Habang nagmemeryenda silang tatlo. kausap ng papa nya si Alvarez sa sala.
Kitang kita nya ang ama kung paano maging magiliw sa binata kaya talagang nagtataka na sya kung anong meron sa dalawa.
Sa pagkakaalala nya ay pinalayas ito noon ng ama.
"Baka naman malusaw." Sabi ni Krizzie na panay ang video sa kanya.
Napasimangot sya rito.
Kaya natawa ito lalo na ng magsalita rin si Maggie."Hindi pa kasi aminin.. akala mo naman lugi pa sya."
Natawa sya ng malakas saka sya ngumisi sa mga ito.
"Ano naman aaminin ko?"Wala na naman magawa ang dalawang ito.
Kahit dalawa lang sila feeling nya katumbas ng apat ang mga ito sa tindi ng pang aasar sa kanya."Aminin mo na crush mo si Alvarez!"
Sa sinabi ni Krizzie ay agad nya itong sinubuan ng ensaymada sa bibig sa pagkataranta nya.
Baka marinig ito ng binata.
Namumula ang mga pisngi nya na napatingin sa mga ito.Nakatingin rin pala sa kanila ang dalawang lalaki na nag uusap sa sala.
Pinandilatan nya ng mata si Krizzie.
"Bunganga mo! Baka gutom ka pa."Sinamaan sya ng tingin ng kaibigan na pinuno nya ang bibig.
"Magkalinawan nga tayo Regina!" Si Maggie at lumapit ng pagkakaupo sa kanya. "Yan bang si Alvarez talagang magsasaka? Narinig ko kanina kausap ng papa mo ang galing mag-English.. dinidiscuss nya yun tungkol sa mga reforms ng hacienda tapos nakikinig yun papa mo."
Tama ang sinabi ng kaibigan.
Kahit sya ay nagtataka rin.Yun pagsasalita kasi ni Alvarez at pagkilos.
mapagkakamalan mo na mataas ang pinag aralan.He can speak English fluently plus madalas nya makita ito at ang ama nya na seryosong pinag uusapan yun tungkol sa hacienda.
Ang alam nya elementarya lang ang natapos nito.
Binato sya ni Maggie ng pillow.
"Nice talking."Natawa sya. "May iniisip kasi ako!"
"Alin yun moment nyo kanina?" Nang aasar parin na banat ni Krizzie.
Sinamaan nya ito ng tingin.
Muntik na nya ito mamura pero sa isip nalang.Ang totoo pwede rin naman.
Gwapo naman si Alvarez.
Hindi na nya nasagot ang dalawa dahil naalala nya ang binata kaya muli syang tinamaan ng dalawang pillow.
BINABASA MO ANG
The Heir
RandomBessy Marias Oath.. I am the only heirs of Hacienda! And I hate it. I love to Travel. I love Food I love to Swim. I love my Friends because they are my Family. I don't have siblings I love sports but sometimes I'm not sporty. I love to fix things to...