RK 38

18 1 0
                                    

Hapon na sila nakarating ng Hacienda dahil nag-foodtrip pa sila sa nadaanan.
Simula nga nang magkita sila kanina ay hindi na sila naubusan ng pictures.

Pagpasok ng RV sa loob ng Hacienda ay nakahilera na naman ang mga katulong. Siguro nagsabi ang papa nya na darating sila kaya naghanda ang mga ito.
Agad nyang nakita si Alvarez na nakatabi sa mga nakatayong kasambahay.

"Naks.. lakas makapalasyo ng bahay nyo bessy.. tapos ikaw yun prinsesa.. how to be you po?"
Biro sa kanya ni Jessica na humahanga sa buong mansyon.

Maski si Jim ay hindi maiwasan na hindi mapatingin sa paligid.
Sabi nga nito ay sakto na hindi uuwi si Precious sa kanila kaya makakapag- bakasyon sya.

Pagbaba nila ay napansin nyang malungkot ang mga kasambahay nila.
Hindi na nya kailangang magtanong dahil alam na nya kung bakit.
Wala syang mukhang maiharap sa mga ito.
Magalang silang binati ng mga ito.

"Woah. Ilang empleyado ang meron kayo?" Hindi napigilan ni Jim ang magtanong.

Napakibit sya ng balikat kasi hindi nya alam kung ilan.
Pero laking gulat nya nang sagutin ni Krizzie.

"Meron silang twenty sa mansyon.. guards, steward, maids, laundry maids, gardener at si babe." Akbay nito kay Alvarez saka sya kinindatan. Nahiya tuloy ang binata kaya sinimangutan nya si Krizzie.

Napasinghap sila Jim at Jessica na napatingin sa kanya.
Kinunutan nya ng noo ang mga kaibigan kaya nagtawanan ang mga ito.
Pinagtitrippan na naman sya ng mga ito.

"Marami daw kasi sila tito Mateo na animals sa farm at kailangan din nila ng magsasaka so over all meron silang two hundred eighty na empleyado kasama yun mga nasa bangko." Kwento ni Maggie.

Natameme sya.
Sya yun anak ng may ari ng hacienda at tagapagmana pero wala syang kaalam alam sa mga empleyado nila.
Wala syang kamalay malay na ganun na karami ang mga nabigyan ng trabaho ng papa nya.

Sa pagkakaalam nya lahat ng mga empleyado nila sa bangko ay mga taga rito rin sa kanila.

Sobrang kahanga hanga talaga ang ama.



The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon