Chapter 32

13.7K 244 5
                                    


JADEEN'S POV

"Did you just yell at me Jadeen Dela Sena? Huh?" Mom faced me with an anger evident in her face.

"Stop it!" I once said then faced Hera.

"You should go. It's fine. Susunod ako." Utos ko na agad naman sinunod ni Hera.

I starred at the way where Hera had been taking. When they're already lost in my sight I immediately face my parents who's been sitting comfortably at the sofa. But I focused my attention to the woman beside them.

"What are you doing here?" Kalmada kong tanong kay Chelsea.

Tumayo naman ito at saka lumapit sa akin. I was taken aback when she hugged me abruptly. Kaya naman ay natulak ko ito accidentally.

Nagulat naman ito sa ginawa ko pero agad naman nakabawi kaya inayos niya ang kanyang damit at saka tumikhim.

"You just pushed me. Noon hindi ka naman ganyan." Malungkot na wika ni Chelsea.

Napabuntong hininga ako.

"Look, I'm sorry nagulat lang ako. Bakit ka ba nandito?" I asked.

Tumayo naman si mommy at saka lumapit sa amin.

"Son. She's you're fiancee from now on. Magpapakasal na kayo." She announced.

"You're kidding mom right? I'm not marrying her!" Nawala naman ang ngiti ni Chelsea dahil sa sinabi ko at mas lalong umasim ang mukha ni mommy dahil sa sinabi ko.

"At sino naman ang pakakasalan mo? Don't tell me yung babaeng mamatay tao na yun? Wake up Jadeen! She killed your little sister!" Sigaw naman ni mommy.

"She's brainwashing you Jadeen para bumalik ka lang sa babaeng yun." Dugtong naman ni Chelsea.

"SHUT UP BOTH OF YOU!!!"

*BOOGSH*

"JADEEEN!"

HERA'S POV

Naglakad na ako papunta sa kwarto ni Kathena noon. And I am shocked as I look around. Ganoon pa rin ang hitsura noong umalis kami.

He's been waiting for us.

Jadeen.

Pinahiga ko si Kathena sa kanyang kama dahil nakatulog bigla ito malamang dahil sa kakaiyak kanina.

Bakit nga ba ito umiyak? Ano bang nangyari?

Gusto kong tanungin si Kathena sa nangyari pero ayoko naman siyang gisingin sa pagkakatulog niya.

Hinalikan ko ang kanyang noo at saka pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi.

"Anak ko. Wag kang mag-alala. Maayos din lahat ng kaguluhan na ito."

Bumalik ako sa kinaroroonan nila Jadeen at ng kanyang magulang. But I'm still wondering kung bakit pati si Chelsea ay nandito rin sa mansyon.

Malapit na ako sa living room ng marinig ko ang kanilang pinag-uusapan.

Alam ko masama makinig sa pag-uusap ng iba pero hindi ko magawang hindi makinig dahil feeling ko ay may importante silang pag-uusapan na kailangan kong malaman.

"Son. She's you're fiancee from now on. Magpapakasal na kayo." Jadeen's mother announced.

Sino? Si Chelsea?

Biglang sumikip ang puso ko sa narinig.

"You're kidding mom right? I'm not marrying her!" Galit na giit ni Jadeen.

"At sino naman ang pakakasalan mo? Don't tell me yung babaeng mamatay tao na yun? Wake up Jadeen! She killed your little sister!" Sigaw naman ng mommy niya.

"She's brainwashing you Jadeen para bumalik ka lang sa babaeng yun." Dugtong naman ni Chelsea.

Brainwashing? WT!

"SHUT UP BOTH OF YOU!!!" Malakas na sigaw ni Jadeen.

*BOOGSH*

Lumabas ako sa pinagtataguan ko ng marinig ko ang malakas na suntok na yun at laking gulat ko ng makitang naka-upo si Jadeen sa lapag habang hawak ang ang kanyang putok na labi malamang dahil sa malakas na suntok na iyon galing sa daddy niya.

"JADEEEN!" Sigaw ko kay Jadeen at saka dali-daling lumapit.

Napaupo naman ako sa tabi ni Jadeen para tulungan ito.

