RK 21

20 1 0
                                    

Lumuwas ang ama kinabukasan kaya nagkaroon sila ng pagkakataon na pumasok at malayang maghanap sa office ng papa ni Regina.

Muli nyang kinuha ang lumang photo album na nakita nya.

"Nakakahiya sa papa mo yun ginagawa natin Regina!" Bulong ni Maggie. "Ang bait pa naman nya samin."

"Oo nga naman..para ka talagang baliw." Ismid ni Krizzie.

She rolled her eyes.
"May ipapakita lang ako sa inyo! That's all."

Pagkasabi non ay hindi na sya nag aksaya ng panahon.
Muli nyang hinanap ang picture.

Nang makita nya iyon ay iniabot nya yun sa dalawa habang sya naman ay tinignan ang mga kasunod na picture.

Si Don Martin, katabi nito ang papa niya na hawak ang isang baby at sigurado sya na hindi sya yon.

Katabi nito si Miss Mhiavee.
Sa tabi ni Miss Mhiavee ang mommy ng boyfriend ni Maggie, si Miss Eliza.
At katabi ito ng lalaking gwapo sa may gilid nito.
Spain, 1998

Nanlaki ang mata nya sa sumunod na nakita.

Ang papa nya hawak yun baby kasama si Miss Mhiavee.

"See? May relasyon silang dalawa!"
Nanginginig nyang sabi at iniabot yon sa dalawa.

Hindi sya makapaniwala sa nakita. Hindi nya inaakala na may matutuklasan syang kakaiba.
Kahit ang dalawa ay hindi rin agad nakapagsalita.

Ang ipinagtataka nya lang ay kung bakit isang baby lang ang andun.

Kung si Jessica ito? Hindi ba dapat kasama si Precious?

Pero si Maggie ay may sinabi.
"Ang alam ko may kakambal si Miss Mhiavee na sobrang kamukha nya. Childhood friends sila daddy, si Miss Eliza, yun papa mo at si Miss Mhiakha, the twin of Miss Mhiavee." Paliwanag ni Maggie. "Minsan inisip ko rin na baka kapatid ko si Jessie dahil naging mas malapit sya kay daddy nung nalaman ni Dad na kay Miss Mhiakha lumaki si Jessie sa Spain pero kapag naaalala ko na kakambal nya si Precious naiisip ko
na sana wag nalang."

Paliwanag nito kaya lalong sumakit ang ulo nya.

Ang gulo ng buhay ni Jessica.
At ngayon pakiramdam nya ay yun mga buhay nila magkakonekta?

Si Maggie, si Brendon, si Jessica at sya!

Sino ba talaga ang batang nasa picture?
Si Precious? Si Jessica o baka naman?

Bakit ba naiisip nyang kasama si Alvarez?

Wag naman sana dahil ayaw nya itong maging kapatid.
May parte sa puso nya na nagsasabing wag naman sana.

"Have you seen this?" Tanong ni Krizzie sabay pakita ng frame kung saan may picture na magkasama sila Alvarez at ang papa nya sa isang graduation.

Nakasuot ng graduation uniform ang binata.

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon