Saglit nawala sa isip ni Regina si Alvarez dahil kinailangan nilang lumuwas kasi nakauwi na si Jessica ng Pilipinas.
Ang problema naman habang nasa byahe sila papuntang Hospital ay quota na naman sya sa dalawa dahil sa naging usapan nila ni Alvarez.
Kinakampihan nila ito kasi may dahilan naman daw pala ito para hindi sabihin ang totoo sa kanya.
Hindi nalang sya masyadong kumibo dahil wala sya sa mood makipagtalo.
Kung ang iniisip ni Alvarez ay baka mawala ang pagkakaibigan nila sana pinigilan nalang nito ang nararamdaman nito dahil alam naman na pala nito na ganito ang mangyayari.
Bakit parang sya yun masama? Nakakainis na.
Pagdating sa ospital ay kumpleto ang pamilya ng kaibigan sa loob ng kwarto ng daddy nito.
Maraming press sa labas kaya bantay sarado ang kwarto.
Naroon pa nga si Jim at Precious na nakaupo sa gilid.
Galit si Miss Mhiavee nang abutan nito ang dalawa dahil sinisisi nito si Precious at Jim sa nangyari sa kanila pero nang umawat si Jessica at sinabing hindi na maibabalik ang lahat kahit magsisihan sila ay tumahimik agad ito na nakakapagtaka.
Hindi nya alam kung dahil sa ilang buwan nalang ay manganganak na si Precious or si Jessica na ang bagong apple of the eye ni Miss Mhiavee kaya pinapakinggan nito.
Ang sabi ng kaibigan ay malaki ang ipinagbago ng ina nito pero dahil alam na nila ang totoo ay hindi nalang sila kumibo kasi alam nilang masaya ang kaibigan at ayaw nila itong masaktan.
Nakakakunsensya nga lang.
Hindi sila ang tamang tao para magsabi sa kaibigan kung ano ang nalaman.
Baka tama ang papa nya na alam na nito ang totoo at ayaw lang nito na kumpirmahin ang katotohanan.
Pinili nalang nila manahimik.
Sa condo na sya tumuloy pagkatapos nilang dumalaw dahil pakiramdam nya ilang araw na syang toxic sa hacienda.
Okay na sila ng ama kaya lang naguguluhan sya.
Gusto nya makapagrelax at babalik din naman sya.
Pagsakay nya ng elevator.
Nakasabay nya si Yael.
Noong una ay hindi sya nito nakita pero nang malipat ang mga mata nito sa kanya ay nakangiti ito sa kanya.
"Hey.. Regina? Right?"Gumanti sya ng bati rito.
Pakiramdam nya ay namumula sya ng mga sandaling iyon.Paanong hindi?
Naalala sya ng crush nya.
Achievement yon!
BINABASA MO ANG
The Heir
RandomBessy Marias Oath.. I am the only heirs of Hacienda! And I hate it. I love to Travel. I love Food I love to Swim. I love my Friends because they are my Family. I don't have siblings I love sports but sometimes I'm not sporty. I love to fix things to...