"Don't shout at your mother! She's still your mother!" Mr. Dela Sena said.

Napatawa naman si Jadeen. I don't know kung dahil ba sa ginawa ng kanyang ama o dahil sa sinabi niya.

Bigla naman itong tumayo kaya napatayo na rin ako.

"Mother?" Jadeen said sarcastically.

"Don't be sarcastic to us Jadeen or else." Mr. Dela Sena dangerously said.

Ayan na naman yang 'or esle' na yan eh. Nakakatakot! Pero hindi ito pinansin ni Jadeen.

"Mother huh?" Hinarap naman niya ang kanyang ina. Nagulat naman si Mrs. Dela Sena dahil sa inakto ng anak.

"Kailan ba siya naging ina sa akin? Sa kay Jen--"

*BOOGSH*

"JADEEN!" Sigaw ko ulit dahil sinuntok na naman ulit ni Mr. Dela Sena si Jadeen but this time nakatayo pa rin ito.

"Bakit Dad? Why are you punching me? Masakit ba pakinggan ang katotohanan?" Wika ni Jadeen.

Susugurin na sana ulit ni Mr. Dela Sena ang anak ng bigla ko itong hinarangan.

"Do you want to get punched?" Galit na wika ni Mr. Dela Sena.

"Tama na po." I started sobbing." Jennica would never like this." Dugtong ko.

"You! Shut up!" Nagulat naman ako ng bigla akong sugurin ni Mrs. Dela Sena at sinabunutan.

"Kasalan mo bakit namatay si Jen!" Sigaw rin ni Chelsea at saka sumali rin sa pagsabunot sa akin.

"Mom! Stop it!!" Lumapit naman sa amin si Jadeen at saka hinila ang mommy niya pati si Chelsea.

"TAMA NA!!!" Malakas na sigaw ko. Kaya naman nahinto sila sa pagsabunot sa akin.

"WHY ARE YOU ACTING LIKE THAT? DO YOU THINK MAGUGUSTUHAN TO NI JENNICA? ITONG MGA GINAGAWA NIYO? HINDI! HINDI NIYA TO MAGUGUSTUHAN! But... But at the end of the day...*sobs* hindi niya pa rin kayang magalit sa inyo. ALAM NIYO BA KUNG BAKIT? Dahil kahit iniwan niyo siya sa murang edad. Kahit hindi niya naranasan ang kalinga ng isang magulang, ng isang buong pamilya,... MAHAL NIYA PA RIN KAYO!KAHIT LAGI NIYANG TINATANONG SA SARILI NIYA KUNG BAKIT NIYO SIYA INIWAN, KAHIT NA LAGI SIYANG NALULUNGKOT AT NAG-IISA, AY MAHAL NA MAHAL NIYA PA RIN KAYO! Pero lahat tayo may limitasyon... sa batang edad ni Jennica pinilit niyang mag-isip na parang matanda... sa murang edad niya... nagpaka-mature siya at sinarili lamang ang lungkot... pinakita niya sa mga taong nasa paligid niya na masaya siya...pero *sobs*---"

"TAMA NA!!!!" Sigaw ni Mrs. Dela Sena habang umiiyak pero hindi ako nagpapigil.

"NO! KAILANGAN NIYO TONG MARINIG! KAILANGAN NIYONG PAGDUSAHAN ANG GINAWA NIYO! DAHIL PATI AKO PINAGDUSAHAN KO RIN ITO. DAHIL HINDI KO NAPANSIN ANG MGA KARGA-KARGANG PROBLEMA NI JENNICA! HINDI KO NAIPARAMDAM SA KANYA NA NANDITO LANG AKO LAGI PARA SA KANYA. DAHIL NABULAG AKO SA PAGMAMAHAL SA TAONG MAHAL KO NAKALIMUTAN KO ANG ISANG TAO'NG MAHALAGA RIN SA AKIN!" I cried so much.

Bigla akong niyakap ni Jadeen kaya mas lalo akong napaiyak.

Rinig ko rin ang hagulhol ni Mrs. Dela Sena habang yakap-yakap ni Mr. Dela Sena.

We haven't moved on yet.

---

I Ran Away Pregnant(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon