RK 7

30 1 0
                                    

Tulad ng dapat asahan.
Late na sya gumising kasi hindi naman talaga sya early person.

Sleeping beauty nga tawag sa kanya ng mga kaibigan lalo na kapag magkakasama sila sa RV.

Kasi ang dami na nagawa ng mga ito ay tulog parin sya.

Kaya pinipilit nya gumising ng maaga dahil kapag nahuli sya sa kama ay siguradong may lipstick na sya sa mukha pagbangon nya.

Magugulat nalang sya pagbukas nya ng page nila ay nakapost na ito.

Kasi kahit sya ang gumawa ng page nila ginawa parin nyang admin ang lahat ng kaibigan nya.

Kasi yun page na ginawa nya ay exclusively for Bessy Marias lang.

Biographies nila ang andun, pictures, achievements at mga bonding moments.

Dahil may mga followers na rin sila ang purpose ng page nila ay magbigay ng inspirasyon sa iba.

Noong una nyang ginawa yon wayback highschool talagang inuulan sila ng mga bashers lalo na kapag may issue sila sa kalabang school na Inter-Science.

Pero nung niyaya sila ni Jessica sumali sa Charity kung saan kabilang ang ilang professionals na tumutulong sa mahihirap ay naiba ang tingin sa kanila ng mga tao.

Hindi na mga spoiled brat at rebel group.

Pati ang social world ay natuto silang irespeto at hindi na hinusgahan.

Nagtataka lang ang ibang tao kung bakit wala syang pictures ng pamilya nya pati na si Jim.

One thing, malayo ang loob nya sa ama at pakiramdam nya.
Never silang magkakasundo nito.

Simula pagkabata nya ay hindi nya naramdaman ang pagmamahal nito.

Palagi itong nasa ibang bansa sa mga business trip nito.
Sya?
Saan sya naiiwan?
Sa mga katulong?
Mabuti pa ang pinsan nyang si Brendon may kapatid itong kasama para may kausap ito.

Samantalang sya?

Si Alvarez na anak ng caretaker nila.
Anak ng magsasaka pero mabait naman si Alvarez.
Wala naman syang masamang ibig sabihin sa iniisip nya.

Ang point nya.. si Alvarez nalang ang nakakausap nya? Pinaalis pa ito ng papa nya nung maging highschool sya sa LAS.

Sinabi pa nya noon sa ama na gusto nya magkaroon ng sariling condo at gusto nya matuto mamuhay mag isa.
Pumayag ito magkaroon sya ng condo pero hindi ito pumayag na magtrabaho sya.

Palagay nya naiintindihan nya ang desisyon ng ama.

Kasi hindi sya pwede maging empleyado.
Mainitin ang ulo nya.
Kahit na nadadala nya ang sitwasyon kapag may tensyon.

Iba parin kapag sinigawan sya.
Ayaw nya natatapakan sya kaya siguro hindi sya pinayagan ng ama.
Minsan naiisip nya na kilala talaga sya ng ama pero minsan hindi sya kilala nito.

The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon