Tanong ko sa anak ko na namamasa na ang mga mata.

Nagsimula ng tumulo ang mga luha nito kaya napa-iyak na rin ako.

"Is he my tatay? Nay?" She asked.

"YES baby girl. Ako nga." Sagot ni Jadeen na nakalapit na pala sa amin ngayon at nakaluhod malapit kay Kathena.

"I am not asking you mister stranger. I am asking my nanay." Sigaw ni Kathena.

Umiyak na ako ng todo dahil sa sinabi ng anak ko sa kanyang ama.

"Dammit!! Hera!!" Jadeen frustratingly said sabay tumayo at dumistansya sa amin.

Napayuko na lamang ako sa sinabi ni Jadeen.

Sumisikip ang dibdib ko dahil ramdam ko ang hinanakit ni Jadeen ngayon.

"NAY!!" Sigaw ng anak ko sa akin.

"OO ANAK! Siya nga ang tatay mo." Humagulhol na ako ng iyak pati na rin si Kathena.

Bumitiw sa akin ang anak ko at dahan-dahang lumapit sa ama niya.

"Tatay! Sorry po. Huhuhuhuhu!!" Kathena said then hugged her father.

"It's okay baby girl. It's okay." Jadeen said as he hugged Kathena back.

Napaiyak pa ako dahil sa scenaryong nasa harap ko.

Alam kong matagal ng gustong makilala ni Kathena ang ama niya.

Pero hindi niya lang ito sinasabi sa akin dahil natatakot siyang masaktan niya ako.

She's been longing to have a father and I've been very selfish para ipagkait ko sa anak ko iyun.

Ngayon na nakilala na niya ang ama niya.

Baka iiwan na niya ako at sumama sa kanya.

---

I Ran Away Pregnant(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon