RK 1

107 2 0
                                    

Dahan dahan ibinaba ni Mateo ang hawak na phone at napaupo sa isang sofa.

Napahilamos sya sa mukha at tulala na napatingin sa kawalan.

"Congratulations sir! Babae po ang anak nyo."

Masayang bati ni Russel na assistant nya over the phone.

Nasa Spain sya ng mga sandaling yon for business trip at para dumalaw na rin sa isang kaibigan.

"How's Lorena?"

Iyon agad ang una nyang naisip itanong.

Hindi nya napansin ang ibinalita nito sa kanya.
Hindi nga nya natandaan kung babae ba o lalaki ang anak nya na sinabi nito.

Ang iniisip nya kaagad ay ang asawa nya.

Ang mahal nyang asawa.

Hindi pwedeng magbuntis ang asawa nya pero nagpumilit ito para magkaroon sila ng anak.

Dapat ay hindi pa ito manganganak.
Sa isang buwan pa.

"Sir.. she passed away pagkalabas ng anak nyo."

Nanginginig ang mga tuhod nya.
Hindi nya alam kung saan sya humuhugot ng lakas para kayanin ang lahat.

Ang anak nya..
kawawa naman.
maaga silang iniwanan ng asawa nya.
Paano na sila ngayon?
Paano nya papalakihin ang anak ng mag isa?

"Mateo.."
Lapit ni Mhiakha sa kanya.

Hindi sya nagsalita.
Hindi rin ito nagtanong.
Kabisado na nila ang isa't isa.
Niyakap sya nito ng sobrang higpit habang haplos ang likod.

Nakatingin naman sya sa mahimbing ang tulog na baby.
Nasa one year old na ito pero ang anak nya.
Naalala na naman nya ang munting anghel nya.

"You are lucky kasi kasama mo ang mommy mo. Someday magkakakilala rin kayo ng anak ko."
Sa ngayon kasi alam nyang hindi pa pwede at impossible.

Walang pwedeng makaalam ng tungkol kay Mhiakha.

Nakasalalay sa kanya ang kahihiyan nito.

Ayaw nyang pag usapan ito.

Hindi pa nya nakakausap sila Eliza at Martin tungkol dito.

Si Julian naman ay abala sa project nito sa bayan ng San Andres.

Siya lang ang maaasahan ni Mhiakha.

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon