Chapter 28

14.9K 271 7
                                    

JADEEN'S POV

"Where is she?" Diretsong tanong ko kay Samantha.

"In Japan, with her family. Family's business is there. Nakita siya ng classmate namin sa Japan  when she was having a vacation there. Unexpectedly, sa hotel nila Hera siya nag-stay and there nakita ng classmate namin si Hera and they take a photo together then our classmate post it online. Here, take a look at this."

Agad naman akong lumapit kay Sam at kinuha ang cellphone niya. Tinignan ko ang litrato and it's indeed true. Si Hera nga ito.

I handed immediately the phone back to Samantha.

"Thanks Sam. I have to go." Wika ko at agad umalis ng bigla niya akong pigilan.

"Pauwiin mo na si Hera. Babatukan ko pa yun eh." Nakangiting wika nito.

"Of course. Bubugbugin ko pa yun eh."

"ANO??" Galit na sigaw nito sa akin na nginisihan ko lang.

"Bubugbugin ng pagmamahal."

"My gad! Corny mo! Umalis ka na nga!" Taboy nito sa akin.

Napatawa nalang ako sa reaction ni Samantha at dali-dali ng umalis.

I fished my phone in my pocket and called my secretary.

First ring pa lang ay sinagot na agad.

"Book me a flight to Japan today and cancel all my appointments for a week." I commanded and ended the call immediately without waiting my secretary's response.

---

HERA'S POV

"Andito ka lang pala."

Napalingon ako sa likuran ko kung saan galing ang boses.

"George! H-how did you know that I'm here?" Tanong ko kay George.

"Jadeen's looking for you everywhere. Dito ka lang pala nagtatago. Hahaha." Tawa nito.

George is Jadeen's friend way back in college. Barkada niya ito kaya alam niya rin ang lahat ng nangyari noon. Naging kaibigan ko rin siya dahil sa kahibangan ko kay Jadeen noon.

FLASHBACK

"You're stalking him again." Wika ng isang baritonong boses sa likuran ko.

Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

"Shete! Nakakagulat ka naman." Wika ko habang hapo pa rin ang dibdib ko.

"Oh! Did I? Sorry to startle you. Hahaha!" Amused na saad nito sa akin.

Amused? Mukha ba akong clown? Tsh.

"Pero teka. What do you mean na 'I'm stalking him again' eh ngayon mo pa lang ako nakita?" Takang tanong ko naman sa lalaking nasa harap ko.

"At saka sino kaba?" Ulit na tanong ko.

Feeling close lang kasi ang lalaking to kung makipag-usap sa akin eh.

I Ran Away Pregnant(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon