Ang haba na ng nilakad nila pero hindi parin sila tumitigil sa kakalakad si Alvarez.
Ang sakit na ng paa nya pero nang maalala nya kung saan sya nito dinadala ay lumakas ang kabog ng dibdib nya.
Palagi silang nagpupunta dito ng binata nung kabataan nila.
Madalas sila magpicnic at mamasyal.
Sa dulo ng bahagi ng Hacienda may malawak na lupain at magagandang damo na inuupuan nila dahil sa sobrang linis.Palagi sila naglalaro dito noon at nagpapalipas ng oras.
Bakit dito sya dinala ng binata?
"Sandali.."
Sabi nya na hinihingal.Gusto nya itong tanungin pero naunahan sya nito.
Nilingon sya ng binata."Ano pa bang gusto mo? Pumayag na ang papa mo na ibenta ang hacienda?"
Napalunok sya.
So ito ang pag uusapan nila?
Na parang masama ang loob nito na inaaway nya yun bibili ganun ba?"Wala akong tiwala sa kanya. Hindi ko ibebenta ang hacienda." Matigas nyang sagot at wala syang pakialam kahit magalit pa ang binata.
Basta sya ang masusunod.
Napabuga ng hangin si Alvarez at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.
Parang nahihirapan itong tignan man lang sya."Nangako si Miss Smith na wala syang babaguhin sa Hacienda at hindi nya kami tatanggalin."
Inis syang napairap rito. "Wanna know why?"
Kasi ikaw lang ang habol nya. Paano ka makakasiguro na hindi nya babaguhin ang hacienda? Move on Alvarez? Bakit naman sya bibili ng malaking property na hindi nya papakinabangan?
Lahat yan sinabi nya sa binata.
Hindi nya napigil ang sarili nya na sabihin ang lahat rito.
At naramdaman nyang sobrang nalungkot ito."Kapag nangyari yon.. pwede na kita kalimutan."
Natameme sya sa sinabi nito lalo na nung maiwanan sa ere ang karugtong na kasi ay lahat ng mga magagandang alaala nila nabura na.
Wala na itong dahilan para alalahanin pa.
Wala na itong babalikan pa.
Kahit saan daw ito lumingon sa hacienda sya lang ang naaalala nito.
Hindi na nya nagawang sagutin ang sinabi nito.
Wala naman syang magandang sasabihin pero nang tatalikuran na sya nito ay niyakap nya ito sa likuran nito.
Wala syang sinabing kahit ano.
Wala rin itong sinabi sa kanya.
Nang humarap ito sa kanya.
They kiss.
BINABASA MO ANG
The Heir
RandomBessy Marias Oath.. I am the only heirs of Hacienda! And I hate it. I love to Travel. I love Food I love to Swim. I love my Friends because they are my Family. I don't have siblings I love sports but sometimes I'm not sporty. I love to fix things to...